Mga ama ng simbahan
Ang mga Ama ng Simbahan o ang mga Ama ng Iglesia, o sa wikang Ingles Church Fathers ay ang mga sinaunang maimpluwensiyang mga teologong Kristiyano. Ang katagang ito ay ginagamit sa mga manunulat o gurong Kristiyano na hindi kinakailangang mga ordinado at hindi rin kinakailangang mga santo. Sina Origen at Tertullian ay kadalasang itinuturing ng mga ama ng simbahan ngunit hindi itinuring na mga santo dahil sa kanilang mga paniniwalang kalaunang itinuring ng ilang mga Kristiyano na eretikal. Ang karamihan sa mga ama ng simbahan ay itinuturing na mga santo sa mga simbahang Romano Katoliko, Silangang Ortodokso, Ortodoksiyang Oriental, Anglicano, Lutherano at iba pa.
Pag-aaral ng ama ng simbahan
baguhinAng pag-aaral ng mga ama ng simbahan ay kilala bilang Patritisika. Ang mga kasulatan ng "mga ama ng simbahan" bago ang Kristiyanismong Niceno noong 325 CE ay isinalin sa wikang Ingles noong isang ika-19 siglong sa isang koleksiyon ng mga amang ante-niceno o bago ang niceno. Ang mga kasulatang isinulat noong Unang Konseho ng Nicaea at hanggang sa Ikalawang Konseho ng Nicaea (787) ay tinipnon sa mga amang Niceno at pagkatapos-ng-Niceno.
Mga dakilang ama ng simbahan
baguhinSa bawat Silangang Kristiyanismo at Kanluraning Kristiyanismo, ang apat na ama ay tinatawag na "Mga Dakilang Ama ng Simbahan":[1][2]
- Silangang Kristiyanismo: Basilio ng Caesarea(c.329-379), Atanasio ng Alehandriya (c.296-373), Gregorio ng Nazianzus (329-c.389) at Juan Crisostomo (347-407)
- Kanluraning Kristiyanismo: Ambrosio (340-397), Jeronimo (347-420), Agustin ng Hipona (354-430) at Dakilang Gregorio (540-604)
Sa Simbahang Katoliko Romano, ang mga ito ay tinatawag ring "ang walong mga doktor ng simbahan".[1]
Mga apostolikong ama ng simbahan
baguhinAng mga pinakamaagang "mga ama ng simbahan" ay karaniwang tinatawag na "mga apostolikong ama" dahil sa inaangking tradisyon na ang mga amang ito ay tinuruan ng apostol ni Hesus. Ang mga ito ay sina Clemente ng Roma, Ignacio ng Antioquia, at Policarpio ng Smyrna. Sa karagdagan, ang mga kasulatang Didache at Pastol ni Hermas ay karaniwang ibinibilang sa mga kasulatan ng mga apostolikong ama bagaman hindi alam ang mga may akda nito. Tulad ng mga kasulatan nina Clemente, Ignacio at Policarpio, ang mga ito ay unang isinulat sa Griyegong Koine.
Clemente ng Roma
baguhinAng liham ni Clemente na 1 Clemente (c.96),[3] ay malawakang kinokopya at binabasa sa sinauanng simbahan.[4] Ito ang pinakamaagang liham na Kristiyano sa labas ng naging Bagong Tipan.
Ignacio ng Antioquia
baguhinSi Ignacio ng Antioquia (c.35-110)[5] ang ikatlong obispo o Patriarka ng Antioquia at inaangking isang estudyante ni Apostol Juan. Siya ay hinatulan at tumungo sa Roma upang lapain ng mga mga mababagsik ng hayop. Siya ang ikalawang manunulat pagkatapos ni Clemente na bumanggit sa mga sulat ni Pablo. [3]
Policarpio ng Smyrna
baguhinSi Policarpio ng Smyrna (c.69–c.155) ay isang obispo ng Smyrna sa probinsiyang Asya (ngayong İzmir sa Turkey). Siya ay inangking alagad ni Juan na maaaring ang apostol o ang presbitero. [6] Nabigo si Policarpio sa kanyang pagtatangka na hikayatin si Papa Aniceto ng Roma na ipagdiwang ang pesach o paskuwa tuwing Nisan 14 gaya ng sa Silangang Kristiyanismo. Noong c. 155, hiniling ng mga taga-Smyrna ang pagpatay kay Policarpio. Siya ay itinuturing na santos sa parehong Romano Katoliko at Silangang Ortodokso.
