Prepusyo ng tinggil

Sa anatomiya ng babaeng tao, ang prepusyo ng ulo ng tinggil, prepusyo ng tinggil, o suklob ng kuntil (Ingles: clitoral hood) ay ang tiklop ng balat na nakapalibot at pumuprutekta sa tinggil. Tinatawag pa rin itong pandong ng tinggil o kaputsa ng tungkil, o kaya pindong ng tinggil. Nabubuo ito bilang bahagi ng maliit na mga labi ng puke at katumbas ng prepusyo ng titi ng mga lalaking tao.

Nasisinsingang prepusyo ng tinggil.

Mga pagbabago

baguhin

Nagiging lubos na pangkaraniwan ang paglalagay ng butas sa prepusyo ng tinggil para kabitan ng hikaw, katulad ng paglalagay ng butas ng tainga. Bagaman hindi masyadong pangkaraniwan, pinipili ng ibang mga babae ang pagbabawas o pagaalis ng prepusyo ng tinggil upang palagiang nakabuyangyang ang bahagi o lahat ng ulo ng tinggil. Halos katumbas ng pagtutuli sa mga kalalakihan ang paraang ito subalit hindi dapat maging sanhi ng kalituhan kung ihahambing sa ibang mga mas mabalasik na mga pamamaraan.

Masturbasyon

baguhin

Maaaring magsalsal ang mga babaeng may mas malalaking prepusyo sa pamamagitan ng paghimas sa ulo ng tinggil (Ingles: clitoris). Hinahaplos naman ng mga babaeng may mas lipos na istruktura bilang iisang kasangkapan ang ulo ng tinggil at ang prepusyo ng ulo ng tinggil. Masyadong maramdamin o sensitibo ang ulo ng tinggil kung aangating binabatak paggawing likod ang prepusyo ng tinggil.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.