Ebanghelyo ni Pedro

(Idinirekta mula sa Gospel of Peter)

Ang Ebanghelyo ni Pedro (Griyego: κατά Πέτρον ευαγγέλιον) ay isang ebanghelyo na itinakwil na apokripal ng mga ama ng simbahan at mga synod ng Simbahang Katoliko Romano sa Carthage at Roma. Ito ang una sa mga ebanghelyong hindi nakapasok sa kanon ng Romano Katoliko na muling natuklasan sa mga tuyong buhanginan ng Ehipto. Ang isang pangunahing pagtutuoon ng ebanghelyo ito ang salaysay ng pasyon ni Hesus na kilala sa paglalagay ng responsibilidad ng pagpapako kay Hesus kay Herod Antipas kesa kay Ponsio Pilato.

Nilalaman

baguhin

Ang isa sa pangunahing mga katangian ng ebanghelyong ito ay ang pagpapawalang sala kay Pilato sa lahat ng responsibilidad ng pagpapako kay Hesus na ang onus ay inilagay kay Herodes, mga skriba at iba pang mga Hudyo na itinurong hindi naghugas ng kanilang mga kamay tulad ni Pilato. Gayunpaman, ang ebanghelyong ito ay kinondenang heretikal noong ca. 200 CE dahil sa inaakusang mga elementong docetismo nito. Ang iba pang mga elemento na maaaring humantong sa pagkokondena nito bilang heretikal ang mas mga supernatural na pagpapalamuti nito kabilang ang sukdulang tangkad na mga anghel, ang napakahirap na impyerno, at ang paglalarawan ng krus ni Hesus na naglipat ng sarili nito mula sa libingan at nagbigkas ng salita "Oo" bilang tugon sa isang tinig na makalangit. Ang mga pahinang pagbubukas nito ay nawala kaya ang pasyon ay biglaang nagsimula sa paglilitis ni Hesus sa harap ni Pilato, pagkatapos na hugasan ni Pilato ang kanyang mga kamay at nagsasara sa isang hindi karaniwan at detalyadong bersiyon ng nagmamasid na inilagay sa libingan at muling pagkabuhay. Ang Ebanghelyo ni Pedro ay mas detalyado sa mga salaysay nito ng mga pangyayari pagkatapos ng pagpapako kesa sa anuman sa 4 na kanonikal na ebanghelyo(Mateo, Marcos, Lucas at Juan). Ito ay iba rin mula sa 4 na kanonikal na ebanghelyo sa maraming mga detalye. Ang pag-iyak ni Hesus mula sa krus na ibinigay sa Ebanghelyo ni Mateo na Eli, Eli, lama sabachthani? at ipnaliwanag ni Mateo na "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan? ay isinaad sa Ebanghelyo ni Pedro na "Kapangyarihan ko, kapangyarihan ko, bakit mo ako pinabayaan". Ayon sa Ebanghelyo ni Pedro, "nang kanyang sabihin ito, siya ay dinala sa itaas". Ang pag-aangking ito kasama ng pag-aangkin na sa krus, si Hesus ay "nanatiling tahimik na parang hindi nakadama ng sakit" ay nagtulak sa maraming mga sinaunang Kristiyano na akusahan ang ebanghelyong ito ng docetismo. Sa ebanghelyo ni Pedro, ang muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit na inilarawan ng detalyado ay hindi tinratong magkahiwalay na mga pangyayari ngunit nangyari sa parehong araw. Ang ebanghelyong ito ay naglalarawan ng krus na sumunod sa mga lalakeng papalabas sa libingan at ang krus ay nagsalita.