Ulo ng titi
Ang ulo ng titi o dulo ng titi (Ingles: glans penis, o glans lamang) ay ang maselan o sensitibong dulo ng titi na kahugis ng bumbilya. Ang ulo ng titi ay katumbas ng dulo ng tinggil o ulo ng tinggil ng isang babae. Kung minsan, buo o bahagya itong natatakpan ng prepusyo ng titi, maliban na lamang sa mga lalaking buo ang pagkakatuli.
Ulo ng titi | |
---|---|
Mga detalye | |
Latin | Glans penis |
Arteryang uretral | |
Mga pagkakakilanlan | |
Anatomiya ni Gray | p.1248 |
Dorlands /Elsevier | Glans penis |
TA | A09.4.01.007 |
FMA | 18247 |
Bukod sa pagtawag sa glans penis bilang "ulo ng titi", kabilang din sa katawagan nito ang "helmet", "dulo ng hawakan ng pinto", o "dulo ng kampana" dahil sa natatanging hugis nito. Ang katawagang pangmedisina ay nagmula sa Latin na glans o "acorn" sa Ingles + penis o "ng titi" o "pang-titi" – ang henitibong Latin ng salita ay may kahalintulad na anyo sa nominatibo. Sa salitang balbal, tinatawag ang ulo ng titi bilang burat o turat.