Hesus

(Idinirekta mula sa Jesus)

Si Hesus (Griyego: Ἰησοῦς Iesous; 7–2 BCE hanggang 30–36 CE) ang itinuturing ng maraming Kristiyano na sentrong katauhan ng relihiyong Kristiyanismo at ang tagapagtatag ng Kristiyanismo. Siya ay pinaniniwalaan ng maraming mga Kristiyano na isang tagapagligtas at mesiyas ng Hudaismo.

Hesus
Jesus as Good Shepherd.
si Hesus bilang mabuting pastol
(stained glass at St John's Ashfield)
Kapanganakan7–2 BC/BCE[1]
Kamatayan30–36 AD/CE[3][4][5][6][7][8]
DahilanPagpapako sa krus[9]

Ang apat na kanonikal na Ebanghelyo nina Mateo, Marcos, Lucas, at Juan ang mga pangunahing sanggunian tungkol sa talambuhay at mga katuruan ni Hesus. Gayunpaman, pinagtatalunan pa rin ng mga skolar ng Bagong Tipan kung ang apat na ebanghelyong ito ay maasahang mga salaysay ng buhay ni Hesus o hindi, gayundin kung sino ang mga tunay na may akda nito, kung kailan ito isinulat, alin sa mga talata nito ang tunay na sinalita ni Hesus at kung alin sa mga talata nito ang orihinal mula sa mga magkakaibang manuskrito.[12] Kabilang sa mga pinagdududahang salaysay ng mga skolar sa apat na ebanghelyo ang kapanganakan ni Hesus, mga detalye tungkol sa kanyang pagpapako sa krus at kanyang muling pagkabuhay mula sa patay.[13][14][15][16][17][18] Ang ilang mga skolar ay naniniwalang ang apat na ebanghelyo ay hindi naglalaman ng anumang historikal na impormasyon tungkol sa buhay ni Hesus.[19]

Si Hesus ay inilalarawan sa apat na kanonikal na ebanghelyo na isang Hudyo at pinaniniwalaang nabuhay sa pagitan ng mga taong 7 BCE - 36 CE sa Palestina (kasalukuyang Israel).[20] Siya ay inilarawan na isang isang rabbi na nagsagawa ng mga milagro at nag-angkin na mesiyas at tagapagligtas. Pinaniniwalaan ng mga iskolar ng bibliya na si Hesus ay isang apokaliptikong Propeta na humula sa nalalapit na pagwawakas ng daigdig na magaganap noong unang siglo CE at hahatol kasama ng kanyang 12 apostol sa 12 lipi ng Israel (Mateo 10:23, Mateo 16:24-28, Mateo 19:28, Mateo 24:34, Marcos 13:30-33).[21] Nang mabigong matupad ang inaasahan ng mga Kristiyano noong unang siglo na muling pagbabalik ni Hesus pagkatapos ng ilang mga dekada, ang mga tekstong ito ay muling pinakahulugan ng kanyang mga alagad.[22]

Si Hesus ang ating Panginoon Diyos na dapat mating sambahin.

Kahulugan ng pangalan

baguhin

Ang pangalang Hesus ay nagmula sa Wikang Hebreo: ישו, Yeshua,,na ang nangangahulugang "nagliligtas ang Diyos." Kilala rin siya bilang Hesus ng Nasaret o Hesus ang Nasareno (Hebreo: ישוע הנוצרי, Yeshu‘a haNoẕri). Hinango ang pagbikas na Hesus (Ingles: Jesus, Kastila: Jesus) mula sa Wikang Griyego. Isa ring salitang Griyego ang Jesus na nangangahulugang tagapagligtas at isa ring anyo ng pangalang Hebreong Hosue (Ingles: Joshua) na may ibig sabihing "nagliligtas ang Panginoon". Nang isilang si Hesus bilang isang tao, pinangalanan siyang Hesus dahil dumating siya bilang isang tunay na tao  – na ipinanukala ng Diyos noon pang una upang iligtas ang kanyang mga tao mula sa kanilang mga kasalanan.[kailangan ng sanggunian]

Tinatawag rin si Hesus bilang Hesukristo dahil sa kanyang pamagat na Kristo sa Bagong Tipan na saling Griyego ng Hebreong Mesiyas na nangangahulugang "ang pinahiran". Inangkin ng mga may akda ng kanonikal na ebanghelyo na si Hesus ang mesiyas ng Hudaismo ngunit and pag-aangking ito ay hindi tinatanggap ng mga Hudyo at hindi sila naniniwalang si Hesus ang katuparan ng mesiyas sa Hudaismo.[23] Ayon sa Hudaismo, ang mesiyas ay isang lamang ordinaryong tao na sumusunod sa Torah(kautusan ni Moises) at hindi isang Diyos.

Talambuhay ni Hesus

baguhin
 
Larawan ni Hesus bilang Pantokrator mula sa ika-11 daang taon.

Ang pangunahing mga sanggunian ng talambuhay ni Hesus para sa karamihan ng mga kasalukuyang Kristiyano ang apat na kanonikal na ebanghelyo na Ebanghelyo ni Mateo, Ebanghelyo ni Marcos, Ebanghelyo ni Lucas at Ebanghelyo ni Juan. Gayunpaman, may iba pang mga ebanghelyo na ginamit ng ibang mga sinaunang sektang Kristiyano na hindi nakapasok sa kanon ng Simbahang Romano Katoliko gaya ng Ebanghelyo ni Tomas, Ebanghelyo ni Pedro, Ebanghelyo ni Felipe, Ebanghelyo ni Marya, Ebanghelyo ni Judas na naglalaman ng mga salaysay na napakaiba at sumasalungat sa mga nakasulat sa naging kanonikal na apat ng ebanghelyo.[24] Ang mga hindi-kanonikal na aklat na ito ay sinupil at winasak ng nanaig na bersiyon ng Kristiyanismo dahil ito ay sumasalungat sa kanilang mga pananaw at kanilang itinuring na heretiko.[24][25][26]

Kapanganakan

baguhin
 
Mapa ng Nazareth sa Galilea at Bethlehem sa Judea.

Ang kwento ng kapanganakan ni Hesus ay matatagpuan lamang sa dalawang ebanghelyo na Ebanghelyo ni Lucas at Ebanghelyo ni Mateo. Gayunpaman, ang parehong Lucas at Mateo ay may salungatan tungkol sa kapanganakan ni Hesus. Sa Mateo, sina Jose at Maria ay orihinal na mula sa Bethlehem at si Maria ay nanganak kay Hesus sa kanilang bahay sa Bethlehem kung saan sila ay dinalaw ng mga mago mula sa silangan (Mateo 2:1-7) at pagkatapos ay kinailangang nilang tumakas sa Ehipto dahil sa banta ni Dakilang Herodes ni patayin ang sanggol na si Hesus(Mateo 2:13). Pagkatapos mamatay ni Dakilang Herodes noong ca. 4 BCE, ang ama ni Hesus na si Jose ng Nazareth ay naglayong bumalik sa kanilang tirahan sa Bethlehem sa Judea ngunit binalaan sa isang panaginip na huwag ditong pumunta at sa halip ay tumungo sa Galilea sa Nazareth dahil si Herodes Arquelao ay namumuno sa Judea at ito ay upang matupad ang isang hula na si Hesus ay tatawaging isang Nazareno (Mateo 2:21-23). Salungat sa Mateo, sa Lucas 2:4-6, sina Jose at Maria ay orihinal na mula sa Nazareth sa Galilea at tumungo sa Bethlehem dahil sa Censo ni Quirinio(ca. 6 CE) dahil siya ay mula sa angkan ni David (Lucas 1:27; 2:4) at sa Bethlehem ay ipinanganak si Hesus sa isang sabsaban dahil wala silang mahanap na kuwarto na mapapanganakan ni Hesus at doon ay dinalaw ang sanggol na si Hesus ng mga pastol. Pagkatapos dalhin nina Jose at Maria ang sanggol na Hesus sa Ikalawang Templo sa Herusalem para sa ritwal ng puripikasyon, sila ay bumalik sa kanilang tirahan sa Nazareth sa Galilea(Lucas 2:39). Ayon sa Ebanghelyo ni Juan 7:41-42, naniwala ang mga Hudyo na si Hesus ay hindi nagmula sa Bethlehem kundi sa Galilea at "walang propeta na manggagaling sa Galilea"(Juan 7:52)

Ayon sa salaysay ng Lucas, isinugo ng diyos ang anghel na si Gabriel sa isang birhen na si Marya sa Nazareth, Galilea na nagsasabi na siya ay maglilihi at manganganak ng isang lalake na tatawaging Hesus. Nang tanungin ni Marya kung paano ito mangyayari gayong isa siyang birhen, sinabi ng anghel na siya ay liliman ng banal na espirito. Nang manganganak na si Marya, siya at si Jose ay naglakbay mula sa Nazareth, Galilea sa tahanang pang-ninuno ni Jose na Bethlehem upang magpatala sa censo ni Quirinio. Nanganak si Marya kay Hesus at dahil wala ng lugar para sa kanila sa bahay-tuluyan ay inilagay ang sanggol sa sabsaban. Dinalaw ng anghel ang mga pastol na nagdadala ng mabuting balita ng malaking kagalakan na sa siyudad ni David sa Bethlehem ay ipinangak ang mesiyas ang tagapaglitas. Ang mga pastol ay tumungo sa sabsaban sa Bethlehem kung saan nila natagpuan si Hesus sa sabsaban kasama nina Jose at Marya. Pagkatapos nito ay tumungo sina Marya at Jose kasama si Hesus sa Herusalem upang isagawa ang ritwal ng pagdadalisay ayon sa batas ni Moises at pagkatapos na isagawa ang kautusan ni Moises ay umuwi na sila sa kanilang bayan na Nazereth, Galilea.

Ayon sa Mateo, si Marya ay nakatakdang mapangasawa ni Jose. Ngunit bago pa sila nagsama, si Maria ay natagpuang nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Ang isang anghel ay nagpakita kay Jose sa isang panaginip. Sinabi ng anghel na huwag mangamba si Jose na tanggapin si Maria na kanyang asawa dahil ang dinadala ni Maria sa kaniyang sinapupunan ay sa Banal na Espiritu. Siya ay manganganak ng isang lalaki na papangalanan niyang Hesus. Ayon sa may akda ng Mateo, ito ay naganap upang matupad ang sinabi ng propeta na "ang isang dalagang birhen ang magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin nila siyang Emmanuel na ang ibig sabihin ay: Ang Diyos ay sumasaatin."(Mat. 1:23) Ito ay pinapakahulugan ng mga iskolar na isang reperensiya sa Aklat ni Isaias 7:14 ng saling Griyegong Septuagint. Sa ilang mga ikalima at ikaanim na siglo CE mga manuskrito ng Ebanghelyo ni Mateo sa Mat. 1:23 ay mababasa ang "Isaias ang propeta".[27] Ang Isa. 7:14 na Septuagint ay nagsalin ng salitang Hebreo na עלמה(almah o isang dalaga) sa salitang Griyego na parthenos(birhen) at pinaniniwalaan ng mga iskolar na ang Septuagint ang pinaghanguan ng Mateo upang suportahan ang pananaw ng may akda nito tungkol sa kapanganakang birhen ni Hesus. Ang mga iskolar ay umaayon na ang almah ay walang kinalaman sa isang birhen. Ang Isa. 7:14 ayon sa mga iskolar ay hula sa haring Ahaz ng Kaharian ng Juda na ang isang dalaga(Hebreo:Almah) ay manganganak ng Emmanuel at ang mga kaaway ni Ahaz ay wawasakin bago malaman ng batang ito ang pagkakaiba ng mabuti at masama. Ang may akda ng Mateo ay nag-iba rin ng tatlong detalye ng Septuagint ng Isa. 7:14: ang paggamit ng hexei kesa sa lēpsetai; ang 'tatawagin mo(singular)' sa ikatlong personang plural 'tatawagin nila', at ang sinuplay na interpretasyon ng Emmanuel bilang 'ang diyos ay nasa atin'[28] Ang propesiyang ng "mga propeta" na si Hesus ay tatawaging Nazareno ay hindi matatagpuan sa Lumang Tipan. Ang salaysay ng pangpatay ni Herodes ng mga bata ay hindi binabanggit sa iba pang mga ebanghelyo ng Bagong Tipan o ng historyan na si Josephus. Ang mga iskolar ay tumuturing sa salaysay na ito sa Mateo na simboliko sa halip na isang makatotohanang kasaysayan.[29] Ayon kay Paul L. Maier, ang karamihan ng mga biograpo ni Herodes ay naniniwalang ang salaysay na ito ay "isang alamat at hindi historikal".[30] Ang kwentong ito ng pagpatay sa mga bata ay itinuturing nina Geza Vermes at E. P. Sanders na bahagi isang malikhaing hagiograpa.[31]

Ang mga paliwanag ay iminungkahi sa pinagmulan ng mga salaysay sa Mateo at Lucas ng kapangakang birhen ni Hesus. Ayon kay Stephen L Harris, ang mga ito ay isinulat upang sagutin ang mga paninira ng mga Hudyo tungkol sa hindi lehitimong kapanganakan ni Hesus na may ebidensiya mula sa ika-2 siglo CE.[32][33] Ayon sa iskolar na si Helmut Köster, ang mga salaysay ng kapanganakang birhen ni Hesus ay nag-ugat sa mitolohiyang Helenistiko.[34] Ang mga tagasunod ng Psilanthropismo na umiral sa mga sinaunang pangkat Hudyong-Kristiyano gaya ng mga Ebionita ay nangatwiran laban sa kapanganakang birhen ni Hesus at nagsaad na si Hesus ay isang mesiyas ngunit "isa lamang tao".[35] Kanila ring itinakwil si Apostol Pablo bilang isang tumalikod.[36] [37] Noong ika-4 na siglo CE, ang Kredong Niseno ay tumakwil sa katuruang si Hesus ay isa lamang tao.[38] Noong ika-2 siglo, ang paganong anti-Kristiyanong pilosopong Griyego na si Celsus ay sumulat na ang ama ni Hesus ay isang sundalong Romano na si Panthera.[39][40]

