George Westinghouse

Si George Westinghouse (6 Oktubre 1846 - 12 Marso 1914) ay isang kilalang imbentor at tagapag-yari ng mga produktong-pangkalakalan (commercial) sa Estados Unidos.[1]

Si George Westinghouse.

Talambuhay

baguhin

Isinilang si Westinghouse sa Central Bridge, New York, bilang ika-walo sa walong magkakapatid. Dahil sa mga karanasan niya sa loob ng tindahang pang-makinaryang pang-pagsasaka, nakabuo si Westinghouse ng isang makinang de-singaw at de-rotaryo. Mayroon siyang mahigit sa 400 mga patenteng pang-imbensiyon. Kabilang sa mga ambag niya sa larangan ng industriyang makabago ang mga sumusunod: isang linya ng mga tubong daluyan ng mga hanging-likas, ang naghahalin-hinang daloy ng kuryente para sa mga ilaw at enerhiya, at mga eksperimento hinggil sa mga turbinang pasingaw-hangin at mga paluksong de-hangin (o mga muwelyeng de hangin). Kinandili rin niya ang pagpapabuti ng imbensiyon ni Nikola Tesla: ang motor na gumagana sa pamamagitan ng induksiyon. Itinitag ni Westinghouse ang bahay-kalakal na Westinghouse Electric Company. Ang pinakamahalaga niyang likhain ay ang prenong de-hangin para sa mga tren.[1]

Nagsilbi din siya bilang sundalo noong kapanahunan ng Digmaang Sibil ng Estados Unidos.[1]

Napangasawa niya si Marguerite Erskine Walker noong 1867. Namatay siya sa Lungsod ng New York.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0717205088


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.