Biyernes Santo

(Idinirekta mula sa Good Friday)

Ang Biyernes Santo ay isang sagradong araw na ipinagdiriwang ng mga Kristiyano tuwing Biyernes bago sumapit ang Pasko ng Pagkabuhay. Isa itong natatanging araw dahil inaalala nito si Hesus. Naniniwala ang lahat ng mga Kristiyano na namatay si Hesukristo sa krus para sa mga kasalanan ng mundo, kayâ tinatawag itong "Mabuting" Biyernes. Nangyari ang kaganapan mga malápit sa dalawang libong taon na ang nakararaan sa Kalbaryo, malápit sa Herusalem, at tinatawag na krusipiksiyon ang pagpapako sa krus ni Hesus. Kadalasang isinasagawa ang mga natatanging mga serbisyo ng pananalangin sa araw na ito na may mga pagbása ng pangyayari o salaysay sa Mabuting Balita hinggil sa mga kaganapang humahantong sa pagpapako sa krus. Sinasabi ng pangunahing mga simbahang Kristiyano na isang kusang kilos ang krusipiksiyon ni Kristo, na ginawa ni Hesus para sa mga nananalig sa kaniya, at dahil dito  – kasama ang muling pagkabuhay o resureksiyon niya sa ikatlong araw  – nagapi ang kamatayan.

Biyernes Santo
UriKristiyano, sibil
KahalagahanPaggugunita sa pagkapako at pagkamatay ni Jesu-Kristo
Mga pagdiriwangWalang tradisyunal na pagdiriwang
Mga pamimitaganPaglilingkod sa pagsamba, Panalangin and Bihilyang paglilingkod, pag-aayuno, pagbibigay ng limos
PetsaBiyernes kaagad sinusundan ng Pasko ng Pagkabuhay
2024 datedate missing (please add)

Kasaysayan

baguhin

Ang Biyernes Santo ay idinadaos mula pa noong 100 C.E. Ngunit ilang taon din itong dinaraos na walang kinalaman sa pagkamatay ni Hesus kundi isang payak na araw ng pag-aayuno. Mula noong ikaapat na siglo, inilarawan ng Apostolic Constitutions ang araw na ito bílang "araw ng pagluluksa, at hindi araw ng kasiyahan," hanggang ang araw na ito ay tinawag na 'Pasch (passage) of the Crucifixion.'

Mula noon, ginugunita nila ang araw na ito bílang araw nang si Hesus ay dinakip at nilitis. Siya ay inilipat sa kamay ng mga sundalong Romano upang ipabugbog at latiguhin. Isang koronang punô ng mahahaba at matatalim na tinik ang tinusok sa kaniyang ulo. Si Hesus ay napilitan ding magpasan ng krus sa labas ng siyudad papunta sa Burol ng Bungo. Nanghina siya nang husto matapos siyang bugbugin, at isang laláking nagngangalang Simon na mula sa Cirene ang hinugot mula sa mga nagmamasid at pinilit na ipabuhat ang krus ni Hesus. Pagdatíng sa Burol ng Bungo, si Hesus ay pinako sa krus kasáma ang dalawa pang kriminal na nasa magkabiláng tabi niya. Isang karatula ang ikinabit sa ibabaw na krus na nagsasabing, "Hari ng mga Hudyo".

Sa Simbahang Katoliko Romano

baguhin
 
Ang krusipiho ay nakahanda sa pagpaparangal.

Ang araw ng Biyernes Santo ay para sa paggunita ng pagpapakasakit ng Panginoon, ang kaniyang ginawang pag-aalay ng kaniyang sarili para sa buong sangkatauhan at ang pagpaparangal sa krus na banal. Sa araw na ito hindi gaganapin ang kahit anong sakramento kahit Misa kung kaya’t ang ating liturhiya sa araw na ito ay walang Liturhiya ng Eukaristiya. Kahit walang Misa, ang liturhiya sa hapon ay bahagi ng Triduum na nagsimula noong gabi ng Huwebes kung kaya’t dapat makibahagi ang pamayanan dito.