Mga Griyegong ama ng simbahan
baguhinAng mga indibidwal na sumulat sa wikang Griyego ay tinatawag na "mga amang Griyego ng simbahan. Ang mga ito ay kinabibilangan nina Clemente ng Roma, Irenaeus ng Lyons, Clemente ng Alehandriya, Atanasio ng Alehandriya, Juan Crisostomo, Cirilo ng Alehandriya, Mga amang Capadocio (Basilio ng Caesarea, Gregorio ng Nazianzus, Gregorio ng Nyssa, Pedro ng Sebaste, Maximo ang tagakumpisal, at Juan ng Damasco.
Irenaeus ng Lyons
baguhinSi Irenaeus na nabuhay noong ika-2 siglo ay obispo ng Lugdunum sa Gaul, ngayong Lyon sa Pransiya. Siya ang mahusay na kilala sa kanyang aklat na Laban sa Erehiya na isinulat noong c. 180 na umatake sa mga iba ibang mga paniniwala na sumasalungat sa kanyang paniniwala. Siya ang unang nagmungkahi ng pagtanggap lamang sa 4 na ebanghelyo at nangatwiran laban sa mga ibang pangkat na Kristiyano na gumagamit ng mga ebanghelyo na kaunti o higit pa sa 4. Ang kanyang katwiran sa pagtanggap lamang ng 4 na ebanghelyo ay: "Ang mga ebanghelyo ay hindi posibleng higit o kaunti sa bilang. Dahil may apat na sulok ng daigdig na ating tinitirhan at apat na mga pangunahing hangin, at ang haligi at saligan ng simbahan ang ebanghelyo, at espirito ng buhay, akmang may apat na saligan na saan man ay humihinga ng kawalang korupsiyon at muling bumubuhay ng mga tao."
Si Irenaeus ang unang Kristiyano na nagbigay ng mga pangalan sa 4 na ebanghelyong kanyang tinanggap (Ebanghelyo ni Mateo, Ebanghelyo ni Marcos, Ebanghelyo ni Lucas at Ebanghelyo ni Juan). Bagaman sinipi niya ang karamihan ng mga aklat sa naging kanon ng Bagong Tipan, hindi niya binanggit o sinipi ang Sulat kay Filemon, 2 Pedro, 3 Juan at Sulat ni Judas. Kabilang sa mga "kasulatang" kanyang sinipi ang 1 Clemente at Pastol ni Hermas.
Kanyang sinalungat ang Kristiyanismong Gnostisismo sa kanyang aklat na Ukol sa Pagtukoy at Pagpapabagsak ng tinatawag na Gnosis o mas kilala bilang Laban sa Erehiya. Bago ang pagkakatuklas ng mga kasulatang gnostiko sa Aklatang Nag Hammadi noong 1945, ang paglalarawan ni Ireneus ang tanging alam na paglalarawan ng Gnostisismo. Ayon sa mga skolar, maling kinatawan o maling naunawaan ni Irenaeus ang mga paniniwala ng mga gnostikong Kristiyano.[7][8] Halimbawa, kanyang inilarawan ang mga pangkat gnostiko bilang mga hayok sa laman gayong ang mga kasulatang gnostiko ay nagtataguyod ng pagpipigil sa pakikipagtalik na mas masidhi pa kesa sa mga kasulatan ng mga kalaunang naging ortodoksiya na tumuligsa sa mga gnostiko.
Si Irenaeus rin ang unang Kristiyano na gumamit ng doktrinang apostolikong paghalili upang salungatin ang kanyang mga katunggali.
Clemente ng Alehandriya
baguhinSi Clemente ng Alehandriya ay kasapi ng Simbahan ng Alehandriya sa Ehipto at isa sa pinakanatatanging mga guro ng simbahang ito. Kanyang pinagkaisa ang mga tradisyong pilosopiyang Griyego sa doktrinang Kristiyano. Kanyang pinaunlag ang platonismong Kristiyano. Tulad ni Origen, siya ay nanggaling mula sa kateketikal na paaralan ng Alehandriya. Siya ay maalam sa mga panitikang pagano.
Origen ng Alehandriya
baguhinSi Origen (c.185–c.254) ay isang Ehipsiyong skolar at teologo na nagturo sa Alehandriya at muling bumuhay sa Kateketikal na paaralan ng Alehandriya na pinagturuan ni Clemente. Sa simula ay sinuportahan si Origen ng Patriarka ng Alehandriya ngunit kalaunang siyang pinatalsik dahil sa kanyang ordinasyon na walang pahintulot ng Patriarka. Siya ay lumipat sa Caesarea Maritima at namatay doon.
