Misyonero
Ang isang misyonero ay isang kasapi ng pangkat relihiyoso na sinugo sa isang lugar upang palaganapin ang pananampalataya o maglingkod sa tao, tulad ng edukasyon, literasiya, katarungang panlipunan, pangangalaga ng kalusugan, at pagsulong ng ekonomiya.[1][2]
Sa salin ng Bibliya sa Latin, sinabi ni Jesucristo ang salita na sinusugo niya ang mga alagad sa mga lugar at ipangaral ang mabuting balita sa ngalan niya. Karaniwang ginagamit ang salita sa pagtukoy sa mga misyong Kristiyano, subalit maari din nitong tukuyin ang kahit anumang paniniwala o ideolohiya.[3]
Nagmula ang salitang misyon noong 1598 nang isugo ng mga Heswita, ang mga miyembro ng Kapisanan ni Hesus, ang mga kasapi sa ibang bansa, hinango mula sa Latin na missionem (nom. missio), nangangahulugang 'ang gawa ng pagsusugo' o mittere, nangangahulugang 'isugo'.[4]
Epekto ng misyon
baguhinGinaya ng isang pag-aaral noong 2020 nina Elena Nikolova at Jakub Polansky ang pagsusuri ni Woodberry[5] gamit ang dalawampu't anim na alternatibong sukat sa demokrasya at pinalawig ang tagal ng panahon sa kung saan ang sukat ng demokrasya ay kinatamtaman. Nagdulot ang dalawang simpleng pagbabagong ito sa pagdedetalye ng mga resulta ni Woodberry.[5] Sa pangkalahatan, walang mahalagang kaugnayan sa pagitan ng mga misyong Protestante at pagsulong demokrasya ang naikakabit.[6]
Natuklasan ng isang pag-aaral ng 2017 na ang mga lugar sa Mehikong kolonyal na nagkaroon ng mga misyong Mendikante ay may mas mataas na antas ng literasiya at natamong pinag-aralan sa ngayon kaysa sa mga rehiyon na hindi nagkaroon ng misyon.[7] Ang mga lugar na nagkaroon ng misyong Heswita ay hindi katangi-tangi sa ngayon mula sa mga lugar na walang misyon.[7] Natuklasan din sa pag-aaral na ang bahagi ng mga Katoliko ay mas mataas sa mga rehiyon kung saan ang mga misyong Katoliko ng kahit anumang uri ay isang makasaysayang kasalukuyan."[7]
Natuklasan ng isang pag-aaral noong 2016 na ang mga rehiyong Sub-Sahariyanong Aprika na pinagdalahan ng mga misyonero ng palimbagan ay nauugnay ngayon sa mag mataas ng bilang ng bumabasa ng pahayagan, tiwala, edukasyon, at pampolitikang pakikilahok.[8][9]
Mayroon din mahalagang ambag ang mga misyonero sa lingguwistika at ang pagsasalarawan at dokumentasyon ng maraming wika.[10][11]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Missionary Define Missionary. dictionary.reference.com. Hinango noong 2019-05-16.
- ↑ Thomas Hale 'On Being a Missionary' 2003, William Carey Library Pub, ISBN 0-87808-255-7. (sa Ingles)
- ↑ Halimbawa, nilunsad ng Budismo ang unang malawakang pagsisikap sa pagmimisyonero sa kasaysayan ng mga relihiyon ng mundo noong ika-3 dantaon BCE. (Richard Foltz, Religions of the Silk Road, Palgrave Macmillan, ika-2 edisyon, 2010, p. 37 ISBN 978-0-230-62125-1) (sa Ingles).
- ↑ Online Etymology Dictionary. etymonline.com. Hinango noong 2011-01-19. (sa Ingles)
- ↑ 5.0 5.1 Robert D. Woodberry, "The Missionary Roots of Liberal Democracy." American Political Science Review (2012) 106#2: 244-274. online Naka-arkibo 2017-08-09 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
- ↑ Nikolova, Elena; Polansky, Jakub (2020). "Conversionary Protestants Do Not Cause Democracy". British Journal of Political Science (sa wikang Ingles). 51 (4): 1723–1733. doi:10.1017/S0007123420000174. hdl:10419/214629. ISSN 0007-1234. S2CID 234540943.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 7.2 Waldinger, Maria (Hulyo 2017). "The long-run effects of missionary orders in Mexico" (PDF). Journal of Development Economics (sa wikang Ingles). 127: 355–378. doi:10.1016/j.jdeveco.2016.12.010.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cagé, Julia; Rueda, Valeria (Hulyo 2016). "The Long-Term Effects of the Printing Press in sub-Saharan Africa". American Economic Journal: Applied Economics (sa wikang Ingles). 8 (3): 69–99. CiteSeerX 10.1.1.635.9580. doi:10.1257/app.20140379. ISSN 1945-7782.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cagé, Julia; Rueda, Valeria (2017-03-04). "The devil is in the detail: Christian missions' heterogeneous effects on development in sub-Saharan Africa". VoxEU.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-06-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ p. 223, 224. Skutnabb-Kangas, Tove. 2000. Linguistic Genocide in Education -- Or Worldwide Diversity and Human Rights? Mahwah, NJ: Lawrence Erlbaum Associates. (sa Ingles)
- ↑ p. 7. Hovdhaugen, Even. 1996b. Missionary Grammars. An attempt at defining a field of research. Hovdhaugen, ed. ...and the Word was God: Missionary linguistics and missionary grammar,, pp. 9–22. (Studium Sprachwissenschaft, 25.) Münster: Nodus. (sa Ingles)