Globo
(Idinirekta mula sa Globe)
Ang globo ay modelo ng mundo. Sa globo makikita ang kabuuang larawan kung saan nakalagay o nakapuwesto ang bawat bansa, mga karagatan, at mga kontinente.
Mga bahagi ng globo
baguhin- Ekwador - ito ang humahati sa globo sa dalawang magkasinlaking bahagi - ang hilaga at timog hatingglobo. Matatagpuan ang ekwador sa panuntunang 0°. Ito ang tinuturing na pinakamahaba sa lahat ng latitud. Ang ekwador ang bahagi na pinakamalapit sa araw kung kaya't mainit sa panig na ito ng daigdig.
- Latitud - (o latitude) ito ang mga guhit na paikot sa globo na kahanay ng ekwador. Ang mga guhit na ito ay kanluran papuntang silangan. Ginagamit din ito sa pagsukat ng layo ng isang lugar, pahilaga at patimog mula sa ekwador.
- Longhitud - (o longitude) ito ang mga patayong guhit na naguugnay sa pulong hilaga at pulong timog. Kahanay ito ng punong meridyano at ginagamit sa pagsukat ng layo ng isang lugar pasilangan at pakanluran mula sa punong meridyano.
- Punong Meridyano - matatagpuan ang guhit na ito sa panuntunang 0°. Tinatawag din itong Greenwich dahil naglalagos ito sa Greenwich,South Villa Catalunan Grande
- Internasyunal na Guhit ng Petsa (International Date Line) - matatagpuan sa 180° meridyano. Sa bahaging ito nangyayari ang pagpalit ng petsa at oras.
- Grid o Parilya - ito ay nabubuo kapag pinagsama o nagkatagpu-tagpo ang guhit latitud at guhit longhitud.
- Hilagang Hating Globo - ang itaas na bahagi ng ekwador.
- Timog Hating Globo - ang ibabang bahagi ng ekwador.
Tatlong malalaking pangkat ng latitud:
baguhin- Mababang Latitud
- Gitnang Latitud
- Mataas na Latitud