Si Germaine Greer (ipinanganak 29 Enero 1939 sa Melbourne, Australya) ay Australyanong manunulat, akademiko, mamamahayag, at iskolar ng makabagong panitikang Ingles, malawak na kinikilala bilang isa sa mga mahahalagang boses ng peminista ng huling bahagi ng ika-20 siglo.[1][2][3]

Germaine Greer
Si Germaine Greer noong 2006 sa "Humber Mouth" Hull, isang pagdiriwang sa panitikan
Kapanganakan (1939-01-29) 29 Enero 1939 (edad 85)
Melbourne, Australia
TrabahoAkademikong manunulat
NasyonalidadAustralyano
EtnisidadPuti
EdukasyonPamantasan ng Melbourne
Panahon1970–kasalukuyan
PaksaKasaysayan ng Sining, Panitikang Ingles, peminismo
(Mga) kilalang gawaThe Female Eunuch

Nagkaroon ng kontrobersiya ang mga kaisipan ni Greer simula nang naging mabili sa buong mundo ang kanyang aklat na The Female Eunuch noong 1970. May-akda rin siya ng iba pang mga aklat na kinabibilangan ng, Sex and Destiny: The Politics of Human Fertility (1984); The Change: Women, Ageing and the Menopause (1991) at Shakespeare's Wife (2007). Naglilingkod siya ngayon sa Pamantasan ng Warwick bilang Propesor Emeritus ng Panitikang Ingles at Paghahambing na mga Pag-aaral.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Jardine, Lisa. Growing up with Greer, The Guardian, 7 March 1999.
  2. Bone, Pamela. "Western sisters failing the fight" Naka-arkibo 2008-07-28 sa Wayback Machine., The Australian, 8 March 2007.
  3. "Germaine Greer," Encyclopaedia Britannica, 2007.