Upang patunayan ni si Hesus ang mesiyas ng Hudaismo na mula sa angkan ni David, ang mga may Akda ng Mateo at Lucas ay nagbigay ng mga heneolohiya ni Hesus na bumabakas sa kanyang amang si Jose bilang mula sa angkan ni David(tingnan din ang Lucas 2:4) ngunit ang Lucas at Mateo ay magkasalungat sa kanilang mga heneolohiya. Ayon naman sa Mateo 22:41-46, Marcos 12:35-37 at Lucas 20:41-44, ikinatwiran ni Hesus na ang Mesiyas(Kristo) ay hindi maaaring isang anak ni David dahil tinawag ni David ang Mesiyas na kanyang Panginoon. Sa karagdagan, ayon sa Lucas si Hesus ay ipinanganak ni Maria hindi sa pamamagitan ng pagtatalik kay Jose ngunit sa paglilim ng Espirito Santo at kaya ay hindi anak ni Jose na mula sa angkan ni David. Ayon sa Roma 1:3, isinaad ni Apostol Pablo na si Hesus ay mula sa binhi(Griyego:sperma) ni David ayon sa laman. May mga pagkakasalungat sa parehong ebanghelyo. Ang parehong Mateo at Lucas ay nagbibigay ng magkaibang henealohiya ni Jose. Ito ay tinangkang ipaliwang ng ilang Kristiyano na ang isang linya ay kay Marya at hindi kay Jose bagaman ang parehong ebanghelyo ay nagsasaad na ito ay parehong linya ni Jose. Ayon sa mga apolohistang Kristiyano, ang heneolhiya sa Lucas ay kay Maria bagaman sinasabi sa Lucas 2:4 na si Jose ang mula kay David kaya hindi maaaring ang heneralohiya sa Lucas ay kay Maria. Ayon sa mga Hudyo, ang mga lalake lamang ang makapagmamana ng trono ni David.[41] Sa Lucas, si Jose ay nagmula sa linya ni Nathan at hindi ni Solomon na salungat sa paniniwalang Hudyo na ang mesiyas ay magmumula kay Solomon ngunit hindi kay Jehoiakim dahil sa pagsumpa ng Diyos na wala sa binhi nito ang magmaman sa luklukhan ni David. Sa Mateo, si Jose ay nagmula kay Solomon ngunit sa pamamagitan ng anak nitong si Jeconias na diskwalipikado sa trono.[41] Ang Mateo ay nagsasaad na ang lahat ng henerasyon mula kay Abraham hanggang kay Hesus ay 42[42] samantalang sa Lukas ay may 7 henerasyon mula kay Abraham hanggang Hesus. Ang 14 na henerasyon sa Mateo mula kay David ay sinasalungat ng kronolohiya sa 1 Kronika na nagsasaad ng 18 henerasyon mula kay David. Isinaad sa Mateo na may 14 henerasyon x 3 o 42 ngunit ang itinala sa Mateo ay 41 pangalan lamang. May iba pang mga pagkakamali sa Mateo gaya ng pagtanggal ng Ahazias ng Juda, Jehoash ng Juda, Amazias, Jehoiakim, maling pagtukoy ng mga kapatid ni Jeconias(ayon sa Kronika ay may isa lamang kapatid), maling pagtukoy kay Abiud bilang anak ni Zerubabbel, maling pagtukoy kay Josias na ama ni Jeconias(sa Lumang Tipan, si Jehoiakim ang ama ni Jeconias). Sa Lucas, si Shelah ang anak ni Cainan(na pangalang makikita lamang sa Septuagint at hindi sa Hebreo) na anak naman ni Arphaxad kaya si Shelah ang apo ni Arphaxad ngunit ayon sa Lumang Tipan ay si Arphaxad ang ama ni Shelah. Si Rhesa(na hindi matatagpuan sa anumang bersiyon ng Lumang Tipan) ay isinaad na ama ni Joanan na anak ni Zerubabbel na gumagawa kay Joanan na apo ni Zerubabbel ngunit sa Lumang Tipan, si Joanan(Hananias) ay anak ni Zerubabbel. Sa Mateo, si Hesus ay dinalaw ng mga Mago ng Bibliya. Sa Lucas, si Hesus ay binisita mga pastol. Ang Ebanghelyo ni Mateo ay nagsasaad na si Hesus ay ipinanganak bago mamatay si Herodes(na namatay noong Marso 4, BCE).[43] Gayunpaman, ito ay sinasalungat sa Ebanghelyo ni Lucas na nagsasaad na si Hesus ay ipinanganak sa panahon ng Censo ni Quirinius(Lucas 2:1-7) na ayon sa Hudyong historyan na si Josephus ay naging gobernador ng Syria noong 6-7 CE. Ang talatang ito sa Lucas ay matagal nang itinuturing ng mga iskolar ng Bibliya na problematiko dahil inilalagay nito ang kapanganakan ni Hesus sa panahon ng censo noong 6/7 CE samantalang ayon sa Mateo ay ipinanganak si Hesus pagkatapos ng paghahari ni Herodes na namatay noong 4 BCE o mga siyam na taon bago ang censo ni Quirinius.[44] Sa karagdagan, walang mga sangguniang historikal na nagbabanggit ng kinontrol ng Romanong pandaigdigang censo na sumasakop sa buong populasyon. Ang censo ni Augustus ay sumasakop lamang sa mga mamamayang Romano[45] at hindi pagsasanay sa mga censong Romano na atasan ang mga tao na bumalik sa bayan ng kanilang mga ninuno.[46] Dahil sa kamaliang ito sa Lucas, ang mga iskolar ay nagbigay konklusyon na ang may akda ng Lucas ay mas umuukol sa paglikha ng simbolikong salaysay kesa sa isang historikal na salaysay,[47] at walang kamalayan o walang pakielam sa kahirapang kronolohikal na ito. Ang Lucas ay nag-uugnay rin ng kapanganakan ni Hesus kay Juan Bautista na pinaniniwalaang nabuhay mga sampung taon bago ang paghahari ni Herodes.[48] Ang parehong may-akda ng Lucas ay nag-ugnay ng censo ni Augustus kay Theudas sa Mga Gawa ng mga Apostol na naganap noong 46 CE ayon kay Josephus. Ang kamatayan ni Hesus ay karaniwang inilalagay noong 30-36 CE sa pamumuno ni Poncio Pilato na gobernador ng Judea mula 26 hanggang 36 CE.[49][50]

Ayon sa Lucas, nang si Marya ay manganganak, siya at si Jose ay naglakbay mula sa Nazareth tungo tahanan ng kanilang ninuno sa Bethlehem(Belen) upang magpatala sa censo ni Quirinius(Lucas 2:2). Ipinanganak ni Maria si Hesus at dahil wala ng lugar para sa kanila sa bahay-tuluyan, ay iniligay ang sanggol sa sabsaban. Ayon sa Lucas 2:22–40, kinuha ni Marya at Jose ang sanggol na si Hesus sa templo sa Herusalem(ang layo ng Bethlehem(Belen) sa Herusalem ay mga 6 na milya) 40 araw pagkatapos ng kanyang kapanganakan upang kumpletuhin ang puripikasyong ritwal pagkatapos ng panganganak at isagawa ang pagtubos ng panganay bilang pagsunod sa Kautusan ni Moises(Lev. 12, Exo. 13:12-15 at iba pa. Hayagang sinabi sa Lucas na kinuha nina Marya at Jose ang opsiyon na ibinibigay sa mga mahihirap(na hindi makakabili ng tupa) sa Lev 12:8 na naghahandog ng isang pares ng mga kalapati. Ang Lev. 12:1-4 ay nagsasaad na ang pangyayaring ito ay dapat gawin sa 40 araw pagkatapos ng kapanganakan ng isang anak na lalake. Pagkatapos na isagawa ang lahat ayon sa Batas ni Moises, sila ay bumalik sa Galilea sa kanilang bayan na Nazareth(Lucas 2:39). Salungat dito, ang Mateo 2:16 ay nagmumungkahi na ang pamilya ni Hesus ay nanatili sa Bethelehem nang mga 2 taon bago sila tumungo sa Ehipto. Ang pamilya ni Hesus ayon sa Mateo ay lumisan sa Ehipto at nanatili doon hanggang sa kamatayan ni Herodes(Mat. 2:15, 22-23). Ayon Mat. 2:22, Ang pamilya ni Hesus ay nagbalik sa Hudea(kung nasaan ang Bethlehem ayon sa Mat. 2:5)[51] mula sa Ehipto pagkatapos mamatay ni Herodes. Nang marinig ni Jose na si Archelaus ay naghahari sa Hudea ay natakot siyang pumunta roon at sa dahil sa isang babala sa panaginip ay umurong sa Galilea na nagmumungkahing ang Galilea ay hindi ang kanyang orihinal na destinasyon.[52] Sa karagdagan, ang Mat. 2:23 ay nagbibigay impresyon na ang Nazareth ang bagong tahanan ng pamilya ni Hesus at hindi ang lugar kung saan sila nagmula ayon sa Lucas. Ito ay salungat sa Lucas 2:4, 39 na nagsasaad na ang pamilya ni Hesus ay nagmula sa Nazareth. Walang binabanggit sa Mateo ng anumang paglalakabay tungo sa Bethlehem kung saan isinaad sa Mateo na ipinanganak si Hesus. Sa Lucas 2:4,39, sina Jose at Marya ay nakatira sa Nazareth bago pa ipinanganak si Hesus samantalang sa Mateo, si Jose at kanyang pamilya ay tumira lang sa Nazareth pagkatapos ipanganak si Hesus.

Ang mga paghuhukay na arkeolohikal ay nagpapakita rin na ng Hudea(Judea) ay hindi umiiral bilang isang gumaganang bayan sa pagitan ng 7 BCE at 4 BCE na panahong iminumungkahi na ipinanganak si Hesus. Si Herodes ay namatay noong 4 BCE at ayon sa Bibliya ay ipinanganak si Hesus bago mamatay si Herodes. Ang arkeolohikal na mga ebidensiya ay nagpapakita ng mga materyal sa pagitan ng 1200 BCE hanggang 550 BCE gayundin sa panahon mula sa ika-6 siglo CE ngunit wala mula sa unang siglo BCE o unang siglo CE. Ayon sa arkeologong si Aviram Oshri, "nakakagulat na walang ebidensiyang arkeolohikal na nag-uugnay sa Bethlehem sa Hudea sa panahon na ipinanganak si Hesus.[53]

Kabataan

baguhin

May sanggunian sa pagtira nina Jose at Marya kasama ni Hesus sa Nazareth, Galilea(Mateo 2:23; Lucas 2:39-40). Pagsapit ng pista ng Paskuwa noong labindalawang taong gulang na si Hesus, naglakbay ang pamilya ni Hesus sa Herusalem. Sa pagkakataong ito, nakilahok si Hesus  – sa kabila ng kanyang edad  – sa isang maalam na pakikipagdebate o "pakikipagtalo" sa harap ng mga dalubhasa o iskolar na mga Hudyo.[54] Pagkatapos ng episodyong ito, may isang blankong espasyo sa Bagong Tipan na sumasaklaw sa 18 taon ng buhay ni Hesus(mula 12 hanggang 30 anos). Ang ibang mga henerikong alusyon ay si Hesus ay sumulong sa karunungan, at sa pabor sa diyos at tao(Luke 2:52). Ang isang karaniwang pagpapalagay ng mga Kristiyano ay si Hesus ay simpleng namuhay sa Nazareth bilang karpintero ayon sa Marcos 6:3 "Hindi ba ito ang karpintero, ang anak ni Marya at kapatid nina Santiago, Jose, Judas at Simon? Hindi ba kasama natin ang kaniyang kapatid na babae? Kaya nga, dahil sa kaniya natisod sila." Wala ng iba pang ibinigay sa Bagong Tipan sa panahong ito ni Hesus na tinawag ng ilan na mga nawawalang taon ni Hesus ngunit may iba't ibang mga teoriya at mga alamat na iminungkahi sa panahong ito. Ang Ebanghelyo sa Pagkasanggol ni Hesus ni Tomas ay naglalarawan ng buhay ng batang si Hesus na may maguni-guni at minsang masamang mga supernatural na pangyayari na maikukumpara sa isang kalikasang mapaglaro ng batang-diyos sa maraming Mitolohiyang Griyego. Ang isa sa mga episodyo ay sumasangkot kay Hesus na gumagawa ng isang putik na mga ibon na kanyang binigyan ng buhay na isang gawang itinuro kay Hesus sa Qur'an 5:110; bagaman sa Quran, ito ay hindi itinuto kay Hesus bilang isang bata o isang matanda. Sa isang episodyo, ang isang bata ay nagkalat ng tubig na tinipon ni Hesus. Ito ay sinumpa naman ni Hesus na nagsanhi sa katawan ng batang ito na matuyot sa isang bangkay. Ang isa pang bata ay namatay nang ito ay sumpain ni Hesus nang ito ay maliwanag na aksidenteng nakabunggo kay Hesus, bumato kay Hesus o sumuntok kay Hesus(depende sa salin nito). Ang ilang mga manunulat ay nag-angkin na nakahanap ng patunay ng pag-iral ng mga manuskrito ni Hesus sa India at Tibet na sumusuporta sa paniniwalang si Hesus ay nasa India sa panahong ito ng kanyang buhay. Sina Gruber at Kersten (1995) ay nag-aangkin na si Hesus ay naimpluwensiyahan ng mga katuruan at kasanayan na Therapeutae na mga guro ng eskwelang Budistang Theravada na sa panahong ito ay namumuhay sa Judea.[55] Kanilang isinaad na si Hesus ay namuhay ng buhay ng isang Budista at nagturo ng mga Budistang katuruan sa kanyang mga tagasunod. Ang kanilang akda ay sumunod sa iskolar ng Bagong Tipan sa Oxford na si Hillman Streeter na nagpatunay noong mga 1930 na ang katuruang moral ni Buddha ay may apat na kahanga hangang pagkakatulad sa Sermon sa Bundok ni Hesus.[56] Ang ilang mga iskolar ay naniniwala na si Hesus ay naimpluwensiyahan ng relihiyong Budismo at ang Ebanghelyo ni Tomas at Aklatang Nag Hammadi ay nagrereplekta sa posibleng impluwensiyang ito.[57][58] Ang ideya na si Hesus ay namuhay sa India ay nauugnay sa aklat ni Louis Jacolliot na La Bible dans l'Inde, Vie de Iezeus Christna (1869).[59] (The Bible in India, or the Life of Jezeus Christna),[60] Ikinumpara ni Jacolliot ang mga salaysay ng buhay ni Bhagavan Krishna kay Hesus sa mga ebanghelyo at nagbigay konklusyon na hindi maaaring koinsidensiya na ang dalawang mga kwento ay may napakaraming mga pagkakatulad sa maraming mga mas pinong detalye. Siya ay nagbigay rin ng konklusyon na ang mga salaysay sa ebangelyo ay isang mito na batay sa mitolohiya ng Sinaunang India.[61] Kanyang binaybay ang "Krishna" bilang "Christna" at nag-angkin na ang mga alagad ni Krishna ay nagbigay sa kanya ng pangalang "Jezeus" na nangangahulugang "dalisay na esensiya" sa Sanskrit. Si Holger Kersten ay nagmungkahi na ang Hindu Bhavishya Maha Purana sa Pratisargaarvan (19.17-32) ay naglalarawan ng pagdating ni Hesus: "Isang araw, si Shalivahana na pinuno ng mga Shakas ay dumating sa isang mayelong bundok. Doon sa Lupain ng Hun(Ladakh), nakita ng makapangyarihang hari ang isang lalake na nakaupo sa isang bundok. Ang kanyang balat ay tulad ng isang kobre at may suot na puting mga damit. Tinanong ng hari ang banal na lalake kung sino siya: Ito ay sumagot na Ako si Isaputra(anak ng Diyos) na ipinanganak ng birhen, ministro ng mga hindi mananampalataya na walang tigil sa paghahanap ng katotohanan. O hari, makinig ka sa relhiyon na dinala ko sa mga hindi mananampalataya...sa pamamagitan ng hustisya, katotohanan, pagninilay-nilay at pagkakaisa ng espirito, mahahanap ng tao ang kanyang daan kay Isa(Diyos sa Sanskrit) na nananahan sa sentro ng liwanag na nananatiling hindi nagbabago tulad ng araw na tumutunaw sa lahat ng mga lumilipas na bagay magpakailanman. Ang masayang larawan ni Isa na tagabigay ng kaligayahan ay inihayag sa puso; at ako ay tinawag na Isa-Masih(Hesus na Mesiyas)". Ayon sa mga Ahmadi, ang mga karagdagang kasabihan ni Muhammad ay nabanggit na si Hesus ay namatay sa Kashmir sa edad na 120 taon. Ang mga aklat na Christ in Kashmir ni Aziz Kashmiri at Jesus Lived in India ni Holger Kersten ay nagtatala ng mga dokumento at artikulo bilang suporta sa pananaw na ito.

Pagpapakilala at pagbabautismo ni Juan Bautista kay Hesus

baguhin

Ang pagbabautismo ni Juan Bautista kay Hesus ang opisyal na pinakasimula ng pangangaral ni Hesus sa madla. Naganap ito noong tatlumpung taong gulang na siya. Pagkaraang mabautismuhan si Hesus, lumitaw ang kalapati ng Espiritu Santo, at narinig ang tinig ng Diyos na nagpapahayag na anak niya si Hesus.[54]

Si Juan Bautista si Elias ayon kay Hesus ngunit ayon kay Juan Bautista ay hindi siya si Elias

baguhin

Ayon sa Mateo 17:10-13,"At tinanong siya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Bakit nga sinasabi ng mga iskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias? At sumagot siya, at sinabi, Katotohanang si Elias ay paririto, at isasauli ang lahat ng mga bagay: Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na naparito na si Elias, at hindi nila siya nakilala, kundi ginawa nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig. Gayon din naman ang Anak ng tao ay magbabata sa kanila. Nang magkagayo'y napagunawa ng mga alagad na si Juan Bautista ang sa kanila'y sinasabi niya."

Ayon naman kay Juan Bautista sa Ebanghelyo ni Juan 1:21,"At sa kaniya'y kanilang itinanong, Kung gayo'y ano nga? Ikaw baga'y si Elias? At sinabi niya, Hindi ako. Ikaw baga ang propeta? At siya'y sumagot, Hindi."

Pagbabautismo kay Hesus pagkatapos ipakulong ni Herodes si Juan

baguhin

Ayon sa Mateo 3:1-16 at Juan 1:19-36, binautismuhan ni Juan si Hesus sa simula pa ng pangangaral ni Juan Bautista ngunit ayon sa Lucas 3:18-21,si Hesus ay binautismuhan pagkatapos na ipakulong ni Herodes si Juan Bautista.

Paghahayag ni Juan Bautista na si Hesus ang Kordero ng Diyos ngunit hindi alam ni Juan kung sino si Hesus

baguhin

Ayon sa Juan 1:29-36:

Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Hesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang Kordero ng Diyos, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan! Ito yaong aking sinasabi, Sa hulihan ko'y dumarating ang isang lalake na magiging una sa akin: sapagka't siya'y una sa akin. At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't upang siya'y mahayag sa Israel, dahil dito'y naparito ako na bumabautismo sa tubig. At nagpatotoo si Juan, na nagsasabi, Nakita ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang kalapati na buhat sa langit; at dumapo sa kaniya.At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa tubig, ay siyang nagsabi sa akin, Ang makita mong babaan ng Espiritu, at manahan sa kaniya, ay siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo.At aking nakita, at pinatotohanan kong ito ang Anak ng Diyos.Nang kinabukasan ay muling nakatayo si Juan, at ang dalawa sa kaniyang mga alagad;At kaniyang tiningnan si Jesus samantalang siya'y naglalakad, at sinabi, Narito, ang Kordero ng Diyos!

