Haba
Ang haba ay isang sukat ng distansya. Sa International System of Quantities (Internasyunal na Sistema ng mga Kantidad), ang haba ay isang kantidad na may dimensyon na distansya. Sa karamihan ng mga sistema ng pagsusukat, isang yunit na base ang pinipili, mula dito ay hinango ang lahat ng ibang mga yunit. Sa Pandaigdigang Sistema ng mga Yunit (SI), ang yunit na base para sa haba ay metro.
Karaniwang iniintidi ang haba bilang ang pinakamalawig na dimensyon ng isang pirming bagay.[1] Bagaman, hindi laging ganito ang kaso at maari na dumipende sa posisyon kung saan naroon ang bagay.
Iba't iba ang katawagan ang ginagamit para haba ng isang pirming bagay at kabiliang dito ang taas, na ang patayong haba o laki, at lapad, lawak o lalim. Ginagamit ang taas kapag mayroong base na maaring kunin ang mga sukat na patayo. Kadalasang ginagamit naman ang lapad at lawak sa isang mas maikling dimensyon kapag ang haba ay ang pinakamahaba. Ginagamit ang lalim para sa ikatlong dimensyon ng bagay na tatlong dimensyon.[2]
Isang sukat ang haba ng dimensyong espasyal, samantalang sinusukat ang sukat (o area) bilang panukat para sa dalawang dimensyon (pinarisukat na haba) at ang bolyum ay isang panukat para sa tatlong dimensyon (kinubong haba).
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "WordNet Search - 3.1". wordnetweb.princeton.edu (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Setyembre 2016. Nakuha noong 15 Marso 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Measurement: Length, width, height, depth | Think Math!". thinkmath.edc.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Pebrero 2020. Nakuha noong 15 Marso 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)