Gregorio Céspedes
Si Gregorio Céspedes (o Gregorio de Céspedes ) ay isang Kastilang pari na Heswita na nagtungo sa Korea upang manilbihan bilang isang misyonero . Dumating siya sa Busan noong ika-27 ng Disyembre 1593.[1] Sinamahan niya ang mga hukbong pinamumunuan ni Konishi Yukinaga, na siya mismo ay isang Kirishitang daimyō, at nagpanampalataya sa mga sundalong Hapon sa unang pagsalakay ng Japan sa Korea sa ilalim ni Toyotomi Hideyoshi . Mayroong kakaunting mga katibayan na nagsasabing direkta siyang nakipag-ugnayan sa mga tao ng Korea, ngunit pinaniniwalaan na nagawa niyang baguhin ang pananampalataya ng ilang mga Koreano na na-bihag ng mga Hapones.[2]