Ayon naman sa Lucas 7:18-20:

At ibinalita kay Juan ng kaniyang mga alagad ang lahat ng mga bagay na ito.At sa pagpapalapit ni Juan Bautista sa kaniya ng dalawa sa kaniyang mga alagad, ay sinugo sila kay Hesus na nagpapasabi, Ikaw baga yaong paririto, o hihintayin namin ang iba? At pagdating sa kaniya ng mga tao, ay kanilang sinabi, Pinaparito kami sa iyo ni Juan Bautista, na ipinasasabi, Ikaw baga yaong paririto, o hihintayin namin ang iba?

Panahon ng pangangaral sa madla

baguhin

Kabilang sa mga pangunahing kaganapan sa pangangaral sa madla o pagmiministro sa publiko ni Hesus ang pagbibinyag sa kanya ni Juan Bautista, pagtawag niya kay Mateo, ang kanyang paggawa ng mga himala, pagbibigay niya kay Pedro ng mga susi ng langit, ang kanyang pagbabagong anyo, at ang paglilinis ng templo.[54]

Ayaw ipaalam ni Hesus na siya ang Mesiyas

baguhin

Sa maraming instansiya, ayaw ipaalam ni Hesus na siya ang Mesiyas gaya ng pagbabawal niya sa mga demonyo (Marcos 1:34,3:11-12,Lucas 4:41), pagbabawal sa kanyang mga alagad na ipaalam nilang siya ang mesiyas (Mateo 16:20, Marcos 8:30, Luas 9:21) at sa pagbabawal sa mga pinagaling niya sa pagpapagaling niya sa iba(Mateo 8:3-4,12:15-16, Marcos 1:44, 5:43, 7:36, Lucas 5:14, 8:56). Ayon sa Marcos 8:29-30,"At tinanong niya sila, Datapuwa't ano ang sabi ninyo kung sino ako? Sumagot si Pedro at nagsabi sa kaniya, Ikaw ang Cristo. At ipinagbilin niya sa kanila na huwag sabihin kanino man ang tungkol sa kaniya."

Mga alagad lamang ang makakaunawa ng mga talinghaga ngunit hindi naunawaan ng mga alagad ang mga sinabi niya

baguhin

Si Hesus ay naghayag ng mga parabula (talinghaga) na ang kahulugan ay nakatago sa mga nakarinig maliban sa kanyang Labindalawang Alagad. Ayon sa Marcos 4:11-13:"1At sinabi niya sa kanila, Sa inyo ay ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa kanilang nangasa labas, ang lahat ng mga bagay ay ginagawa sa pamamagitan ng mga talinghaga:Upang kung magsitingin sila'y mangakakita, at huwag mamalas; at kung mangakinig sila'y mangakarinig, at huwag mangakaunawa; baka sakaling sila'y mangagbalikloob, at patawarin sila." Ayon sa Mateo 13:13-15,"3 Kaya't sila'y pinagsasalitaan ko sa mga talinghaga; sapagka't nagsisitingin ay hindi sila nangakakakita, at nangakikinig ay hindi sila nangakakarinig, ni hindi sila nangakakaunawa. At natutupad sa kanila ang hula ni Isaias, na sinasabi, Sa pakikinig ay inyong maririnig, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mapaguunawa;At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mamamalas:Sapagka't kumapal ang puso ng bayang ito.At mahirap na mangakarinig ang kanilang mga tainga,At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata;Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata,At mangakarinig ng kanilang mga tainga,At mangakaunawa ng kanilang puso,At muling mangagbalik loob,At sila'y aking pagalingin.". Ayon sa Lucas 8:10," At sinabi niya, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa mga iba'y sa mga talinghaga; upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita, at mangakarinig ay huwag silang mangakaunawa." Ayon sa Mateo 13:10-11," At nagsilapit ang mga alagad, at sinabi nila sa kaniya, Bakit mo sila pinagsasalitaan sa mga talinghaga?At sumagot siya at sinabi sa kanila, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng langit, datapuwa't hindi ipinagkaloob sa kanila."

Gayunpaman, kahit ang kanyang mga alagad ay hindi naunawaan ang mga sinabi ni Hesus sa kanila. Ayon sa Marcos 9:32,"Nguni't hindi nila naunawa ang sabing ito, at nangatakot silang magsipagtanong sa kaniya." Ayon sa Lucas 9:45," Datapuwa't hindi nila napaguunawa ang sabing ito, at sa kanila'y nalilingid, upang ito'y huwag mapagunawa; at nangatatakot silang magsipagtanong sa kaniya ng tungkol sa sabing ito." Ayon sa Lucas 18:34," At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila, at hindi nila napagtalastas ang sinabi."

Sinabi ni Hesus na walang siyang sinalita sa lihim

baguhin

Ayon naman sa Juan 18:20-21:" Sinagot siya ni Hesus, Ako'y hayag na nagsalita sa sanglibutan; ako'y laging nagtuturo sa mga sinagoga, at sa templo, na siyang pinagkakatipunan ng lahat ng mga Hudyo; at wala akong sinalita sa lihim. Bakit ako'y iyong tinatanong? tanungin mo silang nangakarinig sa akin, kung anong sinalita ko sa kanila: narito, ang mga ito ang nangakakaalam ng mga bagay na sinabi ko."

Pagtawag sa 12 alagad

baguhin

Tinawag ni Hesus ang maniningil ng buwis na si Mateo. Sumunod si Mateo kay Hesus at napabilang sa kanyang labindalawang mga alagad. Ito ay sina Simon Pedro, Andres, Santiago, anak ni Zebedeo, Juan, Felipe ng Bethsaida, Bartolome, Mateo, Tomas (kilala rin bilang Didymus), Santiago ang Nakababata, Hudas Tadeo, Simon na Zelote, at Hudas Iskariote.

Pagsisinungaling ni Hesus sa kanyang mga kapatid

baguhin

Ayon sa Juan 8:7-10:

Pumunta kayo sa pista: ako'y hindi pupunta sa pistang ito; sapagka't hindi pa nagaganap ang aking panahon.At nang masabi sa kanila ang mga bagay na ito, ay nanahan pa siya sa Galilea. Pagkatapos pumunta ng kaniyang mga kapatid sa pista, Si Hesus ay pumunta, hindi sa hayag, kundi nang lihim.

Mga pagmimilagro ni Hesus

baguhin

Ang mga milagro ni Hesus ang kanyang mga gawang supernatural na itinala sa mga ebanghelyo sa kurso ng kanyang pangangaral. Ayon sa may akda ng Ebanghelyo ni Juan, ang tanging ilan sa mga milagrong ito ang kanyang isinulat sa ebanghelyong ito. Ang mga milagro ni Hesus ay inuri ng ilang mga iskolar sa apat na mga pangkat: mga pagpapagaling sa karamdaman gaya ng ketong, pagpapalayas ng mga demonyo o masamang espirito, pagbuhay sa patay, at pagkontrol sa kalikasan. Ayon sa Marcos 8:11–12, Mateo 16:1–4, Mateo 12:38–40 at Lucas 11:29–30, si Hesus ay tumanggi na magbigay ng anumang "mga tanda" ng milagro upang patunayan ang kanyang autoridad. Gayunpaman, ayon sa Juan 2:11, ang mga milagro ni Hesus ang "mga tanda" na naghahayag ng kanyang kaluwalhatian.Ang talata ng Ebanghelyo ni Lucas 7:22 (na isinulat ca. 90 CE) na nagsasabing "At sumagot siya at sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo, at sabihin ninyo kay Juan Bautista ang mga bagay na inyong nangakita at nangarinig; ang mga bulag ay nangakakakita, ang mga pilay ay nagsisilakad, ang mga ketongin ay nangalilinis, at ang mga bingi ay nangakaririnig, ang mga patay ay ibinabangon, sa mga dukha ay ipinangangaral ang mabubuting balita" ay matatagpuan rin sa mas naunang isniulat na 4Q521 ng Dead Sea Scrolls(Isinulat mula 150 BCE hanggang bago ang 70 CE) ng Mga Essene na halos katulad ng Lucas 7:22: "...Ang langit at lupa ay makikinig sa Mesiyas at walang maliliko sa landas sa Mga kautusan ng mga banal...Kayong umaasa sa inyong puso, hindi ba masusumpungan ito sa Panginooon? Sapagka't isasaalang alang ng Panginoong ang mga hasidim at tatawagin ang mga matuwid sa kanilang pangalan. Kanyang luluwalhatiin ang mga matuwid sa trono ng walang hangganang Kaharian. Siya na nagpapalaya sa mga bihag, siya na nagbabalik ng paningin sa mga bulag, tumutuwid sa mga pilay..Gagawin ng Panginoon ang lahat ng mga maluwalhating bagay na ito... Sapagka't pagagalingin niya ang mga may karamdaman, bubuhayin ang mga patay at dadalhin ang mabubuting balita sa mga dukha.[62] Isa sa mga halimbawa ng kanyang pagpapagaling ang nasa Mateo 8:5–13, nang pumasok si Hesus sa Capernaum ay nilapitan siya ng isang centurion(kapitan) na namanhik sa kanya upang pagalingin ang kanyang alipin. Gayunpaman, ito ay sinasalungat sa Lucas 7:1–10 na sa halip na ang mismong centurion(kapitan) ang lumapit kay Hesus ay isinugo nito ang mga matanda ng Hudyo upang hilingin kay Hesus na pumunta at pagalingin ang kanyang alipin. Ayon sa parehong Marcos 5:22–23, nang si Jairus na pinuno ng sinagoga ay namanhik kay Hesus ay nagsabing: " Nag-aagaw-buhay ang anak kong dalagita". Ito ay inaayunan sa Lucas 8:41–42 na si Jairus na pinuno ng sinagoga ay lumapit at nagpatirapa kay Hesus na nagsasabing, "Nag-aagaw-buhay ang anak kong dalagita". Gayunpaman, ito ay sinasalungat sa Mateo 9:18 na nagsasaad na nang lumapit ang pinuno kay Hesus ay patay na ang kanyang anak. Ayon sa Marcos 10:46–52 at Mateo 20:29–30, ang pagpapagaling ni Hesus sa isang bulag ay nangyari nang sila ay papaalis na sa Jericho. Salungat dito, sa Lucas 18:35, ang pagpapagaling ni Hesus sa isang bulag ay nangyari nang siya ay papalapit sa Jericho. Ayon sa Mateo 14:28–32, "Sumagot sa kaniya si Pedro: Panginoon, kung ikaw nga, hayaan mong makapariyan ako sa iyo sa ibabaw ng tubig. Sinabi niya: Halika. Pagkababa ni Pedro mula sa bangka, lumakad siya sa ibabaw ng tubig papunta kay Jesus. Ngunit nang makita niya ang malakas na hangin, natakot siya at nagsimulang lumubog. Sumigaw siya na sinasabi: Panginoon, sagipin mo ako. Kaagad na iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya. Sinabi niya sa kaniya: O, ikaw na maliit ang pananampalataya, bakit ka nag-aalinlangan? Nang makasakay na sila sa bangka, tumigil ang hangin." Ang salaysay na ito ay matatagpuan rin sa Budismo na mas nauna sa Krisityanismo: "[Ang isang alagad na nagnais] na bumisita kay Buddha sa isang gabi...ay natagpuan ang bangka na nawawala mula sa gilid ng ilog Acirvati. Sa isang pananampalatayang pagtitiwala kay Buddha, siya ay humakbang sa tubig at lumakad na tila sa tuyong lupain hanggang sa gitna ng daloy. At pagkatapos ay lumabas siya sa kanyang nakuntentong pagninilay nilay kay Buddha na kanyang nawala ang kanyang sarili at nakita ang mga ilog at natakot at ang kanyang mga paa ay nagsimulang lumubog. Ngunit kanyang pinilit ang kanyang sarili na mabalot muli sa kanyang pagninilay nila at sa pamamagitan ng kapangyarihan nito ay umabot sa malayong gilid ng ilog ng ligtas at naabot ang kanyang Panginoon".[63] Ang ilang mga pagmimilagro ni Hesus ay isinalaysay rin sa Ebanghelyo sa Pagkasanggol ni Hesus ni Tomas.

 
Mapa ng lokasyon ng Gadara at Gerasa mula sa dagat ng Galilea.

Ang isa pang milagro ni Hesus ang pagpalayas ng demonyo na ang pangalan ay Lehiyon (demonyo) mula sa isang lalake (Marcos 5:1-20) o dalawang lalake (Mateo 8:28-34), nang si Hesus ay tumungo sa kabilang panig ng dagat Galilea sa rehiyon ng Gerasenes(NRSV) o Gadarenes (KJV). Ang mga demonyo ay nilipat ni Hesus sa 2,000 baboy na tumalon at nalunod sa dagat. Sa Mateo, ito ay binago sa Gadarenes. Sa mga pinakamatandang manuskritong Griyego ay mababasa ang Gerasenes. Ayon sa King James Version sa Mateo 8:28, ito ay nangyari sa Gergesenes na tumutugon sa modernong Kursi sa Dagat ng Galiea. Ang Gerasa ay 31 kilometro mula sa Dagat ng Galilea at ang Gadara ay 10 kilometri mula sa dagat ng Galilea o 2 oras sa paglalakad tungo sa Dagat ng Galilea.

Transpigurasyon

baguhin

Naganap ang pagbabagong anyo ni Hesus habang inaakyat niya ang isang bundok. Nasaksihan ito nina Pedro, Santiago, at Juan ang Ebanghelista. Sa transpigurasyon o banyuhay na ito ni Hesus, naging nakasisilaw na liwanag si Hesus, maging ang kanyang mukha. Mula sa isang ulap, nagsalita at ipinahayag ng Diyos na si Hesus ang kanyang anak.[54]

Paglilinis ng templo

baguhin

Sa pagbabalik ni Hesus sa Herusalem, natuklasan niya ang mga nagkalat na mangangalakal at mga tagapagpalit ng mga pera sa templo. Ikinagalit ito ni Hesus kaya't pinagalitan at pinalayas niya ang mga taong ito mula sa banal na gusaling iyon. Ito ang isinagawang pagdadalisay ni Hesus ng templo sa Herusalem. Ito ang tanging salaysay na si Hesus ay gumamit ng pisikal na karahasan sa anuman sa mga ebanghelyo. Ang salaysay na ito ay nangyari malapit sa wakas ng mga ebanghelyong sinoptiko sa Marcos 11:15–19, 11:27–33, Mateo 21:12–17, 21:23–27 at Lucas 19:45–48, 20:1–8) at malapit sa simula ng Ebanghelyo ni Juan sa Juan 2:13–16.

Pagpasok ni Hesus sa Herusalem

baguhin

Ayon sa mga ebanghelyo, bago pumasok si Hesus sa Herusalem, siya ay nanatili sa Bethany at Bethpage. Ayon sa Juan 12:1, si Hesus ay nasa Bethany ng anim na araw bago ang Paskuwa. Habang naroon, kanyang ipinadala ang kanyang dalawang mga alagad sa isang bayan upang kunin ang isang asno na nakatali ngunit hindi kailanman nasakyan. Kapag sila ay tinanong, sila ay tinuruan na sabihing ang asno ay kailangan ng Panginoon ngunit ibabalik. Ang parehong Lucas 19:29–35 at Juan 12:12–16 ay nagsaad na sa pagpasok ni Hesus sa Herusalem, siya ay umupo sa isang batang asno. Ayon sa Juan, ito ay upang matupad ang hula sa Zacarias 9:9. Ayon sa Zacarias, "Magalak ka ng malaki, Anak na Babae ng Zion!, Humiyaw, Anak ng Babae ng Herusalem, Tingan mo, ang hari mo ay dumarating sa iyo, matuwid at matagumpay, mapagpakumbaba at nakasakay sa isang asno, sa isang bisiro, ang bisiro ng isang asno". Ang dalawang huling mga linya ay tila nagpapahiwatig na ang hari ay nakasakay sa dalawang mga hayop na asno at ang bisiro nito. Gayunpaman, ito ay isa lamang halimbawa ng mga paralelismong pangtulang Hebreo na kinasasangkutan ng pag-uulit ng parehong idea sa magkaibang mga salita para sa layuning metriko at ritmiko. Salungat sa Lucas at Juan na nagsaad na si Hesus ay sumakay sa isang asno, nabasa ni Mateo ang talata sa Zacarias na ang mesiyas ay sasakay sa dalawang mga asno at si Hesus ay kanyang isinaad na sumakay sa mga asnong ito. Sa Hebreo ng Zec. 9:9, ang asno ay tumutukoy sa isang lalake. Ito ay isanalin sa Mateo sa babaeng asno at ang anak ng babaeng asnong ito. Sa saling Griyego ng Zec. 9:9, ang salitang asno ay maaaring tumukoy sa parehong kasarian. Ang ilang mga salin at komentaryo ng bibliya ay nagmungkahi na ang sinakyan ni Hesus ang mga damit(o balabal) na ipinatong ng mga alagad sa asno at bisiro nito. Gayunpaman, kahit pa ipagpalagay na ang "sa kanila" ay tumutukoy sa mga damit, inilagay ng mga alagad ang mga damit sa kanila o sa parehong asno at bisiro. Ayon sa Mateo 21:7, "kanilang dinala ang babaeng asno at ang bisiro nito, kanilang inilagay ang kanilang mga balabal sa kanila(asno at bisiro) at si Hesus ay umupo sa kanila."

