Gianduia
Ang gianduia o gianduja (Italyano: [dʒanˈduːja];[1] Piamontes: giandoja [dʒaŋˈdʊja]) ay isang matamis ng tsokolateng pinapahid na naglalaman ng mga 30% na pastang abelyana, na inimbento sa Turin noong rehensiyang Napoleon (1799–1814).
Uri | Nougat |
---|---|
Lugar | Italy |
Rehiyon o bansa | Turin, Piedmont |
Pangunahing Sangkap | Tsokolate, pastang abelyana |
|
Kasaysayan
baguhinAng Sistemang Kontinental, na ipinataw ni Napoleon noong 1806, ay pinigilan ang mga produktong Briton na pumasok sa mga puwertong Europeo na nasa kontrol ng mga Pranses, na napilayan ang panustos sa kakaw.[2] Pinalawig ng isang magtsotsokalate sa Turin na nagngangalang Michele Prochet ang kanyang kakaunting tsokalate na mayroon siya sa pamamagitan ng paghalo nito sa abelyana mula sa burol ng Langhe sa timog ng Turin.[3] Mula sa isang base ng gianduja, inimbento ng tagagawa ng tsokalate na nakabase sa Turin, ang Caffarel, ang gianduiotto noong 1852.[4]
Kinuha ang pangalan mula sa Gianduja, isang karakter sa Karnabal at marionette na kinakatawan ang arkitipong Piamontesa, ang mga katutubo ng Italyanong rehiyon kung saan karaniwan ang abelyanang pampatimpla.
Tingnan din
baguhin- Nutella, na orihinal na tinatawag bilang[5]
- Gianduja (fr.wikibooks)
- Crema gianduia (it.Wikipedia)
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Focus on Gianduia, Part 1.5: Orthography and Pronunciation – DallasFood". dallasfood.org (sa wikang Ingles).
- ↑ Elena Kostioukovitch (2009) Why Italians Love to Talk About Food p.95, Farrar, Straus and Giroux, ISBN 978-0374289942 (sa Ingles)
- ↑ ""Turin's chocolatiers" (Feb 2013) Gourmet Traveller Magazine". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-04-11. Nakuha noong 2020-10-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Caffarel – Finest Chocolate and the Best Hazelnuts". Caffarel (sa wikang Ingles).
- ↑ The History of Nutella Naka-arkibo 2015-09-12 sa Wayback Machine.