Googol

isang napakalaking bilang

Ang googol (bigkas: /gu-gol/) ay ang pangalan para sa isang bilang o . Kumbaga, 1 na sinundan ng 100 mga sero o 10 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000 000. Ipinakilala ang katawagang ito ni Edward Kasner (1878–1955), isang Amerikanong matematiko.[1]

Etimolohiya

baguhin

Nilalang ang termino noong 1920 ng isang 9 na taong gulang na batang lalaki, ni Milton Sirotta (1911–1981), pamangkin ni Edward Kasner.[2] Ayon sa Ralph Keyes, puwedeng inspirado siya ni Barney Google.[3] Nagpapopular si Kasner ng salita sa kaniyang aklat Mathematics and the Imagination (Tagalog: Ang Matematika at ang Imahinasyon) noong 1940.

Walang natatanging katuturan sa matematika. Gayunman, kapaki-pakinabang para ikumpara ang malalaking dami, halimbawa dami ng mga subatomikong partikula sa naaaninaw na uniberso o dami ng mga hipotekikong posibilidad sa isang laro ng ahedres. Ginamit ni Kasner para ilarawan ang kaibahan sa pagitan ng dambuhalang bilang at kawalang hangganan, at ganitong minsan na ginagamit sa pagtuturo ng matematika. Para ilarawan ang laki ng isang googol, ang masa ng elektron, medyo menos kaysa 10−30 kg, puwedeng ikumpara sa masa ng naaaninaw na uniberso, sa pagitan ng 1050 at 1060 kg.[4] Ang itong rasyo ay 1080–1090 beses mas maliit, o 10-10 ng isang googol.

Mga propyedad

baguhin

Ang isang googol ay malapit sa 70! (paktoryal ng 70).

Kultural na katuturan

baguhin

Madalas na nangyayari ang pagbigkas ng itong termino sa pamamagitan ng pangalan ng kompanyang Google. Ang pangalan ng "Google" ay aksidental na maling baybay ng mga tagapagtatag ng kompanya, at pinili para mangahulugan na idinudulot ng search engine ang malalaking dami ng impormasyon.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Googol". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index, pahina 454.
  2. Bialik, Carl (Hunyo 14, 2004). "There Could Be No Google Without Edward Kasner". The Wall Street Journal Online (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 30, 2016.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (retrieved March 17, 2015)
  3. Ralph Keyes (2021). The Hidden History of Coined Words (sa wikang Ingles). Oxford University Press. p. 120. ISBN 978-0-19-046677-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Extract of page 120
  4. McPherson, Kristine (2006). Elert, Glenn (pat.). "Mass of the universe". The Physics Factbook (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-08-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Tingnan din

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Bilang ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.