Pagsumpa sa puno ng igos

baguhin

Ang pagsumpa ni Hesus sa punong igos ay isinama lamang sa mga ebanghelyong Marcos at Mateo ngunit wala sa Lucas o Juan. Sa Mateo, ang sinumpang igos ay agad na natuyo samantalang sa Marcos, ang puno ay hindi natuyo hanggang sa sumunod na araw. Ayon sa Mateo 21:18-20, sa kinaumagahan, nang siya ay pabalik na sa lungsod ay nagutom si Hesus. Pagkakita niya sa isang puno ng igos sa tabing-daan, nilapitan niya ito ngunit wala siyang nakita rito kundi mga dahon lamang kaya sinabi niya rito: "Kailanman ay hindi ka na mamumunga. Kaagad na natuyo ang puno ng igos". Sa Marcos 11:12-14, pagkatapos ng pagpasok ni Hesus sa Herusalem at bago ang paglilinis ng templo, sinumpa ni Hesus ang igos sa pagiging walang bunga nito sapagka't hindi pa panahon ng mga igos. Sinabi ni Hesus sa puno na sinomang tao'y hindi kakain ng iyong bunga mula ngayon at magpakailan man. Pagkatapos ng kanyang paglilinis sa templo sa kinaumagahan, ay nakita ng mga alagad na ang puno ng igos ay tuyo na mula sa mga ugat. Sa pagkaalaala ni Pedro ay sinabi sa kaniya, Rabbi, narito, ang sinumpa mong puno ng igos ay natuyo(Marcos 11:20-21). Ayon sa mga iskolar, ang pagkakaiba sa dalawang kwento ay sanhi ng pagbabago ng Mateo sa kwento ng Marcos na pinaghanguan nito.[64]

Huling hapunan

baguhin

Ang Huling Hapunan ang pinagsaluhan ni Hesus kasama ng kanyang mga apostol bago ang kanyang pagpapako sa krus. Ito ay inaalala ng mga Kristiyano at batayan ng kalaunang doktrina ng mga Kristiyano na sakramento o ordinansang(sa Protestantismo) tinatawag na Eukarista at kilala rin bilang "Banal na Komunyon" o "Ang Hapunan ng Panginoon". Ang Simbahang Katoliko Romano, Silangang Ortodokso, Ortodoksong Oriental at Simbahan ng Silangan ay nagtuturo na ang realidad(substansiya) ng mga elemento ng tinapay at alak ay buong nababago sa literal na katawan at dugo ni Hesus samantalang ang mga hitsura(species) ay nanatili. Ang Lutherano ay nanniwala na ang katawan at dugo ni Hesus ay umiiral "sa, kasama at ilalim" ng mga anyo ng tinapay at alak na isang konseptong kilala bilang ang unyong sakramental.

Sa Huling Hapunan ayon sa mga ebanghelyo nang hinulaan ni Hesus ang pagkakanulo sa kanya ni Hudas Iskariote. Ang tatlong ebanghelyong sinoptiko(Mateo, Marcos, Lucas) at Unang Korinto ay kinabibilangan ng salaysay ng Hapunan kung saan si Hesus ay kumuha ng tinapay, hinati ito at ibinigay sa mga apostol na nagsasabing, "Ito ang aking katawan na ibinigay sa inyo". Ang mga salita sa bawat salaysay ng mga aklat na ito ay katamtamang magkakaiba na sumasalamin sa isang tradisyong pang-Marcos na pinaghanguan ng Ebanghelyo ni Mateo at isang tradisyong Paulino na pinaghanguan ng Ebanghelyo ni Lucas.[65] Ang mga salitang "Gawin ninyo ito sa pag-ala-ala sa akin" ay matatagpuan lamang sa Ebanghelyo ni Lucas(22:19) at hindi sa iba pang 3 ebanghelyo. Ang Lucas 22:19–20(22:19b-20)(ibinigay sa kanila. Kaniyang sinabi: Ito ang aking katawan na ibinigay para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-ala-ala sa akin. Sa gayunding paraan, pagkatapos na makapaghapunan, kinuha niya ang saro at sinabi: Ang sarong ito ay ang bagong tipan sa aking dugo na ibinuhos para sa inyo.) ay hindi lumilitaw sa ilang mga pinakamaagang manuskrito ng Ebanghelyo ni Lucas at pinaniniwalaang isang interpolasyon o dagdag sa mga kalaunang manuskrito. Ang episodyong ito ay hindi matatagpuan sa Ebanghelyo ni Juan ngunit kinabibilangan ng paghuhugas ni Hesus ng mga paa ng apostol na may detalyadong diskursong pagpapaalam habang inihahanda sila sa kanyang paglisan. Ayon sa mga sinoptiko (Marcos 14:12–18, Mateo 26:17–21 at Lucas 22:8), ang Huling Hapunan ang Seder na Paskuwa(Paglagpas) na isinasagawa ng mga Hudyo sa simula ng Nisan 15. Salungat dito, ang Huling Hapunan ayon sa Juan 19:14 nangyari noong Nisan 14 nang ang mga kordero ng Paskuwa ay pinapatay. Ayon sa Juan 18:28 at Juan 19:14–15, si Hesus ay ipinako sa krus bago ang Paskuwa. Ipinagpapalagay na ang may akda ng Juan ay pumili ng petsang ito upang umangkop sa kanyang teolohiya na si Hesus ang "kordero ng diyos"(Juan 1:29) at iniugnay si Hesus sa mga hinahandog na kordero sa Paskuwa ng mga Hudyo.[66] Ikinatwiran ni Raymond Brown na sa Seder na Paskuwa ng mga Hudyo, ang unang saro ng alak ay iniinom bago kainakain ang walang lebadurang tinapay ngunit sa sinoptiko, ay nangyari ito pagkatapos. Ito ay nagpapakita ayon kay Brown na ang pangyayaring ito ay hindi ang unang Seder na Paskuwa na nangyayari tuwing Nisan 15 at kaya ay mas umaayon sa kronolohiya ng Juan na nangyari noong Nisan 14. Gayunpaman, maaaring ito ay binago para sa mga layuning simboliko o relihiyoso. Ang Silangang Ortodokso ay naniniwalang ang hapunang Eukaristiko ay hindi ang Seder na Paskuwa kundi isang hiwalay na hapunan. Ang argumentong Seder na Paskuwa ay itinatakwil rin ng Simbahang Presbiteriano na nagsasaad na ang huling hapunan sa ebanghelyo ay maliwanag na nagpapakitang ang layunin ng Huling Hapunan ay hindi ang pag-ulit ng taunang Seder na Paskuwa ng Aklat ng Exodo.[67][68] Ang Ebanghelyo ni Juan at ang 1 Corinto 5:7-8 ay nagtumbas ng pagpako kay Hesus bilang isang inihandog na kordero ng Paskuwa. Ang mga iskolar ng Seminar ni Hesus ay tumuturing sa Huling Hapunan na hinango hindi mula sa huling hapunan ni Hesus kasama ng mga apostol kundi sa mga tradisyong hentil ng mga pag-alalang hapunan para sa mga namatay.[69] Si Barry Powell ay nagmungkahi na ang mga konseptong Kristiyano ng pagkain at pag-inom ng laman at dugo ni Hesus ay naimpluwensiyan ng kulto ni Dionysus.[70] Si Dionysus ay isa sa maraming mga tagapagligtas na diyos na namatay at nabuhay. Ang kanyang kaarawan ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre 25. Siya ay sinamba sa buong Gitnang Silangan gayundin sa Gresya. Siya ay mayroong sentro ng pagsamba sa Herusalem noong ika-1 siglo BCE. Siya ang anak ni Zeus na Diyos Ama at ang kanyang laman at dugo ay simbolikong kinakain ng kanyang mga tagasunod sa anyo ng tinapay at alak. Si Dionysus ay ipinanganak ng isang birhen, nagsagawa ng mga milagro gaya ng pagbabago ng tubig sa alak, may 12 alagad, tinawag na "Diyos na naging laman", "Tanging Bugtong na Anak" at "Tagapagligtas", ipinako sa krus at namatay bilang isang handog para sa mga kasalanan ng daigdig. Si Dionysus ay muling nabuhay pagkatapos ng 3 araw at umakyat sa langit.[71][72][73] Ayon sa iskolar na si Peter Wick, ang paggamit ng simbolismong alak sa Ebanghelyo ni Juan kabilang ang kwento ng kasalan sa Cana kung saan binago ni Hesus ang tubig sa alak ay nilayon upang ipakita ng Juan si Hesus ay mas superior kay Dionysus.[74]

Getsemani, pagkakanulo ni Hudas at pagdakip kay Hesus

baguhin
 
Halik ni Hudas Iskariote (1304–06), fresco ni Giotto, Scrovegni Chapel, Padua, Italya

Ayon sa mga kanonikal na Ebanghelyo, pagkatapos ng Huling Hapunan, si Hesus at ang kanyang mga alagad ay naglakbay sa Gethsemane. Nang makarating rito, siya ay inilarawang lumisan sa kanyang mga alagad upang manalangin ng pribado. Isinaad ng mga sinoptiko na ang tatlong mga alagad na kasama ni Hesus ay nakatulog at kinastigo sila ni Hesus sa pagkabigong manatiling gising kahit sa isang oras na nagmuungkahing sila ay manalangin upang makaiwas sa tukso. Sa puntong ito, si Hudas Iskariote ay lumitaw na sinamahan ng isang pangkat ng mga tao na kinabibilangan ng mga saserdote at matatanda at mga taong may sandata. Lumapit si Hudas kay Hesus upang halikan niya ito. Ang halik ang ibinigay ni Hudas na tanda sa mga humuhili kung sino ang kanilang dapat huhulihin. Ayon sa Ebanghelyo ni Mateo, si Hesus ay tumugon kay Hudas, Kaibigan, anong dahilan ng pagparito mo? Ito ay humantong sa paniniwala na si Hesus at Hudas ay aktuwal na may kasunduan at walang tunay na pagkakanulong nangyari.[75] Ang Lucas 22:47-48 ay nagsasaad na nakita ni Hesus si Hudas na paparating at pinigil siya na nagtatanong: Hudas, sa pamamagitan ba ng halik ay ipagkakanulo mo ang Anak ng Tao? Walang halik na isinagawa si Hudas. Ayon sa parehong Marcos 14:45–47 at Mateo 26:49–51, ang pagtaga at pagkakatanggal ng tenga ng isang alipin ay nangyari pagkatapos dakipin si Hesus. Gayunpaman, ito ay sinasalungat sa parehong Lucas 22:47–54 at Juan 18:4–12 na ang pagtaga at pagkakatanggal ng tenga ng alipin ay nangyari bago dakipin si Hesus. Ayon sa apat na kanonikal na Ebanghelyo, hinulaan ni Hesus na ipinagkakanulo siya at alam niyang ito ay gagawin ni Hudas(Mateo 26:23–25, Marcos 14:18–21, Lucas 22:21–23 at Juan 13:21–30). Ayon sa Juan 13:21–30, ito ay katuparan ng isang hula sa kasulatan ngunit inihayag din ni Hesus sa Mateo 26:23–24 tungkol kay Hudas na sa aba ng taong iyon na magkakanulo sa Anak ng Tao. Mabuti pa sa taong iyon kung hindi na siya naipanganak. Ang pagtupad ni Hudas sa hula ay nagpapahiwatig na si Hudas ay walang malayang kalooban at nakatakda na sa kapahamakan bago pa ang kanyang kapanganakan(Juan 17:12). Gayunpaman, ayon sa Mateo 19:28 at Lucas 22:30, ang lahat ng 12 mga alagad ay uupo sa 12 trono upang hatulan ang 12 lipi ng Israel. Sinaad sa Mateo 26:15 at Mateo 27:3-10 na ipinagkanulo ni Hudas si Hesus para sa 30 pirasong pilak. Ayon sa Marcos 14:10-11, ang mga saserdote ay nangako lamang kay Hudas na babayaran siya ngunit ayon sa Mateo 26:14-16 ay agad binyaran si Hudas ng mga saserdote. Kalaunan ay dahil nagsisi si Hudas ay kanyang ibinalik ang salapi sa templo at nagbigti. Ang salapi ay kalaunang ginamit ng mga pinunong saserdote upang ipambili ng bukid ng magpapalayok upang ito ay maging libingan ng mga dayuhan(Mt 26:15, 27:3-10). Salungat dito, ayon sa Gawa 1:18, si Hudas ang bumili ng isang parang mula sa kabayaran ng kalikuan. Doon ay bumagsak siya na nauna ang ulo, bumuka ang kaniyang katawan at sumambulat ang lahat ng kaniyang bituka. Inangkin sa Mateo 27:9-10 na ang pagbili ng bukid ng magpapalayok ay hinulaan sa Jeremias ngunit ito ay hindi matatagpuan sa Jeremias. Sa halip, ang Zec. 11:13 ay pinaniwalaan ng ilan na tinukoy dito ni Mateo. Ang Ebanghelyo ni Hudas ay nagsasaad na ang mga aksiyon ni Hudas ay kanyang ginawa bilang pagsunod sa mga instruksiyon na ibinigay sa kanya ni Hesus. Ang Ebanghelyo ni Hudas ay nagsasaad rin na pinlano ni Hesus ang mga kurso ng pangyayari na humantong sa kanyang kamatayan. Ang paglalarawang ito ay tila umaayon sa ilang mga anyo ng Gnostisismo na ang anyong tao ay isang bilangguan na espiritwal at kaya ay naglingkod si Hudas kay Hesus sa pamamagitan ng pagtulong na palayin ang kaluluwa ni Hesus mula sa mga limitasyong pisikal. Isinasaad rin sa Ebanghelyo ni Hudas na hindi nalaman ng ibang mga apostol ang tunay na ebanghelyo na itinuro lamang ni Hesus kay Hudas Iskariote na ang tanging alagad ni Hesus na kabilang sa "banal na henerasyon" sa mga alagad.

