Gigametro
Mga yunit SI | |
---|---|
1.000×106 km | 1.000×109 m |
Mga yunit astronomikal | |
6.685×10−3 AU | 105.7×10−9 st |
Kostomaryong EU / Imperyal na yunit | |
621.4×103 mi | 3.281×109 tp |
Ang gigametro (Simbulo: Gm) ay isang yunit ng haba sa sistemang metriko, na may katumbas na isang bilyong metro, ang baseng yunit ng SI para sa haba, kaya may katumbas rin itong 1,000,000 km o 621,370 milya.
Hindi gaanong ginagamit ang Gigametro (mula sa mga salitang Griyego na gigas = higante at metro = bilang/kasukatan) sa pang-araw-araw na buhay, dahil napakalaki nito sa anumang gawain sa mundo. Subalit, kadalasan naman itong ginagamit sa astronomiya para sukatin ang layo ng isang bagay tulad ng mga planeta mula sa kanilang bituin kasama na ang ating Araw kasama ang yunit astronomikal (AU).
- Ang isang yunit astronomikal (AU) o ang layo ng Mundo mula sa Araw ay 149.6 Gm.
- Ang layo ng Jupiter mula sa Araw ay 778.5 Gm.
- Ang layo ng PSR J1719-1438 b mula sa isang pulsar na PSR J1719-1438 ay 0.666 Gm, na kung saan ay ang pinakamaliit na ligiran ng kahit anong exoplaneta.
- Ang diyametro ng Araw au 1.393 Gm.[1]
- Ang diyametro ng pulang superhiganteng Betelgeuse ay 1302 Gm.
Tignan din
baguhinTalababa
baguhin- ↑ Emilio, Marcelo; Kuhn, Jeff R.; Bush, Rock I.; Scholl, Isabelle F. (Marso 5, 2012), "Measuring the Solar Radius from Space during the 2003 and 2006 Mercury Transits", arXiv, nakuha noong Marso 28, 2012
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.