Gamit ang kanyang kaalaman sa wikang Hebreo, si Origen ay lumikha ng isang itinuwid sa mga pagkakamali na Septuagint. [3] Kanyang pinakahulugan ang kasulatan ng alegorikal at itinanghal ang kanyang sarili bilang isang stoiko, neo-pitagoreano at isang platonista.[3] Para kay Origen, ang Diyos ay hindi si Yahweh kundi ang Unang Prinsipyo, at ang kristo at logos ay nagpapailalim dito. [3] Ang kanyang pananaw ng isang hierarkala na istruktura ng Trinidad, ang temporalidad ng materya, ang preeksistensiya ng mga kaluluwa at ang muling pagbabalik na sumusunod dito ay idineklarang anathema noong ika-6 siglo CE. [9][10]
Atanasio ng Alehandriya
baguhinSi Atanasio ng Alehandriya, Ehipto (c.293–2 Mayo 373) ang Papa ng Alehandriya at kilala sa kanyang pakikipag-alitan at pagsalungat sa mga Kristiyanong Ariano .
Mga amang Capadocio
baguhinAng mga amang Capadocio ay sina Basilio ng Caesarea (330-379 CE) na obispo ng Caesarea; ang nakababatang kapatid ni Basil na si Gregorio ng Nyssa (c.332-395)CE na obispo ng Nyssa; at isang malapit na kaibigan na si Gregorio ng Nazianzus (329-389 CE) na naging Patriarka ng Constantinople. Ang rehiyong Cappadocia sa modernong panahong Turkey ay isang maagang lugar ng gawaing Kristiyano. Ang mga amang Capadocio ay nagsulong ng pagpapaunlad ng maagang teolohiyang Kristiyano halimbawa, ang doktrina ng Trinidad. Sila ay labis na ginagalang bilang mga santo sa parehong Simbahang Silanganin at Simbahang Kanluranin.
Juan Crisostomo
baguhinSi Juan Crisostomo (c.347–c.407) ang arsobipo at teologo ng Constantinople. Siya ay kilala para sa kanyang walong mga sermon na gumampan ng malaking papel sa kasaysayan ng antisemitismo sa Kristiyanismo na malawakang ginamit at sinipi ng partidong Nazi sa kanilang ideolohikal na paglaban sa mga Hudyo.[11][12]
Cirilo ng Alehandriya
baguhinSi Cirilo ng Alehandriya (c.378–444) ang obispo ng Alehandriya, Ehipto. Siya ay sental na tauhan sa Unang Konseho ng Efeso noong 431 na humantong sa pagpapatalsik kay Nestorio bilang Arsobispo ng Constantinople. Ang kanyang reputasyon sa daigdig na Kristiyano ay nagresulta sa pagbibigay sa kanya ng mga pamagat na "Haligi ng Pananampalataya" at "Selyo ng lahat ng mga Ama".
Mga Latin na ama ng simbahan
baguhinAng mga indibidwal na sumulat sa wikang Latin ay tinatawag na "mga Latin na ama ng simbahan" na kinabibilangan nina Tertullian, Cipriano ng Carthage, Hilario ng Poitiers, Ambrosio, Jeronimo ng Stridonium, Agustin ng Hipona, Dakilang Gregorio at Isidoro ng Sevilla.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Reading Scripture with the Church Fathers by Christopher A. Hall (Aug 17, 1998) InterVarsity Press ISBN 0830815007 page 55
- ↑ History of the Concept of Mind by Paul S. MacDonald (Mar 2003) ISBN 0754613658 page 124
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Durant, Will. Caesar and Christ. New York: Simon and Schuster. 1972
- ↑ Elliott, John. 1 Peter. Doubleday, Toronto, 2000. Page 138.
- ↑ See "Ignatius" in The Westminster Dictionary of Church History, ed. Jerald Brauer (Philadelphia:Westminster, 1971) and also David Hugh Farmer, "Ignatius of Antioch" in The Oxford Dictionary of the Saints (New York:Oxford University Press, 1987).
- ↑ Lake 1912
- ↑ Pagels, Elaine. Beyond Belief, Pan Books, 2005. p. 54
- ↑ Robinson, James M., The Nag Hammadi Library, HarperSanFrancisco, 1990. p. 104.
- ↑ The Anathemas Against Origen, by the Fifth Ecumenical Council (Schaff, Philip, "The Seven Ecumenical Councils", Nicene and Post-Nicene Fathers, Series 2, Vol. 14. Edinburgh: T&T Clark)
- ↑ The Anathematisms of the Emperor Justinian Against Origen Naka-arkibo 2013-10-21 sa Wayback Machine. (Schaff, op. cit.)
- ↑ Walter Laqueur, The Changing Face of Antisemitism: From Ancient Times To The Present Day, (Oxford University Press: 2006), p.48. ISBN 0-19-530429-2. 48
- ↑ Yohanan (Hans) Lewy, "John Chrysostom" in Encyclopaedia Judaica (CD-ROM Edition Version 1.0), Ed. Cecil Roth (Keter Publishing House: 1997). ISBN 965-07-0665-8.