Paglilitis kay Hesus

baguhin

Ayon sa mga kanonikal na ebanghelyo, pagkatapos ng pagkakanulo at pagdakip kay Hesus nang gabi ay dinala siya sa Sanhedrin. Ayon sa Mateo 26:57, si Hesus ay dinala sa bahay ni Caiaphas na dakilang saserdote kung saan nagtipon ang dakilang saserdote, mga skriba at matatanda. Sa Mateo 27:1, idinagdag na muling nagpulong ang mga saserdote sa sumunod na umaga. Ayon sa Marcos, 14:53, si Hesus ay dinala nang gabing iyon sa dakilang saserdote(na hindi pinangalanan) kung saan ang nagtipon ang lahat ng mga hepeng saserdote at mga matatanda. Ayon sa Markos 15:1, ang isa pang konsultasyon ay idinaos ng mga saserdote nang sumunod na umaga. Ayon sa Lucas 22:54, si Hesus ay dinala sa "bahay ng dakilang saserdote"(na hindi pinangalanan) kung saan ay kinutya at binugbog si Hesus nang gabing iyon at sa Lucas 22:66, idinagdag na "sa sandaling araw na", ang mga hepeng sasedote at mga skriba ay nagtipon at dinala si Hesus sa konseho. Sa Juan 18:24, si Hesus ay dinala mula kay Annas patungo kay Caiaphas na dakilang saserdote at sa Juan 18:28 ay isinaad na noong umaga ay dinala si Hesus mula kay Caiphas tungo kay Poncio Pilato sa Praetorium. Sa mga ebanghelyo, si Hesus ay isinaad na nagsalita ng napaka-kaunti at nagbigay ng napaka bihira at hindi direktang mga sagot sa mga tanong ng saserdote na nagtulak sa isang opiser na sampalin siya. Sa Mateo 26:62, ang kawalan ng tugon ni Hesus ay nagtulak sa dakilang saserdote na tanungin siiya: "wala ka bang isasagot?" Sa mga salaysay ng ebanghelyo, ang mga lalake na humahawak kay Hesus sa bahay ng dakilang saserdote ay kumutya, piniringan ang kanyang mata, uminsulto at bumugbog sa kanya. Ang Markos 14:55-59 ay nagsasaad na ang mga hepeng saserdote ay naghanap ng saksi laban kay Hesus upang ipapatay siya ngunit hindi nakahanay ng sinuman kaya naghanap ng mga maling saksi laban sa kanya ngunit ang kanyang mga saksi ay hindi magkakaayon. Isinaad sa Marcos 14:61 na tinanong naman ng dakilang saserdote si Hesus: "Ikaw ba ang Kristo, ang Anak ng Mapalad?" Sumagot si Hesus na "Ako" na sa puntong ito ay pinunit ng dakilang saserdote ang balabal nito sa galit at inakusahan si Hesus ng pamumusong. Tinanong naman ng dakilang saserdote ang Sanhedrin at silang lahat ay nagbigay hatol na siya ay nararapat mamatay(Marcos 14:64) Sa Mateo 26:63, tinanong ng dakilang sasedote si Hesus "Sabihin mo sa amin kung ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos". Sumagot si Hesus na "Sinabi mo" na nagtulak sa dakilang saserdote na punitin ang kanyang balabal. Salungat dito, sa Lucas 22:67 ay tinanong si Hesus na "Kung ikaw ang Kristo, sabihin mo sa amin". Ngunit kanyang sinabi sa kanila, "Kung sasabihin ko sa inyo, hindi kayo maniniwala". Ngunit sa Lucas 22:70 nang siya ay tanungin nila na "Kung gayon, ikaw ba ang Anak ng Diyos?" Sumagot si Hesus na "Sinasabi niyong ako". Sa puntong ito, ang mga sasedote ay nagtanong: "Hindi ba, hindi na natin kailangan ang saksi sapagkat tayo na ang nakarinig mula sa kaniyang bibig?" May ilang mga problema sa mga salaysay ng ebanghelyo tungkol sa paglilitis ng Sanhedrin kay Hesus. Ayon sa mga sinoptiko, ang Banal na Hapunan ang Seder na Paskuwa na unang araw ng Paskuwa. Ito ay nagpapahiwatig na ang paglilitis kay Hesus ay nangyari sa isang linggong pagdiriwang ng pistang Paskuwa. Sa pagbibilang rin ng araw ng mga Hudyo ay isa itong Paskuwa. Pinagbabawal sa Hudaismo na ang Sanhedrin ay magpulong sa Shabbat o sa mga pista gaya ng Paskuwa. Sa ebanghelyo, ang Sanhedrin ay nagpulong sa bahay ng dakilang saserdote sa gabing pagkatapos ng pagdakip kay Hesus, ngunit ipinagbabawal sa Hudaismo na ang Sanhedrin ay magpulong sa labas ng Bulwagan ng mga Tinagpas na Bato(Lishkat Ha-Gazith) sa templo sa Herusalem o magpulong sa gabi.[76] Ang isa pang imposiblidad sa Marcos 14:64 ang paghatol ng kamatayan sa parehong araw kesa sa itinakdang interbal na 24 oras sa Hudaismo. Sa Marcos 14:57-58, ang ilang mga tao ay tumayo na may mga "hindi totoong testimonya" laban kay Hesus. Gayunpman, ang kanilang "hindi totoong" inangkin na sinabi ni Hesus ang sinabi ni Hesus ayon sa Juan 2:18-19 at Gawa 6:14. Ayon sa Marcos 16:61, iniugnay ng dakilang saserdote ang pagiging isang mesiyas sa pagiging Anak ng Diyos. Ito ay maling pag-uugnay dahil hindi itinuturing sa Hudaismo ang pagiging mesiyas na may katayuang pang-diyos. Ang pag-aangkin rin at pagtuturo ng isang indibidwal na siya "ang mesiyas" ay hindi itinuturing sa Hudaismo na pamumusong gaya ng maling pag-aangkin sa Marcos 14:61-64. Ang pag-aangkin rin ni Hesus sa Marcos 14:62 ay hindi nangangailangang ito ay may anumang konotasyong pang-diyos. Ang paggamit ng pariralang "Anak ng Mapalad" o "Anak ng Diyos" ay hindi isang krimen na pinarurusahan ng kamatayan sa Hudaismo. Ang pag-aangkin rin ni Hesus na ang Anak ng Tao ay uupo sa kanan ng diyos sa Marcos 14:62 ay walang pinagkaiba sa alusyon ni David na nakaupo siya sa kanan ng diyos(Awit 110:1)[77]

Ayon sa mga kanonikal na ebanghelyo, si Hesus ay dinala kay Pilato ng Sanhedrin na nagpahuli kay Hesus at mismong kumwestiyon sa kanya. Isinaad na ang Sanhedrin ay binigyan lamang ni Hesus ng mga sagot na kanilang itinuring na mapamusong(Marcos 14:61-64) ayon sa batas ni Moises na hindi malamang na ituturing ni Pilato na isang parusang kapital na nagpakahulugan ng batas Romano. Ang pangunahing tanong ni Pilato kay Hesus ay kung itinuturing niya ang kanyang sarili na hari ng mga Hudyo bilang pagtatangka na matukoy kung siya ay isang potensiyal na bantang politikal. Ayon sa saling NIV Marcos 15:2, Mat 26:64: "Ikaw ba ang hari ng mga Hudyo"? "Yes, It is as you say"(oo, gaya ng sinasabi mo).[78][79] Sa ilang mga salin gaya ng KJV, ang sagot ni Hesus ay: "Thou sayest it."(King James Version, Mark 15:2, Sinasabi mo);[79] Ang anumang digri ng kompirmasyon ang nahango ng mga tagasalin ng bibliya mula sa sagot ni Hesus, ayon sa Bagong tipan ay hindi sapat upang makita si Hesus bilang isang tunay na bantang politikal. Ayon sa Ebanghelyo ni Mateo, may pag-aatubili si Pilato na payagan ang pagpapako kay Hesus na walang nakitang kasalanan siya. Ayon sa Mateo, kustombre ng gobernador ng Roma na magpalaya ng isang bilanggo sa Paskuwa. Ang mga salaysay sa bagong tipan ay nagsasaad na inilabas ni Pilato si Barabbas at sa Mateo ay tinukoy siyang masamang bilanggo ngunit sa Ebanghelyo ni Marcos ay isang mamatay tao. Isinaad ni Pilato sa mga Hudyo na pumili sa pagitan ng pagpalaya kay Barabbas o Hesus na umaasang kanilang hihilinging palayain si Hesus. Gayunpaman, pinili ng mga tao si Barabbas at sinabi tungkol kay Hesus na "Ipako siya!". Sa Mateo, tumugon si Pilato, "Bakit? anong kasamaan ang nagawa niya". Ang mga tao ay nagpatuloy na nagsasabing "Ipako siya!". Walang kustombreng alam na pagpapalaya ng mga bilanggo sa Herusalem maliban sa mga salaysay na ito sa ebanghelyo. Ang salaysay na ito ay sinasabi ng ilan na elemento ng literaryong paglikha ng Ebanghelyo ni Marcos na nangailangang salungatin ang tunay na anak ng ama upang ilagay ang nagtuturong paligsahan sa anyo ng isang talinghaga. Ang kwento ni Barabbas ay historikal na ginamit upang ilagay ang pagsisi ng pagpapako kay Hesus sa mga Hudyo at upang pangatwiranan ang antisemitismo na isang interpretasyong kilala bilang deisidyong Hudyo na itinakwil ni Papa Benedict XVI sa kanyang aklat noong 2011 na Jesus of Nazareth kung saan kanya ring kinuwestiyon ang historisidad ng talata sa Mateo.[80][81]

Ang Ebanghelyo ni Lucas ay naglalarawan sa mga saserdote na paulit ulit na nag-aakusa sa kanya bagaman ayon dito ay nanatiling tahimik si Hesus. Pumayag si Pilato na kondenahin si Hesus sa pagpapako sa krus pagkatapos na ipaliwanag ng mga pinunong Hudyo na siya ay isang banta sa Roma sa pamamagitan ng pag-aangking hari ng Israel. Ayon sa mga sinoptiko, ang mga tao ay tinutruan ng mga pariseo at saduceo na sumigaw laban kay Hesus. Idinagdag ng Mateo na bago ang pagkukundena kay Hesus si kamatayan, si Pilato ay naghugas sa tubig ng kanyang mga kamay sa harapan ng mga tao na nagsasabing "ako ay inosente sa dugo ng taong ito; makikita niyo".

Pagpapako sa krus

baguhin
 
Ang Pagkapako ni Hesus sa Krus (1622) ni Simon Vouet; Church of Jesus, Genoa

Pagakatapos ng paglilitis ni Pilato, si Hesus ay ibinigay ni Pilato sa mga tao upang ipako sa krus. Dinala siya ng mga kawal sa loob ng patyo na tinatawag na hukuman. Tinawag nila ang buong batalyon ng mga kawal na naroroon upang magtipon. Sinuotan nila siya ng kulay ubeng damit at nilagayan ng koronang tinik. Nagsimula silang bumati sa kaniya na sinasabi: Binabati, Hari ng mga Judio. Matapos nila siyang kutyain, hinubad nila ang kulay ubeng damit at isinuot sa kaniya ang kaniyang mga damit. Kanilang dinala siya papalabas upang ipako sa krus. Sa tatlong sinoptiko, kanilang kinuha ang isang nagngangalang Simon na taga-Cerene at ipinapasan sa kaniya ang krus ni Hesus. Salungat dito, sa Juan ay si Hesus lamang ang nagpasan ng kanyang krus tungo sa Golgota. Sa Lucas lamang isinaad ang pakikipag-usap ni Hesus sa mga babaeng sumusunod na tumatangis at nanaghoy sa kaniya. Ang kwento ng isang babaeng Veronica ay hindi matatagpuan sa mga ebanghelyo at lumitaw lamang noong mga 1380. Ayon sa kwento, si Veronica ay naawa nang makita niyang pasan ni Hesus ang kanyang krus tungo sa Golgota. Kanyang ibinigay ang kanyang belo upang punasan ang kanyang noo. Ito ay tinanggap ni Hesus na ibinalik kay Veronica at ang larawan ng kanyang mukha ay milagrosong lumitaw sa belong ito. Ayon sa Marcos at Mateo, si Hesu say inalukan ng maiinom bago siya ipako sa krus. Ang halong inumin na ibinigay kay Hesus sa Marcos 15:23 ay alak at mira na maaaring isang pagtatangka na pagaanin ang paghihirap na pagtitiisan ni Hesus dahil sa sedatibong epekto nito. Gayunpaman sa Mateo 27:34, ang halong inumin ay binago sa alak at apdo. Ang apdo ay isang sukdulang mapait sa lasa at kaya ang intensiyon sa Mateo ay tila kabaligtaran ng sa Marcos upang dagdagan ang paghihirap ni Hesus. Ang mga ebanghelyo ay nagsaad na si Hesus ay ipinako kasama ng dalawa pa. Ang mga sinoptiko ay nagdagdag ng mas maraming mga detalye dito. Ang parehong Marcos 15:27,32 at Mateo 27:38,44 ay nagsasaad na ang parehong mga nahatulang kriminal ay sumali sa mga tao sa pagkutya kay Hesus. Sa Lucas, isang kriminal lamang ang kumutya kay Hesus at ang isa ay sumaway sa kumutyang kriminal. Sinabi ng hindi kumutyang kriminal kay Hesus, na Panginoon, alalahanin mo ako kapag ikaw ay nasa paghahari mo na. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Katotohanang sinasabi ko sa iyo, sa araw na ito, ikaw ay makakasama ko sa Paraiso.

Ang Lucas ay hindi nagbanggit na ang ina ni Hesus ay makikita sa kanyang pagpapako ngunit sa Juan ay inilagay siya sa lugar ng pagpapako kay Hesus at isinaad na habang nasa krus ay nakita niya ang kanyang ina at isang alagad na kanyang minamahal. Kanyang sinabi sa kanyang ina "Babae, tingnan mo ang iyong anak". Inilagay din sa Juan ang iba pang mga babae na kapatid ng kanyang ina, si Maryang asawa ni Clopas at Marya Magdalena.

Hindi matiyak kung buong tinutukoy sa Juan ang 3 o 4 na babae sa krus. Walang kasunduan sa mga iskolar kung anong petsa o araw ipinako si Hesus. Tinatayang si Hesus ay namatay mula 30 CE hanggang 36 CE. Ang araw ng pagpapako kay Hesus ay kadalasang pinaniniwalaang biyernes ngunit ang ilang mga iskolar ay nagmungkahi ng araw na huwebes o miyerkules. Ang ilang iskolar ay naniniwala sa araw na huwebes batay sa isang dobleng sabath na sanhi ng isang ekstrang sabath na Paskuwa na bumagsak sa takipsilim ng huwebes hanggang sa tanghali ng biyernes na nauna sa normal na lingguhang sabath. Ang ilan ay nagmungkahi ng miyerkules batay sa pagbanggit ni Hesus ng pariralang "tatlong mga araw at tatlong mga gabi" sa Mateo 12:40 bago ang kanyang muling pagkabuhay na sinasabing sa araw ng linggo. Bagaman ayon sa batas ng Hudyo, ang bahagi ng araw ay katumbas ng isang buong araw, ang pariralang "tatlong araw at tatlong gabi" ay nangangahulugang tatlong magkakasunod na araw sa pagitan ng bukang liwayway at gabi at gabi at bukang liwayway o 72 araw. Inangkin na si Hesus ay nabuhay pagkatapos ng 3 araw sa biyernes. Kung ito ay totoo, siya ay inilibing lamang ng 2 gabi. Sa Marcos 15:25, ang pagpapako kay Hesus sa krus ay nangyari sa ikatlong oras(alas nuwebe ng umaga) at ang kamatayan ay nangyari sa ikasiyam na oras(alas tres ng hapon).[82] Salungat dito sa Juan 19:4, si Hesus ay nasa harap pa rin ni Pilato sa ikaanim na oras. Ang ilan ay nagmungkahi ng pagkakasundo ng dalawang salaysay batay sa pag-ooras na Romano ngunit ito ay itinatakwil ng ilang mga iskolar.[83][84][85] Ang Marcos 15:33 at Mateo 27:45 ay nagsasaad na may kadiliman mula sa tanghali hanggang sa alas-tres ng tanghali. Ang Lucas 23:44–45 ay nagsaad na ito ay eklipse ng araw. Ayon sa ilang mga iskolar, ito ay imposibleng mangyari dahil ayon sa mga sinoptiko, si Hesus ay ipinako noong unang araw ng Paskuwa(Paglagpas) na Nisan 15. Ang Nisan 15 ay isang gabi ng buong buwan o ang buwan ay nasa kabilang panig ng mundo. Upang ang eklipse ng araw ay mangyari, ang buwan ay dapat nasa pagitan ng daigdig at araw. Sa karagdagan, wala ring mga ulat sa kasaysayan ng isang eklipse ng araw sa Herusalem sa mga panahong ito.[86][87] Kahit ang Ebanghelyo ni Juan ay hindi rin nagbanggit ng eklipseng nangyari sa pagpapako kay Hesus. Ang hindi karaniwang napakatagal na eklipse ay ginagamit rin laban sa historisidad ng eklipseng ito.[88] Ang isang pananaw ay ang mga salaysay sa sinoptiko ay isang paglikhang literaryo ng mga manunulat ng ebanghelyo upang pataasin ang kahalagaan ng teolohikal na mahalagang pangyayari kung paanong ang mga eklipse ay iniugnay rin sa mga salaysay ng mga ibang pigurang historikal.[69][89][90] Sa Marcos, ang pagdilim ay sinamahan ng pagkapunit sa dalawa ng tabing ng banal na mula sa itaas hanggang sa ibaba.[69] Ang Mateo ay nagdagdag ng isang lindol at muling pagkabuhay ng mga namatay na santo. Ayon sa Mateo 27:52–53, ang mga libingan ay nabuksan at maraming katawan ng mga banal na namatay ang bumangon. Ang mga patay na ito lumabas sa libingan pagkatapos lamang mabuhay na muli si Hesus at pumasok sa banal na lungsod at nagpakita roon sa maraming tao.[91] Ang ilang mga kalaunang manuskrito ng Mateo ay may nakasulat na "pagkatapos ng kanilang muling pagkabuhay" sa halip na "niya"(his). Ayon kay Schweizer, ang talatang ito ay naglalaman ng isang sinaunang pagtutuwid sa orihinal na manuskrito ng Mateo. Sa teolohiya, si Hesus ang dapat na unang taong muling mabuhay kaya naniwala si Schweizer na ang salita ay ipinalit upang masiguro na ang mga santo ay umahon lamang pagkatapos mabuhay ni Hesus.[92] Ang karamihan ng mga iskolar ng Bibliya ay hindi tumuturing sa mga pangyayaring ito na historikal. Ang mga ito ay tinawag ni Bultmaan na "purong nobelistikong mga motif".[93] Isinaad ni Hagnar na ang mga pangyayaring ay may mas saysay ng teolohikal sa halip na historikal.[93][94]

