Ang Platonismo ang pilosopiya ni Plato o pangalan ng ibang mga sistemang pilosopikal na itinuturing na malapit na hinango mula rito. Sa mababang letrang "p", ang "platonismo" ay tumutukoy sa pilosopiyang nagpapatibay ng pag-iral ng mga bagay na abstrakto na isinaad na umiiral sa ikatlong sakop na natatangi mula sa parehong sensibleng panlabas na daigdig at mula sa panloob na daigdig ng kamalayan at kasalungat ng nominalismo(na may maliit na n).[1] Ang mababang letrang "platonista" ay hindi nangangailangang tumanggap sa anumang mga doktrina ni Plato.[1] Sa mas makitid na kahulugan, ang terminong ito ay maaaring tumukoy sa doktrina ng realismong Platoniko. Ang sentral na konsepto ng Platonismo ang distinksiyon sa pagitan ng realidad na matatanto ngunit hindi mauunawaan at ang mauunawaan ngunit hindi matatanto. Sa distinksiyong ito, ang teoriya ng mga anyo ay esensiyal. Ang mga anyo ay tipikal na inilalarawan sa mga dialogo gaya ng Phaedo, Symposium at Republic bilang transendente, mga perpektong arketipo na ang mga bagay sa pang-araw araw na daigdig ay mga hindi perpektong kopya. Sa Republic, ang pinakamataas na anyon ay natukoy bilang Anyo ng Mabuti na pinagmumulan ng lahat ng ibang mga anyo na malalaman sa pamamagitan ng katwiran. Sa Sophist na isang kalaunang akda, ang mga anyong "pagiging", "pagkakapareho" at "pagkakaiba" ay itinala bilang kabilang sa primordial na "Mga Dakilang Uri". Noong ika-3 siglo CE, tinanggap ni Arcesilaus ang pilosopikal na iskeptisismo na naging sentral na tenet ng eskwelang ito hanggang 90 BCE nang ito ay dagdagan ni Antiochus ng Ascalon ng mga elementong Stoiko at tumakwil sa iskeptisismo at nagpasimula ng panahong kilala bilang Gitnang Platonismo. Noong ika-3 siglo CE, dinagdagan ito ni Plotinus ng mga elementong mistikal na nagtatag ng Neoplatonismo kung saan ang tuktok ng pag-iral ay ang Isa o ang Mabuti na pinagmumulan ng lahat ng mga bagay. Sa birtud at pagninilay nilay, ang kaluluwa ay may kapangyarihan na magtaas ng sarili nito upang makamit ang pakikipag-isa sa Isa. Ang Platonismo ay may malalim na epekto sa Kaisipang Kanluraning at marami sa mga ideyang Platoniko ay kinuha ng Kristiyanismo na umunaw sa mga anyo ni Plato bilang mga pag-iisip ng diyos. Ang Neoplatonismo ay naging isang pangunahing impluwensiya sa mistismong Kristiyano sa Kanluranin sa pamamagitan ni Agustino ng Hipono na doktor ng Simbahang Katoliko na ang mga kasulatan ay mabigay na naimpluwensiyahan ng Enneads ni Plotinus,[2] at naging mga pundasyon naman para sa buong kaisipang Kristiyano sa Kanluranin. [3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Philosophers who affirm the existence of abstract objects are sometimes called platonists; those who deny their existence are sometimes called nominalists. This terminology is lamentable, since these words have established senses in the history of philosophy, where they denote positions that have little to do with the modern notion of an abstract object. However, the contemporary senses of these terms are now established, and so the reader should be aware of them... In this connection, it is essential to bear in mind that modern platonists (with a small ‘p’) need not accept any of the doctrines of Plato, just as modern nominalists need not accept the doctrines of the medieval Nominalists. ", "Abstract Objects", Gideon Rosen, The Stanford Encyclopedia of Philosophy (Spring 2012 Edition), Edward N. Zalta (ed.), [1]
  2. O'Connell SJ, RJ, The Enneads and St Augustine's Vision of Happiness. Vigiliae Christianae 17 (1963) 129-164 (JSTOR)
  3. Pelikan, Jaroslav. The Christian Tradition: A History of the Development of Doctrine. Vol 1, The Emergence of the Catholic Tradition 100-600; Pelikan, Jaroslav. The Christian Tradition: A History of the Development of Doctrine. Vol 3, The Growth of Mediaeval Theology 600-1300, section, "The Augustinian Synthesis"