Kaugalian

baguhin

Sa umaga, gawain ng Simbahan ang Panalangin sa Umaga (Morning Prayer) ng Panalanging Kristiyano sa Maghapon (Liturgy of the Hours). Malinaw na mas mataas ang gawaing ito sa iba pang panalangin i.e. Daan ng Krus kung kaya’t hindi dapat ito isantabi ng parokya. Ito ang tamang araw para gawin ang Daan ng Krus at hindi habang ginagawa ang Bisita Iglesia. Ang Daan ng Krus ay hindi dapat isabay sa liturhiya sa hapon. Maganda na gawin ito pagkatapos ng Panalangin sa Umaga.

Dapat bigyan ng tamang pagpapahalaga ang Panalangin sa Umaga at Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ng Panginoon na pawang Liturhiya kaysa sa gawain debosyonal sa simbahan gaya ng Siete Palabras at Daan ng Krus. Hindi ibig sabihin ay tatanggalin ang Siete Palabras at Daan ng Krus, bagkus dapat itong mga gawaing ito ay tumuturo pabalik sa liturhiya sa araw na ito. Ang mga debosyong ito ay mga dagdag lamang sa panalangin ng Simbahan (i.e. Liturhiya).

Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ng Panginoon

baguhin

Pangkalahatang Pakiramdam

baguhin

Mahalaga sa pagdiriwang na ito ang pangkalahatang pakiramdam (ambiance) kung kaya’t maraming pagkakataon para sa tahimik na panalangin, walang gayak ang santuaryo, walang mga bulaklak, kandila at mantel ang altar, walang paglalahad ng kamay ang pari, at wala ring mga pagbati.

Pagpapatirapa

baguhin

Magsisimula ang pagdiriwang sa tahimik na pagbalik sa santuaryo ng pari. Walang awit, walang maringal na prusisyon, ni hindi tatayô ang mga tao. Ang mga lingkod ay nakapuwesto na. Tahimik na lalakad ang paring tagapamuno mula sa sakristiya papunta sa harapan ng dambana at doon sa harap nito ay dadapa ito. Lahat ng mga tao ay magsisiluhod at tahimik na mananalangin.

Liturhiya ng Salita ng Diyos

baguhin

Matapos nito, tatayô ang tagapamuno at ang lahat ng natitipon. Hindi hahalikan ang altar. Magtutungo ang pari sa kaniyang upuan at sasabihin ang panalangin. Hindi niya ilalahad ang kaniyang kamay, ni hindi siya magsasabi ng ‘Manalangin tayo.’ Matapos nito, ipahahayag ang Salita ng Diyos. Sa unang pagbása, maririnig natin ang isa sa mga awit ng nagdurusang lingkod ng Panginoon na tumuturo kay Kristo. Ayon sa ikalawang pagbása, ginanap ni Kristo ang kaniyang pagkapari sa kaniyang kamatayan, inalay niya ang kaniyang sarili gaya ng pag-aalay ng kordero, para ipagkasundo ang Diyos at sangkatauhan at iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Kung maaari ay aawitin ang Salmong Tugunan at dahil walang pagpaparangal sa Mabuting Balita, maaaring awitin ang koro ng Ubi Caritas o salin nito. Walang pagbati sa simula ng Mabuting Balita, wala ring pagkukrus sa aklat at sa noo. Maaaring ipamahagi ang pagpapahayag ng Mabuting Balita sa ilang tao habang pari ang gumaganap sa bahagi ni Kristo, ang bahagi ng taumbayan (crowd) ay maaaring ibigay sa mga tao habang pinamumunuan ng mga lingkod sa pag-awit (choir). Hangga’t maaari ay angkop ang boses ng gaganap sa tauhan sa pagbása. Maaari ding gawing parang drama sa radio ang pagpapahayag ng pagpapakasakit at haluan ng awit ngunit hindi maaaring palitan ang pagpapahayag ng pag-awit ng Pasyon o ng isang pagtatanghal ng senakulo. Hindi palabas ang liturhiya. Ingatang huwag maging katawa-tawa ang gagawing pagpapahayag. Kapag mahusay ang pagganap sa bahaging ito, maaantig ang puso ng mga natitipon. Maaaring paupuin ang mga tao ngunit kailangan pa rin nilang tumayô at lumuhod – iminumungkahi na paupuin sa simula, patayuin kapag ipinapasan na kay Kristo ang krus, paluhurin sa punto ng kamatayan at patayuin hanggang katapusan.