Ang mga ebanghelyo ay nagsaad na si Hesus ay nagsalita ng pitong mga payahag habang siya ay nakapako sa krus. Sa Lucas 23:34 ay, "Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa. Sa Lucas 23:43, "Sa katotohanan, sinasabi ko, ngayon araw ay makakasama mo ako sa Paraiso". Sa Juan 19:25-27, "Babae, tingnan mo ang iyong anak!". Sa Mateo 27:46, ay ang Aramaikong E′li, E′li, la′ma sa‧bach‧tha′ni?" na isinaling "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?". Sa Juan 19:28 ay "Ako ay nauuhaw". Sa Juan 19:30 ay "Natapos na" at sa Lucas 23:46 ay "Ama, sa iyong mga kamay ay ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu". Dahil sa magkakaibang mga huling salita sa pagitan ng apat na ebanghelyo, si James Dunn ay naghayag ng pagdududa sa historisidad ng mga ito.[14] Sa Mateo 27:46, ang Aramaikong E′li, E′li, la′ma sa‧bach‧tha′ni?" na isinaling "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" ay isang sipi sa unang linya ng Awit 22:1. Ang Awit 22:16 ay pinakahulugan ng mga Kristiyano na reperensiya sa pagpapako ni Hesus sa krus batay sa ilang mga modernong salin ng Bibliya na nagsalin ng talata na "kanilang tinagos ang aking mga kamay at mga paa".[95] Ang interpretasyong ito ay itinatakwil ng mga Hudyong iskolar. Ang mababasa sa karamihan ng mga manuskritong Hebreo ng Awit 22:16 ay ka'ari yadai v'raglai ("tulad ng isang leon ang aking mga kamay at ang aking mga paa"). Ang anyong sintaktiko ng pariralang Hebreo ay lumilitaw na walang pandiwa at ito ay sinuplay sa Aramaikong targum na "sila ay kumagat tulad ng isang leon ang aking mga kamay at mga paa". Ang karamihan ng mga manuskritong Hebreo ay gumamit ng salitang kaari(tulad ng isang leon) samantalang sa Septuagint(na saling Griyego ng Hebreo) ay mababasa na "kanilang hinukay"(ορυξαν). Ang mga bersiyong nagsalin ng kaari ng Awit 22:16 na "tumagos", ay nagsalin ng kaari sa Isaias 38:13 ng "tulad ng isang leon, kaya kanyang binali ang lahat ng aking mga buto".[96] Tanging ang Peshitta(ca. 200 CE) na bersiyong Syriac ng Hebreo ang may pagbasang "kanilang tinagos"(they have pierced). Si Aquila ay nagsalin ng Hebreong Awit 22:16 sa Griyego na "kanilang dinispigura" sa kanyang unang edisyon ngunit isinalin itong "kanilang itinali" sa ikalawang edisyon. Si Jeronimo ay nagsalin ng Bibliyang Hebreo ng Awit 22:16 sa Latin na "kanilang itinali" ngunit mula sa Griyego na karu tungo sa Latin ay isinaling "kanilang hinukay". Ang karu ay mababasa sa dalawang manuskrito ng Hebreo ngunit ang kaari ay mababasa sa karamihan ng mga manuskritong Hebreo. Ang kaaru na hindi alam ang kahulugan ay mababasa sa kakaunting mga manuskritong Hebreo at mababasa rin sa skrolyo sa Nahal Hever(5/6HevPs). Ang 5/6HevPs ay may karagdagang aleph sa pagitan ng kaf at resh. Walang ibang alam na halimbawa sa panitikang Hebreo na nagbabaybay ng karu sa ganitong paraan at ang kahulugan nito ay hindi alam.[97]

Paglilibing kay Hesus

baguhin
 
Ang Paglilibing ni Kristo sa obra ni Caravaggio.

Ayon sa Marcos 15:42–47, noon ay araw ng Paghahanda, nang gumabi, na siyang araw bago ang araw ng Sabat. At dumating si Jose na taga-Arimatea na isang marangal na kasapi ng Sanhedrin. Siya ay naghihintay din sa paghahari ng Diyos. Naglakas-loob siyang pumunta kay Pilato upang hingin ang katawan ni Jesus. Ipinatawag ni Pilato ang Kapitan at itinanong dito kung matagal nang patay si Jesus. Nang mabatid niya ito sa Kapitan pinahintulutan niya si Jose na kunin ang bangkay ni Jesus. Bumili si Jose ng telang lino at ibinaba si Hesus sa krus at binalot ng telang lino at inilagay sa libingan. Nakita nina Maria Magdalena at isang Maria kung saan inilagay ni Jose si Hesus. May ilang mga problema sa salaysay na ito. Una ang isinaad na "nang gumabi" ay nangangahulugang lumubog na ang araw o alas sais ng hapon na sa Hudaismo ay isa nang Sabath. Kahit pa ipagpalagay na ang gabi ay nangangahulugang isang mas maagang panahon, ang problema ay nananatili dahil ayon sa mga sinoptiko, ang araw na iyon ang unang araw ng Paskuwa(Paglagpas). Sa Sabath o Paskuwa ay hindi pinapayagan ang mga Hudyo magsagawa ng mga transaksiyon ng negosyo ngunit ayon sa salaysay na ito, si Jose ay bumili ng linong panglibing sa araw na iyon. Gayundin, ang paglilibing at pagdadalamhati ay ipinagbabawal sa Hudaismo tuwing Sabath o Paskuwa. Sa Marcos, walang pagpapahid ng mga pabango ni Jose(o katulong na si Nicodemo) na binanggit ngunit nasaksihan ng mga babae kung saan inilagay ni Jose si Hesus sa libingan(Marcos 15:47). Ang pagpapahid ng mga babae kay Hesus ay isasagawa pa lang ng linggo(Marcos 16:1–2) samantalang sa Juan 19:38–42 ay naisagawa na nina Jose at Nicodemo bago pa ang paglilibing kay Hesus at kaya ay walang binanggit sa Juan na may gagawing pagpapahid si Marya Magdalena nang nag-iisa itong tumungo noong linggo sa libingan(Juan 20:1). Ang ilang mga iskolar ay nagdududa kung si Jose ng Arimatea ay isang historikal na tao dahil walang rekord sa Lumang Tipan, Talmud at iba pa, maliban sa mga ebanghelyo ng isang lugar na Arimatea.[98] Ayon sa Mateo 27:62–66, "Kinabukasan ay ang araw pagkatapos ng paghahanda at ang mga pinunong-saserdote at mga fariseo ay nagtipun-tipon sa harap ni Pilato na nag-aangkin kay Pilato na naala-ala nila ang sinabi ni Hesus ng nabubuhay pa ito na pagkalipas ng tatlong araw ay si Hesus ay babangon. Kanilang hiniling kay Pilato na ipag-utos nito na bantayan ang libingan ni Hesus hanggang sa ikatlong araw at baka sa gabi ay nakawin siya ng kaniyang mga alagad at sabihin ng mga alagad ni Hesus sa mga tao na si Hesus ay nabuhay mula sa mga patay. Kung magkakagayon, ang pandaraya ay magiging malala kaysa una." May ilang mga problema sa salaysay na ito na matatagpuan lamang sa Mateo at hindi sa ibang tatlong kanonikal na ebanghelyo. Ayon sa Marcos 15:42 at Lucas 23:54 ang araw ng paghahanda ang araw bago ang araw ng Sabath at kaya ang pagtitipon ng mga saserdote at fariseo ay nahuhulog sa araw ng Sabath na ayon sa batas ng mga Hudyo ay ipinagbabawal ang paggawa ng anumang gawa gaya ng pagtitipon sa harap ni Pilato. Ayon sa mga ebanghelyo, ang mga fariseo ay mga striktong tagapagmasid ng Sabath na kanilang hinangad na ipapatay si Hesus sa simpleng pagpapagaling nito sa Sabath. Ang inaangkin rin sa salaysay na naunawaan ng mga saserdote at fariseo na muling mabubuhay si Hesus pagkatapos ng tatlong araw at nanakawin ng mga alagad ni Hesus ang kanyang bangkay at sasabihin ng mga alagad ni Hesus sa mga tao na si Hesus ay nabuhay mula sa mga patay ay sinasalungat ng Juan 2:18–22 na nagsasaad na hindi naunawaan ng mga alagad ni Hesus ang kanyang sinabing pagtatayo muli ng templo hanggang lamang sa kanyang pagbangon muli sa patay. Ayon sa Juan 20:9, hindi pa alam ng mga alagad noon ang kasulatan na siya ay dapat bumangon mula sa mga patay. Ayon sa Lucas 24:45–46, pagkatapos lamang muling mabuhay ni Hesus nang binuksan ni Hesus ang pang-unawa ng mga alagad upang maunawaan ng mga ito ang mga kasulatan na babangong muli sa mga patay sa ikatlong araw ang mesiyas. Ito ay inaayunan rin sa Mateo 27:39–40 na hindi alam ng mga Hudyo ang ibig sabihin ni Hesus. Ang isa pang problema sa Mateo ang paglipas ng isang araw bago pabantayan ng mga saserdote at fariseo ang libingan ni Hesus na na nagbibigay sa mga alagad ni Hesus ng pagkakataon na nakawin ang kanyang bangkay. Salungat sa salaysay ng mga ebanghelyo, ang Mga Gawa* ay nagsaad na ang naglibing kay Hesus ay ang mga mamamayan ng Herusalem at mga pinuno ng mga ito. Ang salaysay sa Mateo 27:62–65 ay nag-uulat rin ng mga usapang may pribilehiyo sa pagitan ng mga saserdote at ni Pilato at sikretong usapan sa pagitan ng mga saserdote at bantay(Mateo 28:11–15) na walang mga Kristiyano ang maaaring makaalam at kaya ay pinaniniwalaan na isang imbensiyon lamang ng may akda ng Mateo.[99] Ayon sa mga skolar na sina L. Michael White at Helmut Koester, ang salaysay ng mga bantay sa Mateo ay isang pagtatangkang apolohetiko ng may akda ng Mateo upang ipaliwanag ang mga pag-aangkin ng mga Hudyo na ninakaw ng mga alagad ni Hesus ang kanyang katawan na kumakalat sa panahon ng pagkakasulat ng Ebanghelyo ni Mateo.[100][101] Ayon ds Mateo 28:11–15, "Habang sila ay papaalis, narito, ang mga bantay ay umalis papuntang lungsod. Kanilang iniulat sa mga pinunong-saserdote ang lahat ng mga nangyari. Sila ay nagtipun-tipon kasama ng matatanda. At nang makapagsangguni na sila, binigyan nila ng malaking halagang salapi ang mga bantay.Sinabi nila: Sabihin ninyo na dumating ang kaniyang mga alagad nang gabi habang kami ay natutulog at ninakaw nila si Jesus. Kapag ito ay narinig ng gobernador, hihimukin namin siya at ililigtas kayo sa inyong pananagutan. Kinuha nila ang salapi at ginawa ang ayon sa itinuro sa kanila. Ang ulat na ito ay kumalat sa mga Hudio hanggang sa kasalukuyan." Ayon sa mga kritiko, imposibleng maniwala ang mga pinunong Saserdote sa pahayag ng mga bantay na milagrasong umahon si Hesus sa libingan at hindi rin kapani-paniwala na kanilang paangkinin sa mga bantay na ninakaw ng mga alagad ni Hesus ang kanyang katawan kung sila ay natutulog. Sa Juan 20:14–16, pagkatapos akalain ni Maria Magdalena si Hesus bilang hardinero ay tinanong ito kung ano ang ginawa nito sa katawan ni Hesus na nagpapahiwatig na ang hardinero ay may motibo na galawin ang katawan ni Hesus. Sa Pakikipag-usap kay Trypho ni Justin Martyr ay isinaad na: ninakaw siya ng kanyang alagad sa gabi mula sa libingan kung saan siya nakahimlay nang alisin mula sa krus at ngayon ay dinadaya ang mga tao sa pagsasaad na siya ay nabuhay mula sa mga patay at umakyat sa langit". Si Tertullian ay nagbanggit sa kanyang De Spectaculis na karagdagan sa teoriya na ninakaw ng mga alagad ni Hesus ang kanyang katawan ay ang hardinero ang gumawa sa gayong ang kanyang letsugas ay hindi mapinsala mula sa mga taong dumadalaw sa katawan. Ayon sa Toledoth Yeshu, ang hardinerong nagngangalang Juda ang orihinal na naglipat ng katawan at pagkatapos ay ibinenta ang katawan ni Hesus sa mga pinunong Hudyo.[102] Ayon sa historyan na si Charles Freeman, ang Sanhedrin ang nag-alis ng katawan ni Hesus upang pigilan itong maging dambana ng mga alagad ni Hesus. Ikinatwiran ni Freeman na ang mga lalake(o anghel) na nakasuot ng puting balabal sa libingan ay maaaring ang mga saserdote ng templo(Marcos 16:3–7). Sa paghikayat ng mga lalakeng ito sa libingan sa mga alagad ni Hesus na bumalik sa Galilea, tinangka ng mga ito na paalisin ang mga alagad sa Herusalem upang maiwasan ang kaguluhan.[103] Ayon sa mga skolar, ang pagnanakaw ng mga libingan ay isang kilalang problema sa Judea noong unang siglo na ang Caesar ay nagutos ng parusang kamatayan sa pakikialam sa mga libingan at nagpatuloy hanggang ika-2 siglo CE. Kaya para sa mga tagapagtaguyod ng teoriyang ninakaw ang katawan ni Hesus ay posible na ninakaw ang katawan ni Hesus. Ito ay posible dahil hindi nasaksihan ng mga alagad ni Hesus ang kanyang aktuwal na pagkabuhay na muli mula sa libingan kundi isang lamang walang lamang libingan(Juan 20:1–2, Lucas 24:1–3). Ayon sa Juan 20:5–7, nang pumasok si Pedro sa loob ng libingan ay nakita niyang nakalapag doon ang mga telang lino at nakita rin niya ang panyong inilagay sa ulo ni Hesus na hindi kasamang nakalapag ng telang lino. Ang panyong ito hiwalay na itiniklop (entetuligmenon) sa isang dako na nagpapahiwatig ng isang intensiyonal na aksiyon na ginawa sa panyong ito. Ang isang posibleng motibo para sa mga magnanakaw ng libingan ang paggamit ng katawan ni Hesus sa nekromansiya. Ang ilang mga rito sa panahong ito ay nangangailangan ng isang wala sa panahong namatay o katawan ng isang pinaniniwalaang banal na tao. Halimbawa, ang isang tao ay maaaring magpasok ng isang skrolyo sa bibig ng bangkay at magtanong ng mga tanong sa namatay.[104]

