- Para sa makinang panghanap na nilikha ng Google LLC, tingnan ang artikulong Google (makinang panghanap). Tingnan din ang Google (paglilinaw). Huwag itong ikalito sa Googol.
Ang Google LLC ay isang kumpanya ng teknolohiyang multinasyunal na Amerikano na dalubhasa sa mga serbisyo at produkto na nauugnay sa Internet, na kasama ang mga teknolohiya sa online na advertising, isang search engine, cloud computing, software, at hardware. Ito ay itinuturing na isa sa malaking apat na stock ng Internet kasama ang Amazon, Facebook, at Apple.[1][2][3]
Kilala dati | Google Inc. (1998-2017) |
---|---|
Uri | Pampubliko |
Industriya | Internet Software na pang-kompyuter at pang-telepono |
Itinatag | Menlo Park, California, US 4 Setyembre 1998 |
Nagtatag | Larry Page, Sergey Brin |
Punong-tanggapan | Googleplex, Mountain View, California , |
Pinaglilingkuran | Buong daigdig |
Pangunahing tauhan |
|
Dami ng empleyado | 135,301 (ikalawang kwarter ng 2020) |
Subsidiyariyo | AdMob, DoubleClick, On2 Technologies, Picnik, YouTube, Zagat, Waze, Blogger, SlickLogin, Boston Dynamics, Bump, Nest Labs, DeepMind Technologies, WIMM One, VirusTotal |
Website | google.com |
Mga Serbisyo
baguhin- Google Alerts: nagbibigay ng pagpapaalala ng bagong balita at kaugnay na resulta sa iba't ibang "keywords" patungo sa email.
- Google Answers: nagbibigay sagot sa mga katanungan, katumbas ng pinansiyal na kabayaran.
- Google Art Project: nagpapakita ng mga digital na photo ng mga tanyag na painting mula sa mga museo sa iba't ibang bansa.
- Google Blog Search: nagbibigay resulta sa paghahanap ng mga paksaing blog.
- Google Books: nagpapakita ng mga pabalat ng mga paksaing aklat.
- Google Help Center: laman nito ang mga "features" para sa mas mabilis at masusing paghahanap. Halimbawa ng nilalaman nito ay ang "Cached Links" atbp.
- Google Maps: nagbibigay ng direksiyon at larawan ng direksiyon at mapa.
- Google Mobile: nagbibigay ng resulta sa hinahanap na larawan, impormasyon at kung ano ano pa, gamit ang teleponong selyular.
- Google News: nagpapakita ng mga libo-libong balita, makailang minuto.
- Google Scholar: nagbibigay ng mga resulta kaugnay sa hinahanap na impormasyon. Ang mga resultang ibibigay nito ay masasabing nasa kategoryang iskolastiko.
- Google Shopping: nagbibigay ng mga resulta sa mga hinahanap na produkto.
- Google University Search: nagbibigay ng impormasyon o mga resulta hango at tungkol sa website ng isang pamantasan o dalubhasaan.
- Google Web Search: ang pangunahing serbisyo ng Google. Dito maaring maghanap ng impormasyon o links patungo sa ibang website kaugnay sa hinahanap, gamit ang "keywords".
Google Tools
baguhin- Android: operating system sa mga mobile phone at smartphone.
- Blogger: nagbibigay ng pagkakataong maisapubliko-elektroniko ang mga saloobin sa iba't ibang paksain.
- Google Calendar: libreng elektronikong kalendaryo.
- Google Chrome: web browser na gawa ng Google.
- Google Code: mapagkukunan ng mga "open-source" at API codes.
- Google Dictionary: talahuluganan sa iba't ibang wika.
- Google Docs: mga dokumento o mga spreadsheet.
- Google Earth: nagbibigay ng resultang direksyunal ng mga lugar sa Daigdig.
- Gmail: nagbibigay ng mahigit isang gigabyte na espasyo para sa email.
- Google Mars / Google Moon / Google Sky: nagpapakita ng birtwal na globo ng planetang Marte, ng Buwan, at ng Kalawakan.
- Picasa: naghahanap, nakapag-eedit, at padala ng larawan o imahen mula sa sariling computer patungo sa iba.
- Google Special Searches: nagbibigay ng mga espesipikong resulta hinggil sa hinahanap na impormasyon, maaring ito ay Linux distro, Microsoft, BSD, Apple Macintosh, pahinang gawa ng gobyerno at mga public service search.
- Google Talk: nagbibigay ng pagkakataon na makapagpadala ng "instant message" at matawagan ang kausap.
- Google Toolbar: isang "add-on" na searchbox sa browser.
- Google Translate / Google Input Tools / Google IME: nakapagsasalin ng text sa iba't ibang wika.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Rivas, Teresa. "Ranking The Big Four Tech Stocks: Google Is No. 1, Apple Comes In Last". www.barrons.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 28, 2018. Nakuha noong Disyembre 27, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ritholtz, Barry (Oktubre 31, 2017). "The Big Four of Technology". Bloomberg L.P. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 26, 2019. Nakuha noong Disyembre 27, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "What is GAFA (the big four)? - Definition from WhatIs.com". WhatIs.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 5, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)