Glans
Ang glans (Latin para sa "ensina", "akorn", o "belyota")[1] ay isang kayariang baskular na nasa dulo o ulo ng titi sa kalalakihan, na katumbas ng kayariang pangkasarian ng tinggil, na tinatawag na dulo ng tinggil o ulo ng tinggil, ng kababaihan.[1]
Kayarian
baguhinAng panlabas na bahagi ng glans ay binubuo ng membranong mukosa, na karaniwang natatakpan ng prepusyo ng titi o kaya ng prepusyo ng tinggil sa likas na umunlad na henitalya. Ang takip na ito, na tinatawag ngang prepusyo, ay likas na naiuurong o naiaatras kapag nasa wastong edad na ang isang tao.
Ang glans ay likas na dumurugtong sa panloob ng labia, at sa prenulum ng titi o kaya ng tinggil. Sa mga talakang hindi teknikal o seksuwal, ang "tinggil" o "klitoris" ay kadalasang tumutukoy na sa mismong glans lamang, na hindi isinasama ang takip ng tinggil, prenulum, at panloob na katawan ng tinggil.
Pagkakaibang pangkasarian
baguhinSa mga lalaki, ang glans ay tinatawag na glans penis, habang nakikilala itong clitoral glans (ulo o dulo ng tinggil), sa Ingles, para sa mga babae. Sa mga babae, ang tinggil ay nasa ibabaw ng uretra (lagusan ng ihi). Ang glans ng tinggil ay ang bahaging may pinakamataas na inerbasyon (nangangahulugang may "pinakamaraming", "may pinakamaugat", o "may pinakamasisiglang nerb") sa panlabas na parte ng organong pangkasarian ng isang babae.
Pag-unlad
baguhinSa pag-unlad ng mga organong urinaryo at reproduktibo, ang glans ay hinango mula sa tuberkulong henital.