Muling pagkabuhay at pagpapakita sa mga alagad

baguhin

Ayon sa mateo, ang mga babae ay dumating sa libingan habang ang bukang liwayway ay nagsisimula tungo sa unang araw ng linggo(Mateo 28:1). Ayon sa Marcos 16:2, sila ay dumating sa libingan nang sumikat na ang araw at ayon sa Lucas 24:1 ay maagang-maaga pa na sila ay dumating sa libingan. Sa Juan 20:1, sinasabing madilim pa nang ang katawan ni Hesus ay naglaho sa libingan. Ayon sa Lucas 24:10, ang unang tumungo sa libingan ni Hesus ay sina Marya Magdalena, Joana, Maria na ina ni Santiago at iba pang kasama nila. Ayon sa Juan 20:1, si Marya Magdalena lamang ang tumungo sa libingan. Sa Mateo 28:1, ang unang tumungo sa libingan ay sina Marya Magdalena at isa pang Marya. Sa Marcos 16:2, ang unang bumisita sa libingan ay sina Marya Magdalena, Marya na ina ni Santiago at si Salome. Sa pagdating sa libingan ayon sa Mateo 28:2–5 ay nakita nina Marya Magdalena at isa pang Marya ang isang anghel sa labas ng libingan sa ibabaw ng batong iginulong. Ayon sa Lucas 24:3–4 ay nakita nina Marya Magdalena, Joana, Marya at iba pa ang dalawang lalake sa loob ng libingan. Sa Marcos 16:5, nakita nina Marya Magdalena, Marya at Salome ang isang binatang nakaupo sa loob ng libingan sa gawaing kanan. Sa Juan 20:1 ay walang binabanggit na nakakita si Marya Magdalena ng isang anghel sa labas, dalawang lalake sa loob o isang lalake sa loob. Sa Juan 20:1, ang bato ay tinanggal na bago ang unang pagbisita ni Marya Magdalena. Gayunpaman sa Mateo 28:2, ang bato ay natanggal habang sina Marya Magdalena at marya ay dumadating sa libingan. Sa karagdagan sa Mateo 28:8, si Marya Magdalena at Marya ay sinabihan ng isang anghel sa labas ng libingan na si Hesus ay wala na sa libingan sapagkat siya ay nabuhay na. Sinabi ng anghel na sabihin nila sa mga alagad ni Hesus na nabuhay na siya. Sina Marya Magdalena at Marya ay mabilis namang umalis mula sa libingan na may takot at malaking kagalakan. Salungat dito sa Juan 20:1–2, hindi alam ni Marya na si Hesus ay nabuhay na at nang makita ni Marya Magdalena na ang bato ay naalis sa libingan, siya ay tumakbo at pumunta kay Simon Pedro at sa isang alagad at sinabi sa kanila kinuha nila ang Panginoon. Sa Mateo 28:5, Marcos 16:6 at Lucas 24:5 ay nakatanggap ng salita tungkol sa pagkabuhay ni Hesus bago ang kanilang aktuwal na pagkakita kay Hesus. Salungat dito, sa Juan 20:14–17, si Hesus ang unang naghayag kay Marya Magdalena na siya ay buhay na. Sa Mateo 28:8–9, si Hesus ay unang nagpakita sa napupuno ng kagalakan na si Marya Magdalena sa daan pagkaalis sa libingan. Salungat dito sa Juan 20:12–17, si Hesus ay unang naghayag ng kanyang sarili sa tumatangis na Marya Magdalena sa libingan. Sa Marcos 16:8, pagkalabas nina Marya Magdalena, Marya at Salome sa libingan, nagmamadali silang tumakbo na nanginginig at nanggigilalas at dahil sa takot ay wala silang sinabing anuman sa kaninumang tao. Salungat dito sa Lucas 24:9, nang umalis sina Marya Magdalena mula sa libingan, kanilang isinalaysay ang lahat ng mga bagay na ito sa labing-isang alagad at sa iba pa. Ito ay inaayunan rin sa Mateo 28:8 na sina Marya Magdalena at Marya ay mabilis na umalis mula sa libingan na may takot at malaking kagalakan at sila ay tumakbo upang sabihin ito sa mga alagad ni Hesus. Ayon sa Lucas 24:9, nang umalis sina Marya Magdalena at iba mula sa libingan, kanilang isinalaysay sa mga alagad ni Hesus ang balita ng pagkabuhay ni Hesus mula sa dalawang lalake. Salungat dito sa Juan 20:18, Ang sinabi ng nag-iisang si Marya Magdalena sa mga alagad ay mula sa kanyang aktuwal na pagkakakita kay Hesus. Ayon sa Mateo 28:16 ay unang nagpakita si Hesus sa labing-isang alagad sa Galilea. Sa Marcos 16:7,14 ay isinasaad ring unang nagpakita si Hesus sa labingisang alagad sa Galilea. Salungat sa Lucas 24:33,36, ay unang nagpakita si Hesus sa labingisang alagad sa Herusalem. Ayon sa Juan 20:24, si Tomas(na isa sa 12 apostol) ay hindi kasama ng labingisang alagad ng dumating si Hesus. Ayon sa 1 Corinto 15:4–5, si Hesus ay unang nagpakita kay Cephas at pagkatapos ay sa labingdalawang alagad. Gayunpaman ayon sa Mateo 27:5, si Hudas Iskariote na isa sa labingdalawang alagad ay nagpakamatay na bago pa ipako si Hesus. Ayon sa Mga Gawa*, ang kahalili ni Hudas bilang isa sa 12 alagad na si Matias ay inihalalal lamang 40 araw pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Hesus at kanyang pagakyat sa langit.

Ang ilan sa pinakamatandang mga manuskrito ng Ebanghelyo ni Marcos na Codex Sinaiticus at Codex Vaticanus ay nagwawakas sa Marcos 16:8.[105] Ang mga talata ng Marcos 16:9–20 ay itinuturing ng mga iskolar ng Bagong Tipan na hindi bahagi ng orihinal na teksto ng Marcos at isang interpolasyon o dagdag sa mga kalaunang manuskrito.

Ang iba't ibang mga argumento laban sa historisidad ng muling pagkabuhay(resureksiyon) ni Hesus ay itinanghal. Halimbawa, ang bilang ng ibang mga pigurang historikal at mga diyos na katulad sa kwento ni Hesus na may mga salaysay ng kamatayan at muling pagkabuhay.[106][c] Ayon kay Peter Kirby, "maraming mga iskolar ang nagdududa sa historisidad ng isang walang laman na libingan".[107][a] Ayon sa iskolar na si Helmut Koester, ang mga kwento ng muling pagkabuhay ni Hesus ay orihinal na mga epipanya at ang mas detalyadong mga salaysay ng muling pagkabuhay ay sekondaryo at hindi batay sa mga rekord na historikal.[108]

Salungat sa paniniwala ng karamihan ng mga Kristiyano, ang ilang mga pangkat ng relihiyon at kahit sa mga sinaunang sekta ng Kristiyanismo ay hindi umaayon sa mga salaysay sa apat na kanonikal na ebanghelyo. Ang mga Muslim ay naniniwala na si Hesus ay hindi ipinako sa krus kundi inakyat sa langit ng may katawan ng diyos. Ayon sa Quran, bagaman mukhang ipinako si Hesus, ay hindi siya pinatay sa pamamagitan ng pagpako o sa anumang ibang mga paraan at sa halip ay itinaas siya ng diyos sa kanyang sarili. Ang ilang mga sinaunang sekta ng Kristiyanismo ay naniniwalang si Hesus ay walang pisikal na substansiya at itinangging si Hesus ay ipinako sa krus.[109][110] Ayon sa Ikalawang Tratado ni Seth gayundin kay Basilides, si Simon na taga-Cirene ang napagkamalang si Hesus at ipinako kapalit niya at isinalaysay na si Hesus ay nakatayo at "tumatawa sa kanilang kamangmangan". Isinasaad sa tekstong ito na ang naniniwala na si Hesus ay namatay sa krus ay naniniwala sa "isang doktrina ng isang patay na tao". Ang hipotesis na swoon ay tumutukoy sa bilang mga teoriya na nagmungkahing si Hesus ay hindi namatay sa krus ngunit nawalan lamang ng malay at kalaunan ay muling binuhay sa libingan sa parehong mortal na katawan nito. May pag-aangkin na si Hesus ay namatay sa Shingo, Aomori. Ayon dito, sa halip na si Hesus ang ipinako sa krus ay ang kanyang kapatid ang ipinako at si Hesus ay tumakas sa Hapon at naging magsasaka ng kanin, nagpakasal, nagkaroon ng pamilya at mga anak at namatay sa edad na 106.

Pag-akyat sa langit

baguhin

Ayon sa Lucas 24:50-51, si Hesus ay umakyat sa langit kaagad nang siya ay muling nabuhay sa Bethany ngunit ayon sa Aklat ng mga Gawa 1:3, tumagal pa ng 40 araw bago umakyat si Hesus sa langit sa Bundok ng mga Olibo.

Pagbabalik ni Hesus

baguhin

Ayon sa Ebanghelyo ni Marcos Kapitulo 13, Ebanghelyo ni Mateo Kapitulo 24, Ebanghelyo ni Lucas 21:20-32, ang pagkawasak ng Herusalem at Ikalawang Templo sa Herusalem ng mga Romano noong 70 CE noong Unang Digmaang Hudyo-Romano ang tanda ng pagbabalik ni Hesus at pagwawakas ng mundo. Ito ay isang vaticinium ex eventu na inilagay sa bibig ni Hesus ng mga may-akda ng mga ebanghelyong ito upang pangatwiranang ito ay kaparusahan ng diyos sa pagtakwil ng mga Hudyo kay Hesus bilang mesiyas.

Mga katuruan at kautusan ni Hesus

baguhin

Ang mga katuruan at kautusan ni Hesus ayon sa apat na kanonikal na ebanghelyo:

Tungkol sa kayamanan at mga mayaman

baguhin
  • Mateo 6:19-21, "Huwag kayong mag-ipon para sa inyong sarili ng kayamanan dito sa lupa na kung saan maraming tanga at kalawang ang naninira. Nanakawin din ang mga ito ng mga magnanakaw. Sa halip, mag-ipon kayo ng kayamanan sa langit dahil doon ay walang tanga at kalawang na sisira, at wala ring mga magnanakaw. Ito ay sapagkat kung saan naroroon ang inyong kayamanan ay naroroon din naman ang inyong puso."
  • Mateo 6:24, "Walang taong makapaglilingkod sa dalawang panginoon sapagkat maaaring kapootan niya ang isa at ibigin ang ikalawa. Maaaring maging tapat siya sa isa at pawalang-halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at sa kayamanan."
  • Mateo 19:21, "Sinabi ni Jesus sa kaniya: Kung ibig mong maging ganap, humayo ka, ipagbili mo ang iyong tinatangkilik, at ibigay mo sa mga dukha at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, halika at sumunod sa akin."
  • Mateo 19:23-24, "Kaya sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Napakahirap sa isang mayaman ang pumasok sa paghahari ng langit. Muli kong sinasabi sa inyo: Madali pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng karayom kaysa sa isang mayaman ang pumasok sa paghahari ng Diyos."
  • Marcos 10:21, "Tiningnan siya ni Jesus at inibig siya. Sinabi niya sa kaniya: Isang bagay ang kulang sa iyo. Humayo ka at ipagbili mo ang lahat mong tinatangkilik. Ibigay mo ang salapi sa mga dukha at magkakaroon ka ng nakaimbak na kayamanan sa langit. Pagkatapos pumarito ka, pasanin mo ang krus at sumunod ka sa akin."
  • Lucas 6:22, "Sa aba ninyo na mayayaman sapagkat tinatanggap ninyo ang inyong kaaliwan."
  • Lucas 15:24, "Sinabi niya sa kanila: Tingnan at ingatan ninyo ang inyong mga sarili mula sa kasakiman sapagkat ang buhay ng tao ay hindi nakapaloob sa kasaganaan ng mga bagay na kaniyang tinatangkilik."
  • Lucas 14:33, " Gayundin nga, ang bawat isang hindi nag-iiwan ng lahat ng tinatangkilik niya ay hindi siya maaaring maging alagad ko."
  • Lucas 14:8-14, "Pagka inaanyayahan ka ninomang tao sa kasalan, huwag kang uupo sa pangulong luklukan; baka mayroon siyang anyayahang lalong marangal na tao kay sa iyo, At lumapit yaong naganyaya sa iyo at sa kaniya, at sabihin sa iyo, Bigyan mong puwang ang taong ito; at kung magkagayo'y magpapasimula kang mapahiya na mapalagay ka sa dakong kababababaan. Kundi pagka inaanyayahan ka, ay pumaroon ka at umupo ka sa dakong kababababaan; upang kung dumating ang naganyaya sa iyo, ay sa iyo'y sabihin niya, Kaibigan pumaroon ka pa sa lalong mataas: kung magkagayo'y magkakaroon ka ng kaluwalhatian sa harap ng lahat na mga kasalo mong nangakaupo sa dulang. Sapagka't ang bawa't nagmamataas ay mabababa; at ang nagpapakababa ay matataas. At sinabi rin naman niya sa naganyaya sa kaniya, Pagka naghahanda ka ng isang tanghalian o ng isang hapunan, ay huwag mong tawagin ang iyong mga kaibigan, ni ang iyong mga kapatid, ni ang iyong mga kamaganak, ni ang mayayamang kapitbahay; baka ikaw naman ang kanilang muling anyayahan, at gantihan ka. Datapuwa't kung maghahanda ka, ay anyayahan mo ang mga dukha, ang mga pingkaw, ang mga pilay, ang mga bulag, At magiging mapalad ka; sapagka't wala silang sukat ikaganti sa iyo: sapagka't gagantihin sa iyo sa pagkabuhay na maguli ng mga ganap."
  • Lucas 16:19-26, "Mayroon ngang isang taong mayaman, at siya'y nagdaramit ng kulay ube at maselang lino, at sa araw-araw ay kumakain ng sagana: At isang pulubi na ang pangala'y Lazaro, lipos ng mga sugat, ay inilalagay sa kaniyang pintuan, At naghahangad na mapakain ng mga mumo na nangahuhulog mula sa dulang ng mayaman; oo, at lumapit pati ang mga aso at hinihimuran ang kaniyang mga sugat. At nangyari, na namatay ang pulubi at siya'y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham: at namatay naman ang mayaman, at inilibing. At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan. At siya'y sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka't naghihirap ako sa alab na ito. Datapuwa't sinabi ni Abraham, Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay: datapuwa't ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan. At bukod sa lahat ng ito, ay may isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga magibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maari, at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin. "
  • Lucas 6:20-21, "At itiningin niya ang kaniyang mga mata sa kaniyang mga alagad, at sinabi, Mapapalad kayong mga dukha: sapagka't inyo ang kaharian ng Dios. Mapapalad kayong nangagugutom ngayon: sapagka't kayo'y bubusugin. Mapapalad kayong nagsisitangis ngayon: sapagka't kayo'y magsisitawa. "

Tungkol sa kautusan ni Moises

baguhin

Pagpapatibay

baguhin
  • Mateo 5:17-19, "Huwag ninyong isiping naparito ako upang sirain ang Kautusan o ang mga Propeta. Naparito ako hindi upang sirain kundi upang tuparin ang mga ito. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Lilipas ang langit at ang lupa ngunit kahit isang tuldok o isang kudlit sa Kautusan ay hindi lilipas sa anumang paraan hanggang matupad ang lahat. Kaya ang sinumang lumabag sa isa sa mga utos na ito, kahit na ang kaliit-liitan, at ituro sa mga tao ang gayon, ay tatawaging pinakamababa sa paghahari ng langit. Ngunit ang sinumang gumaganap at nagtuturong ganapin ito ay tatawaging dakila sa paghahari ng langit."
  • Lucas 10:25-28, "Narito, isang dalubhasa sa kautusan ang tumayo na sinusubok siya at sinasabi: Guro, anong gagawin ko upang magmana ng walang hanggang buhay? Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ano ba ang nakasulat sa kautusan? Ano ang pagkabasa mo rito? Sumagot siya at sinabi: Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo at ng buong kaluluwa mo at ng buong lakas mo at ng buong isip mo. Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Tama ang sagot mo. Gawin mo ito at ikaw ay mabubuhay."
  • Marcos 7:9-13, "Sinabi pa niya sa kanila: Napakahusay ninyong magpawalang-bisa sa utos ng Diyos, upang masunod ninyo ang inyong mga kaugalian. Sinabi nga ni Moises: Igalang mo ang iyong ama at ina. Sinabi rin niya: Ang magsalita ng masama sa kaniyang ama o ina ay dapat siyang mamatay. Subalit sinasabi ninyo: Kapag ang isang tao ay magsabi sa kaniyang ama at ina: Ang aking kaloob na salapi na kapaki-pakinabang sa inyo ay Corban. Ang ibig sabihin nito ay inihandog sa Diyos. Sa gayong paraan ay pinahihintulutan ninyo siya na hindi na siya gumawa ng anumang bagay para sa kaniyang ama at ina. 13 Winawalang kabuluhan nga ninyo ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng inyong kaugalian, na inyong ibinigay. Marami pang bagay na tulad nito ang ginagawa ninyo."
  • Mateo 19:17-19, "Sinabi niya sa kaniya: Bakit tinatawag mo akong mabuti? Walang mabuti kundi isa lamang at iyon ay ang Diyos. Ngunit yamang ibig mong pumasok sa buhay, sundin mo ang mga utos. Sinabi niya sa kaniya: Alin sa mga kautusan? Sinabi ni Jesus: Huwag kang papatay. Huwag kang mangalunya. Huwag kang magnakaw at huwag kang sasaksi sa hindi totoo. Igalang mo ang iyong ama at ina. Ibigin mo ang iyong kapwa katulad ng iyong sarili.
  • Mateo 15:4, "Ito ay sapagkat iniutos ng Diyos na sinasabi: Igalang mo ang iyong ama at ina. Ang sinumang manungayaw sa kaniyang ama o sa kaniyang ina ay dapat mamatay."

