Ang Goguryeo ay ang isa sa mga tatlong kaharian ng Korea. Nasa hilaga ito ng Korea sa lugar na malapit sa Manchuria. Itinatag ito ni Haring Jumong na mas kilala sa kanyang pangalang DongmyeongSeong, isang dating prinsipe ng Silangang Buyeo. Ginawa niyang kabisera ang siyudad ng Jolbon.

Kasaysayan ng Korea

Sinauna
 Panahon ng Jeulmun
 Panahon ng Mumun
Gojoseon 2333-108 BCE
 Jin
Sinaunang Tatlong Kaharian: 108-57 BCE
 Buyeo, Okjeo, Dongye
 Samhan: Mahan, Byeon, Jin
Tatlong Kaharian: 57 BCE - 668 CE
 Goguryeo 37 BCE - 668 CE
 Baekje 18 BCE - 660 CE
 Silla 57 BCE - 935 CE
 Gaya 42-562
North-South States: 698-935
 Pinag-isang Silla 668-935
 Balhae 698-926
Sumunod na Tatlong Kaharian 892-935
Goryeo 918-1392
Joseon 1392-1897
Imperyong Koreano 1897–1910
Pamumuno ng Hapon 1910–1945
 Pamahalaang Probisyonal 1919-1948
Pagkakahati ng Korea 1945–1948
Hilagang Korea, Timog Korea 1948–present
 Digmaang Koreano 1950–1953

  • Talaan ng mga namuno
  • Panahong Linya
  • Kasaysayang Militar
  • Kasaysayang Naval
  • Agham at Teknolohiya ng Korea
  • Korea Portal

    Ang Goguryeo ay isang makapangyarihang kaharian hanggang sa matalo ito ng magkasanib pwersang Silla-Tang noong 668 A.D. Ngunit nakayanan nitong itaboy ang mga sunod-sunod na pag atake ng Dinastiyang Tang, ang una ay noong 645, pangalawa ay nuong 661 at ang pangatlo nung 662. Lahat ng pagtatangkang ito ay bigo dahil di nila nagapi ang mga matagumpay na depensang pinamunuan ni Heneral Yeon Gaesomun, ang pinuno ng ugnayang militar ng Goguryeo. Pagkatapos ng pagbagsak nito ang mga teritoryo nito ay pinaghatian ng Tang, Pinag-isang Silla at Balhae. Marami ang mga sumulpot na kilusan upang muling maibalik ang Goguryeo, na ang nagtagumpay ay ang kilusan na itinatag ng dating heneral ng kahariang ito na si Dae Joyoung, kasama ang mga dating mamamayan ng Goguryeo, nagtungo sila sa Bundok ng Dongmo at itinatag ang Balhae.


    Kasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.