Panalanging Pagkahalatan

baguhin

Pagkatapos ng pagpapahayag, hindi hahalikan ang Aklat. Sabi sa Sakramentaryo, maaaring magbigay ng maikling homiliya o paliwanag pagkatapos. Pagkatapos nito, gaganapin ang Panalanging Pangkalahatan. Ang ginawang pag-aalay ng buhay ni Kristo ay para sa kapakanan ng lahat kung kaya’t ipinapanalangin sa sampung panalangin ang lahat – ang Simbahan, ang Papa, ang Obispo, Kaparian at lahat ng kaanib ng Simbahan, ang mga Inihahanda sa Binyag, ang pagkakaisa ng lahat ng Kristiyano, ang mga Hudyo, ang mga hindi Kristiyano, ang mga hindi naniniwala sa Diyos, ang mga umuugit sa pamahalaan at ang mga may tanging pangangailangan. Ang anyo ng Panalanging Pangkalahatan sa Biyernes Santo ay ang anyo na likas sa Simbahang Romano noong sinauna (ang anyo na ginagamit natin sa araw-araw ay nagmula sa Eastern Rite). Tatayo ang mga tao sa paanyayang manalangin at luluhod para manalangin at tatayong muli kapag pinahahayag ng tagapamuno ang panalangin. Maaari rin namang tumayo o lumuhod na lang ang lahat sa buong Panalanging Pangkalahatan. Pero kung luluhod, tandaan na pagkatapos nito ay luluhod na naman ang tao sa Pagpaparangal sa Krus na Banal.

Pagpaparangal sa Krus na Banal

baguhin

Sa Pagpaparangal sa Krus na Banal, isang krus lamang ang gagamitin. Lalambungan ito ng pulang tela; sa paghahanda, dapat tandaan na unang tatanggalan ng takip ang ulunan, tapos ang kanang braso at tatanggalin sa huli. Mayroong dalawang paraan ng pagtatanghal sa krus at sa parehong paraan ipuprusisyon ang krus na may lambong patungo sa altar kasama ang dalawang lingkod na may dalang kandila. Sa unang paraan, dadalhin ito patungong altar kung saan tatanggapin ito ng tagapamuno sa gawi ng dambana at gagawin ang mga pagtatanghal sa lugar na ito. Sa ikalawang paraan, bababa ang tagapamuno at siya ang magpuprusisyon nito mula sa pintuan ng simbahan at gagawin ang pagtatanggal ng lambong at pagtatanghal sa pintuan, sa gitna ng simbahan at sa may gawi ng dambana. Tatanggalin ang lambong sa ulunan at itataas niya ito habang inaawit ang paanyaya at tutugon ang mga tao, pagkatapos, tatanggalin ang lambong sa kanang bahagi, muling itataas ito habang inaawit ang paanyaya at tutugon ang mga tao at sa pangatlo, tatanggalin ang buong lambong at itataas muli ang krus at gagawin ang sagutan. Matapos nito, ilalagay ang krus sa santuaryo sa pagitan ng dalawang kandila. Luluhod ang pari, mga lingkod at ang sambayanan sa harap ng krus at isa-isang pararangalan ito sa pamamagitan ng nakagawian i.e. paghalik. Maaari rin naman, kung masyadong marami ang mga tao at magtatagal (at dahil isa lang ang krus na maaaring gamitin), ay sabay-sabay na magparangal ang lahat sa pamamagitan ng pagluhod at tahimik na manalangin at saka na lamang pahalikan ang krus matapos ang pagdiriwang. Habang pinaparangalan ng krus na banal ay maaaring awitin ang mga Hinanakit (Reproaches) o ibang angkop na awitin.

