Gilberto Teodoro

Filipinong politiko

Si Gilberto Eduardo Gerardo Cojuangco Teodoro Jr. PLH (ipinanganak 14 Hunyo 1964), mas kilala bilang Gilbert/Gibo,[1] ay ang dating kalihim ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas mula Agosto 2007 hanggang noong Nobyembre 2009. Siya ay nahalal bilang kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2007, na kumakatawan sa Unang Distrito ng lalawigan ng Tarlac. Noong Marso 2009 ay ipinahayag niya ang pagnanais na tumakbo sa pagka-Pangulo ng Pilipinas noong Halalan ng Mayo 2010.

Gilberto C. Teodoro, Jr.
Si Gilberto Teodoro noong 2023.
Kalihim ng Tanggulang Bansa
Nasa puwesto
3 Agosto 2007 – 15 Nobyembre 2009
Nakaraang sinundanNorberto Gonzales
Sinundan niNorberto Gonzales
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Unang Distrito ng Tarlac
Nasa puwesto
30 Hunyo 1998 – 30 Hunyo 2007
Nakaraang sinundanJose Cojuangco Jr.
Sinundan niMonica Prieto-Teodoro
Personal na detalye
Isinilang (1964-06-14) 14 Hunyo 1964 (edad 60)
Maynila, Pilipinas
KabansaanPilipino
AsawaMonica Prieto-Teodoro
AnakJaime
Alma materPamantasang De La Salle
Unibersidad ng Pilipinas
Harvard Law School
TrabahoAbogado

Siya ang nag-iisang anak nang dating tagapamahala ng Paseguruhan ng mga Manggagawa sa Pribadong Sektor Gilberto Teodoro Sr. at dating kasapi ng Batasang Pambansa na si Mercedes Cojuangco-Teodoro. Pamangkin din siya ni Eduardo Cojuangco Jr., tagapangulo ng San Miguel Corporation. [2]

Bukod sa pagiging kasapi ng Integrated Bar of the Philippines, UP Alumni Association, UP Law Alumni Association, Harvard Alumni Association at Harvard Law Alumni Association, lisensiyadong piloto din si Teodoro at Colonel sa Reserba ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas.

Edukasyon

baguhin

Nagtapos ng elementarya at sekundarya si Teodoro sa Xavier School.

Si Teodoro ay nagtapos ng Batsilyer sa Komersyo mula sa Pamantasang De La Salle noong 1984. Taong 1989, nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas, kung saan nagawaran siya ng Medalya ng Dekano sa Kahusayang Pang-Akademya. Nang taong ding iyaon, siya ay nanguna siya sa Philippine Bar exams.

Sa loob ng pitong taon, ginamit niya ang kanyang kakayanan bilang pribadong abogado sa EP Mendoza Law firm. Nag-aral siya sa Harvard Law School sa Cambridge, Massachusetts para sa kanyang Master of Laws at nagtapos noong 1997. Natanggap din siya sa State Bar ng New York nang taon ding iyon.

Karera sa politika

baguhin

Mambabatas

baguhin

Mula 1998 hanggang 2007 kinatawan siya ng Unang Distrito ng lalawigan ng Tarlac. Nanilbihan siya bilang Katulong na Pinuno ng Mayorya sa Ika-11 na Kongreso at pinuno ng mga kasapi ng Kapulungan na kasapi ng Nationalist People's Coalition. Kasapi rin siya ng mga kinatawan ng kapulungan sa Legislative-Executive Development Advisory Council.

Matapos ang kanyang tatlong termino pinalitan siya nang kanyang asawa na si Monica Prieto-Teodoro.

Kalihim ng Tanggulang Pambansa

baguhin

Naitalaga si Teodoro bilang Kalihim ng Kalihim ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa noong Agosto 2007 sa edad na 43, ang pinakabatang naupo sa posisyong iyon.

Kandidato sa pagkapangulo sa 2010

baguhin

Noong Marso 2009 ipinahayag niya ang pagnanais na tumakbo sa pagkapangulo ng Pilipinas sa darating na Halalan sa Mayo 2010.[3] Ilang buwan bago yun, umalis siya sa Nationalist People's Coalition para sumali sa nagsanib na partio ng administrasyon na Lakas-Kampi-CMD at isinama ang kanyang pangalan sa pagpipilian ng partido sa pagtakbo sa halalan sa 2010.

16 Setyembre 2009, sa pamamagitan ng sikretong botohan na mayroong 42-5 na pabor sa kanya, nang komitibang tagapagpaganap ng partidong Lakas-Kampi, siya ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng partido para sa darating na halalan, na nag-iwan sa katunggali niyang Tagapangulo ng MMDA Bayani Fernando. Ang pahayag na ginawa ng Kalihim-Heneral ng Lakas-Kampi Gabriel Claudio matapos ang ilang oras na deliberasyon.[4]

Pangulo ng Lakas-Kampi-CMD

baguhin

Noong Nobyembre 20, inihayag ni Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang pagbibitiw sa partido bilang Pangulo at inililipat na niya ang posisyon kay Teodoro[5].

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Teodoro, Gilberto Jr Personal Information
  2. "Gilbert Teodoro: In His Uncle's Shadow". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-23. Nakuha noong 2009-11-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Palace cheers Teodoro’s plan to run in 2010
  4. Lakas-Kampi picks Gibô
  5. Philippine President Arroyo quits as ruling party head

Mga kawing panlabas

baguhin
Sinundan:
Jose Cojuangco, Jr.
Kinatawan, Unang Distrito ng Tarlac
1998–2007
Susunod:
Monica Prieto-Teodoro
Sinundan:
Norberto Gonzales
Kalihim ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas
2007–kasalukuyan
Susunod:
'Nakaupo'