Ikalawang Sulat ni Pedro
Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
Ang Ikalawang Sulat ni Pedro o 2 Pedro ay isang aklat sa Bagong Tipan na sa tradisyong Kristiyano ay isinulat ni Apostol San Pedro ngunit ayon sa mga iskolar ng Bibliya ay hindi maaaring isinulat ng isang Hudyo. Kasama ng Unang Sulat ni Pedro, nakalaan ang sulat na ito para sa mga Kristiyanong nasa Asya Menor na nakaranas ng panliligalig ng ibang mga kababayan dahil sa bago nilang relihiyon, ang Kristiyanismo, na ayon sa may akda ng Pedro ay ang "tunay na relihiyon". Ito ay kumopya sa Sulat ni Hudas.
Paglalarawan
baguhinAng ikalawang sulat ni Pedro ay nagbibigay ng diin sa moralidad bilang isang mahalagang pagpapahalaga na pangkristiyano.[1] Ito ay bumabanggit ng tungkol sa mga sinungaling na mga guro ng pananampalataya, na nagpapalaganap ng mga erehiya o mga kamalian upang makapanlinlang ng unang mga Kristiyano. Pinasisigla ni San Pedro ang unang mga Kristiyano at pinananatili niya ang mga ito sa Kristiyanismo sa pamamaraang pagbibigay diin sa diwa na ang mga aral at pangaral ni San Pedro ay nagmumula sa Diyos at si San Pedro ang saksi ng mga aral at pangaral na ito.[2]
Mga kinopyang reperensiya
baguhin- Tartarus sa Mitolohiyang Griyego (2:4)
- 1 Enoch 13:1-2 (2:4)
- Kwento ni Ahiqar (2:22) "sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan."
- Aklat ng mga Kawikaan(2:22)
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "II Peter". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), New Testament, Bible}}, tomo ng titik B, pahina 162. - ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Mga Sulat ni Pedro". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1772.
Mga panlabas na kawing
baguhin- Ikalawang Sulat ni Pedro (2 Peter), mula sa Ang Dating Biblia (1905)
- Ikalawang Sulat ni Pedro, Buong Bibliya sa wikang Tagalog, mula sa AngBiblia.net
- 2 Pedro, Ang Salita ng Diyos (SND, 1998), Bibliyang Tagalog sa Internet (Bagong Tipan), BiblesInternational, BibleGateway.com