Granuloma inguinale

Ang Granuloma inguinale ay isang sakit na bacterial na sanhi ng K. granulomatis na mailalarawan ng ulseratibong lesyon sa ari. Ito ay endemiko sa hindi mas maunlad na mga rehiyon o bansa. Ito ay tinatawag ring donovanosis, granuloma genitoinguinale, granuloma inguinale tropicum, granuloma venereum, granuloma venereum genitoinguinale, lupoid na anyo ng ulserasyon ng groin, serpiginous ulceration ng groin, ulcerating granuloma ng pudendum at ulcerating sclerosing granuloma. Ang sakit na ito ay kailimitang hindi nagagamot dahil sa kakulangan ng medikal na paggamot sa mga bansang mapagtatagpuan nito. Ang mga ulcer ay kalaunang nagpapatuloy sa pagkawasak ng panloob at panlabas ng mga tisyu na may labis na pagtagos ng mucus at dugo mula labis na baskular na mga lesyon. Ang nakapipinsalang kalikasan ng donovanosis ay nagpapadagdag rin ng panganib ng superimpeksiyon ng ibang mga patohenikong mga mikrobyo.

Granuloma inguinale
Klasipikasyon at mga panlabas na sanggunian
Donovanosis of the penis.
ICD-10A58.
ICD-9099.2
DiseasesDB3888
MedlinePlus000636
eMedicinederm/172
MeSHD006100