Banal na Pakikinabang

baguhin
 
Ang Pakikinabang sa liturhiyang pagdiriwang ng Biyernes Santo (Our Lady of Lourdes, Philadelphia)

Pagkatapos ng Pagpaparangal, gaganapin ang Komunyon, ang pakikinabang natin sa nasirang katawan ni Kristo. Lalagyan ng mantel at corporal ang altar. Tahimik na maghihintay ang lahat habang kinukuha ng tagapamuno/diakono/lingkod sa pakikinabang ang Banal na Sakramento. Maaaring maupo at tahimik na manalangin ang lahat. Ipapatong ang mga ciborium sa altar at mananalangin ang lahat ng Panalangin ng Panginoon. Pagkatapos nito, walang Panalangin para sa Kapayapaan at walang Kordero ng Diyos. Tahimik na magdadasal ang pari at pagkatapos, gaganapin ang pakikinabang sa karaniwang paraan. Pagkatapos nito, ang mga matitira ay ibabalik sa Altar of Repose o sa Tabernakulo, ngunit maaari rin na ubusin na lamang ito at mag-iwan na lang para sa mga maysakit.

Walang Paghayo

baguhin

Pagkatapos ng Panalangin Pagkapakinabang, gaganapin ang pagpapanalangin sa sambayanan at wala muling paghayo. Maaaring iwan ang krus para sa patuloy na pagpapahalik at maaari na ring magsimula ang prusisyon ng Santo Entierro. Pagkatapos ng prusisyon ng Santo Entierro, maaaring ilagay ang imahen sa simbahan para sa mga tao.

Ang Daan ng Krus

baguhin

Bilang karagdagan sa inireseta sa malaliturhiyang pagdiriwang, ang Daan ng Krus (Via Crucis) ay madalas dinadarasal sa mga simbahan o sa labas, at sa isang panalangin ay maaaring gaganapin mula sa tanghali hanggang ika-3 ng hapon, na kilala bilang Siete Palabras (Pitong Huling Wika). Sa mga bansa tulad ng Malta, Italya, Pilipinas, Puerto Rico at Espanya, ang prusisyon na may mga imahen na kumakatawan sa pagpapakasakit ni Kristo ay gaganapin.

Pilipinas

baguhin

Sa nakararami ng mga Katoliko Romano sa Pilipinas, ang araw na ito ay ginugunita sa mga kalye tuwing may prusisyon, ang Daan ng Krus, ang pag-awit ng Pasyon, at mga pagtatanghal ng Senakulo. Ang mga kampana ng simbahan ay hindi pinapatugtog at ang Misa ay hindi ipinagdiriwang. Umaakit ang ilan sa mga deboto sa paghampas sa sarili at kahit na mayroon ang mga nagpapapako sa krus bílang ekspresyon ng penitensiya sa kabila ng mga isyu sa kalusugan at mariing tinitutulan mula sa Simbahan.[1]

Pagkatapos ng alas-tres ng hapon (ang oras kung saan si Jesus ay tradisyonal pinaniniwalaan na namatay), ang mananampalataya ay gumalang sa krus sa mga lokal na simbahan at sinundan ang prusisiyon ng paglilibing ni Jesus. Ang imahe ni Kristong nakahimlay ay mamintuho, at minsan itinuturing alinsunod sa mga lokal na kaugalian libing.

Sa Cebu at iba pang mga isla sa Visayas, ang mga tao ay karaniwang kumain ng binignit at biko bílang isang paraan ng pag-aayuno.

Sanggunian

baguhin
  1. Marks, Kathy (22 Marso 2008). "Dozens ignore warnings to re-enact crucifixion". The Independent. London. Nakuha noong 23 Marso 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.