Ang gimel ay ang ikatlong titik ng mga Semitikong abyad, kabilang dito ang Penisyong Gīml , Ebreong ˈGimel ג, Arameong Gāmal , Siriakong Gāmal ܓ, at Arabeng ǧīm ج (sa ayos-alpabeto; ikalima sa pababay na ayos). Ang tunog nito sa orihinal na Penisyo at sa lahat ng mga alpabetong hango, maliban sa Arabe, ay isang matunog na panlalamunang plosibo (voiced velar plosive) [ɡ]; sa Modernong Pamantayang Arabe, kumakatawan ito sa /d͡ʒ/ o /ʒ/ para sa karamihan ng mga nagsasalita ng Arabe maliban sa mga nasa Ibabang Ehipto, mga timugang bahagi ng Yemen at ilang bahagi ng Oman kung saan binibigkas ito bilang matunog na panlalamunang plosibo (voiced velar plosive) [ɡ].
Sa di-napatunayang, ngunit palagaying anyong Proto-Kananita, maaaring pinangalanan ang titik mula sa sandata na panghilagpos o patpat, na sa huli ay nagmula sa glipong Proto-Sinaitiko batay sa heroglipiko sa ibaba:
Ang Penisyong titik ay umakay sa gamma ng Griyego (Γ); C, G, at yogh ng Latin; at Г at Ґ ng Siriliko.