Pagsalungat

baguhin
  • Marcos 7:15,18-19 "Ang nagpaparumi sa tao ay hindi ang pumapasok sa kaniya mula sa labas kundi ang lumalabas sa kaniya.Sinabi niya sa kanila: Kayo ba ay wala ring pang-unawa? Hindi ba ninyo nauunawaan na anumang bagay na pumasok sa tao mula sa labas ay hindi nagpaparumi sa kaniya? Ito ay sapagkat hindi ito pumapasok sa kaniyang puso kundi sa tiyan at ito ay idinudumi sa palikuran. Sinabi ito ni Jesus upang ipahayag na ang lahat ng pagkain ay malinis."
  • Mateo 5:31-32, "Sinabi rin naman: Ang sinumang lalaking magpalayas sa kaniyang asawa ay bigyan niya siya ng kasulatan ng paghihiwalay. Ngunit sinasabi ko sa inyo: Ang sinumang lalaking magpalayas sa kaniyang asawa, maliban na lamang sa dahilan ng pakikiapid, ay nagtutulak sa kaniya upang mangalunya. At sinumang magpakasal sa babaeng hiniwalayan ay nagkakasala ng kasalanang sekswal."
  • Mateo 5:38-42, "Narinig ninyong sinabi: Mata sa mata at ngipin sa ngipin. Ngunit sinasabi ko sa inyo: Huwag ninyong kalabanin ang masamang tao. Ngunit ang sinumang sumampal sa iyo sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kaniya ang kabila. Kung may ibig magsakdal sa iyo at kunin ang iyong damit, payagan mo na rin siyang kunin ang iyong balabal. Sinumang pumilit sa iyo na lumakad ng higit sa isang kilometro, lumakad ka ng higit pa sa dalawang kilometro na kasama niya. Bigyan mo ang humihingi sa iyo at huwag mong talikdan ang ibig humiram sa iyo."
  • Mateo 12:1-8, "Nang panahong iyon, sa araw ng Sabat, naglakad si Jesus sa triguhan. Kasama niya ang kaniyang mga alagad, at sila ay nagutom. Nagsimula silang pumigtal ng uhay ng trigo at kinain nila. Ngunit nang makita ito ng mga Fariseo, sinabi nila sa kaniya: Narito, ang iyong mga alagad ay gumagawa ng gawaing labag sa kautusan sa araw ng Sabat. Ngunit sinabi niya sa kanila: Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David noong siya at ang kaniyang mga kasama ay nagutom? Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain ang mga tinapay na inihandog. Subalit labag sa kautusan na siya at ang mga kasama niya na kumain nito, dahil ito ay para sa mga saserdote lamang. O, hindi ba ninyo nabasa sa Kautusan, kung paanong sa mga araw ng Sabat, na ang mga saserdote sa templo ay lumabag sa araw ng Sabat, at hindi sila nagkasala? Ngunit sinasabi ko sa inyo na naririto ang isang lalo pang dakila kaysa sa templo. Ngunit kung alam lamang ninyo kung ano ang kahulugan nito: Habag ang ibig ko at hindi hain, hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan. Ito ay sapagkat ang Anak ng Tao ay Panginoon ng araw ng Sabat."

Tungkol sa kaaway at masasama

baguhin
  • Mateo 5:43-44, "Narinig ninyong sinabi: Ibigin mo ang iyong kapwa at kapootan mo ang iyong kaaway. Ngunit sinasabi ko sa inyo: Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway. Pagpalain ninyo ang mga napopoot sa inyo. Gawan ninyo ng mabuti ang mga nagagalit sa inyo. Ipanalangin ninyo ang mga umaalipusta sa inyo at ang mga umuusig sa inyo."
  • Mateo 5:38-42, "Narinig ninyong sinabi: Mata sa mata at ngipin sa ngipin. Ngunit sinasabi ko sa inyo: Huwag ninyong kalabanin ang masamang tao. Ngunit ang sinumang sumampal sa iyo sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kaniya ang kabila. Kung may ibig magsakdal sa iyo at kunin ang iyong damit, payagan mo na rin siyang kunin ang iyong balabal. Sinumang pumilit sa iyo na lumakad ng higit sa isang kilometro, lumakad ka ng higit pa sa dalawang kilometro na kasama niya. Bigyan mo ang humihingi sa iyo at huwag mong talikdan ang ibig humiram sa iyo."
  • Mateo 18:21-22, "Nang magkagayo'y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya'y aking patatawarin? hanggang sa makapito? Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito."
  • Mateo 5:22, "Makipagkasundo ka agad sa iyong kaalit, samantalang ikaw ay kasama niya sa daan; baka ibigay ka ng kaalit mo sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal, at ipasok ka sa bilangguan."
  • Mateo 18:15-17, At kung magkasala laban sa iyo ang kapatid mo, pumaroon ka, at ipakilala mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na ikaw at siyang magisa: kung ikaw ay pakinggan niya, ay nagwagi ka sa iyong kapatid. Datapuwa't kung hindi ka niya pakinggan, ay magsama ka pa ng isa o dalawa, upang sa bibig ng dalawang saksi o tatlo ay mapagtibay ang bawa't salita. At kung ayaw niyang pakinggan sila, ay sabihin mo sa iglesia: at kung ayaw rin niyang pakinggan ang iglesia, ay ipalagay mo siyang tulad sa Gentil at maniningil ng buwis.
  • Mateo 6:14-15, "Sapagka't kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan. Datapuwa't kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan."
  • Marcos 11:25-26, "At kailan man kayo'y nangakatayong nagsisipanalangin, mangagpatawad kayo, kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan. Datapuwa't kung hindi kayo magpapatawad, hindi rin kayo patatawarin sa inyong mga kasalanan ng inyong Ama na nasa mga langit."
  • Juan 2:13-15, "Malapit na ang Araw ng Paglagpas ng mga Judio at umahon si Jesus patungong Jerusalem. Nakita niya sa templo ang mga nagtitinda ng mga baka, ng mga tupa at ng mga kalapati, at ang mga mamamalit-salapi na nakaupo. Pagkagawa niya ng panghagupit na lubid ay tinaboy niya silang lahat papalabas sa templo pati na ang mga tupa at ang mga toro. Ibinubo niya ang salapi ng mga mamamalit-salapi at itinumba ang kanilang mga mesa."
  • Mateo 23:33, "Mga ahas, mga anak ng ulupong! Papaano kayo makakaligtas mula sa hatol ng Gehenna? "
  • Mateo 10:35-36,"Sapagka't ako'y naparito upang papagalitin ang lalake laban sa kaniyang ama, at ang anak na babae laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyanang babae: At ang magiging kaaway ng tao ay ang kaniya ring sariling kasangbahay."

Pagkapoot

baguhin
  • Mateo 5:22, "Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, ulol ka, ay mapapasa panganib sa Gehenna."
  • Mateo 23:17, "Kayong mga ulol at mga bulag: sapagka't alin baga ang lalong dakila, ang ginto, o ang templong bumabanal sa ginto?
  • Lucas 14:26,"Kung ang sinomang tao'y pumaparito sa akin, at hindi napopoot sa kaniyang sariling ama, at ina, at asawang babae, at mga anak, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, oo, at pati sa kaniyang sariling buhay man, ay hindi siya maaaring maging alagad ko."

Panunumpa

baguhin
  • Mateo 5:34-37, "Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Huwag ninyong ipanumpa ang anoman; kahit ang langit, sapagka't siyang luklukan ng Dios; Kahit ang lupa, sapagka't siyang tungtungan ng kaniyang mga paa; kahit ang Jerusalem, sapagka't siyang bayan ng dakilang Hari. Kahit man ang ulo mo ay huwag mong ipanumpa, sapagka't hindi ka makagagawa ng isang buhok na maputi o maitim. Datapuwa't ang magiging pananalita ninyo'y, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka't ang humigit pa rito ay buhat sa masama. "

Tungkol sa panalangin

baguhin
  • Mateo 6:6-7, " Ngunit kung ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid. Kapag naisara mo na ang pinto, manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim. Ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ang magbibigay sa iyo ng gantimpala nang hayagan. Ngunit kapag ikaw ay mananalangin, huwag mong gamitin ang mga walang kabuluhang paulit-ulit na mga panalangin gaya ng ginagawa ng mga Gentil. Ito ay sapagkat nananalangin sila nang paulit-ulit dahil sa kanilang palagay ay diringgin sila sa dami ng kanilang salita."

Tungkol sa pagtulong

baguhin
  • Mateo 6:1-4, "Mag-ingat kayo na huwag gawing pakitang-tao lamang ang inyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. Kung magkagayon ay hindi kayo tatanggap ng gantimpala sa inyong Ama sa langit. Kaya nga, kapag ikaw ay namamahagi sa mga kahabag-habag, huwag mong hipan ang trumpeta na nasa harap mo, gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan. Ginagawa nila ito upang sila ay luwalhatiin ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Kung mamahagi ka sa mga kahabag-habag, huwag mo nang ipaalam sa iyong kaliwang kamay kung ano ang ginagawa ng iyong kanang kamay. 4 Sa gayon, maililihim ang iyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. Ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ay magbibigay ng gantimpala sa iyo nang hayagan."

Tungkol sa pag-aayuno

baguhin
  • Mateo 6:16-18, Kapag kayo ay mag-aayuno, huwag ninyong tularan ang mga mapagpaimbabaw na pinapalungkot ang kanilang mukha. Ito ay sapagkat pinasasama nila ang anyo ng kanilang mga mukha upang makita ng mga tao na sila ay nag-aayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung mag-aayuno ka, langisan mo ang iyong ulo at maghilamos ka ng iyong mukha. Sa ganoon, hindi makikita ng mga tao na nag-aayuno ka kundi ng iyong Ama na nasa lihim. Ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ang magbibigay sa iyo ng gantimpala nang hayagan.

Tungkol sa pagpapatawad

baguhin
  • Mateo 6:14-15, "Ito ay sapagkat kung patawarin ninyo ang mga tao sa kanilang pagsalangsang, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo patawarin ang mga tao sa kanilang mga pagsalangsang, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama sa inyong pagsalangsang."
  • Mateo 18:21-22, "Lumapit si Pedro sa kaniya at sinabi: Panginoon, makailang ulit bang magkasala sa akin ang aking kapatid at siya ay aking patatawarin? Hanggang sa makapito ba? Sinabi ni Jesus sa kaniya: Sinasabi ko sa iyo na hindi lamang makapito kundi hanggang makapitumpung pitong ulit."

Tungkol sa paghuhugas ng kamay

baguhin
  • Marcos 7:1-16:,"Sama-samang nagkatipun-tipon sa kinarooronan ni Hesus ang mga Fariseo at ilang mga guro ng kautusan na nagmula sa Herusalem.2 Nakita nila ang ilan sa mga alagad ni Jesus na kumakain ng tinapay na may madungis na mga kamay. Pinulaan nila ang mga alagad. 3 Ito ay sapagkat ang mga Fariseo at lahat ng mga Judio ay hindi kumakain malibang makakapaghugas sila sa natatanging paraan ng kanilang mga kamay. Pinanghahawakan nila ang kaugalian ng mga matanda. 4 Kapag galing sa pamilihang dako, hindi rin sila kumakain nang hindi muna sila naghuhugas[a] ng kanilang sarili. Marami pang ibang mga bagay ang kanilang pinanghahawakan na kanilang tinanggap at sinusunod. Ito ay tulad ng paglubog ng saro, ng banga, ng mga kagamitang tanso at ng mga higaan.5 Kayat tinanong siya ng mga Pariseo at ng mga guro ng kautusan. Bakit hindi lumalakad ang mga alagad mo ayon sa mga kaugalian ng mga matanda? Subalit kumakain sila ng tinapay, na hindi naghuhugas sa natatanging paraan ng kanilang mga kamay.6 Sumagot si Hesus at sinabi sa kanila: Tama ang pagkahayag ni Isaias patungkol sa inyo, mga mapagpaimbabaw. Ito ay gaya ng nasusulat:Iginagalang ako ng mga taong ito sa pamama­gitan ng kanilang mga labi, ngunit ang kanilang mga puso ay malayo sa akin.7 Sinasamba nila ako nang walang kabuluhan, na nagtuturo ng mga turong utos ng tao.8 Ito ay sapagkat iniwanan ninyo ang utos ng Diyos at inyong pinanghawakan ang mga kaugalian ng mga tao tulad ng paglubog sa natatanging paraan ng mga banga at mga saro. Marami pang ganitong mga bagay ang inyong ginagawa.9 Sinabi pa niya sa kanila: Napakahusay ninyong magpawalang-bisa sa utos ng Diyos, upang masunod ninyo ang inyong mga kaugalian. 10 Sinabi nga ni Moises: Igalang mo ang iyong ama at ina. Sinabi rin niya: Ang magsalita ng masama sa kaniyang ama o ina ay dapat siyang mamatay. 11 Subalit sinasabi ninyo: Kapag ang isang tao ay magsabi sa kaniyang ama at ina: Ang aking kaloob na salapi na kapaki-pakinabang sa inyo ay Corban. Ang ibig sabihin nito ay inihandog sa Diyos. 12 Sa gayong paraan ay pinahihintulutan ninyo siya na hindi na siya gumawa ng anumang bagay para sa kaniyang ama at ina. 13 Winawalang kabuluhan nga ninyo ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng inyong kaugalian, na inyong ibinigay. Marami pang bagay na tulad nito ang ginagawa ninyo.14 Muling pinalapit ni Jesus sa kaniya ang napakaraming tao at sinabi niya sa kanila: Makinig kayong lahat sa akin at inyong unawain ang aking mga salita. 15 Ang nagpaparumi sa tao ay hindi ang pumapasok sa kaniya mula sa labas kundi ang lumalabas sa kaniya. 16 Ang sinumang may tainga na nakakarinig ay makinig."

Tungkol sa pagkabalisa

baguhin
  • Mateo 6:25-34, "Dahil dito, sinasabi ko sa inyo: Huwag kayong mabalisa sa inyong buhay kung ano ang inyong kakainin, o iinumin, o kung ano ang inyong daramtin. Hindi ba ang buhay ay higit pa sa pagkain at ang katawan ay higit pa sa damit? Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila naghahasik, ni gumagapas, ni nag-iipon sa mga bangan, ngunit pinakakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba lalo kayong higit na mahalaga kaysa sa kanila? Sino sa inyo na sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa kaniyang tangkad? Bakit kayo nababalisa patungkol sa damit? Masdan ninyo ang mga liryo sa parang kung paano sila lumalaki. Hindi sila gumagawa, ni humahabi man. Ngunit sinasabi ko sa inyo: Kahit si Solomon, sa lahat ng kaniyang kaluwalhatian, ay hindi nakapaggayak katulad ng isa sa mga ito. Dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang, na ngayon ay buhay at bukas ay susunugin. Kung dinaramtan niya ang damo sa ganoong paraan, hindi ba niya kayo daramtan, kayong maliliit ang pananampalataya? Kaya nga, huwag kayong mabalisa at inyong sasabihin: Ano ang aming kakainin, ano ang aming iinumin at ano ang aming daramtin? Ang mga bagay na ito ay mahigpit na hinahangad ng mga Gentil. Alam ng inyong Ama na nasa langit na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito. Ngunit hanapin muna ninyo ang paghahari ng Diyos at ang kaniyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo. 34 Huwag nga kayong mabalisa patungkol sa kinabukasan sapagkat ang kinabukasan ang mababalisa sa kaniyang sarili. Sapat na sa bawat araw ang kasamaan nito."

Tungkol sa paghatol

baguhin
  • Mateo 7:1-5, "Huwag kayong hahatol upang hindi kayo hatulan. Ito ay sapagkat sa hatol na inyong ihahatol ay hahatulan kayo. Sa sukat na inyong ipinanukat ay isusukat sa inyo. Bakit mo tinitingnan ang puwing sa mata ng iyong kapatid? Ngunit hindi mo tinitingnan ang troso na nasa iyong mata. Narito, papaano mo sabihin sa iyong kapatid: Payagan mong alisin ko ang puwing sa iyong mata. At narito, isang troso ang nasa mata mo.Ikaw na mapagpaimbabaw. Alisin mo muna ang troso sa iyong mata. Kung magkagayon, makikita mong malinaw ang pag-aalis ng puwing sa mata ng iyong kapatid."

Pagdadala ng tungkod ng mga alagad

baguhin
  • Lucas 9:3,"At sinabi niya sa kanila, Huwag kayong mangagdala ng anoman sa inyong paglalakad, kahit tungkod, kahit supot ng ulam, kahit tinapay, kahit salapi; at kahit magkaroon ng dalawang tunika."
  • Marcos 6:8," At ipinagbilin niya sa kanila na huwag silang magsipagbaon ng anoman sa paglakad, kundi tungkod lamang; kahit tinapay, kahit supot ng ulam, kahit salapi sa kanilang supot;"

Ginintuang Patakaran

baguhin
  • Mateo 7:12, "Kaya nga, ang lahat ng bagay na ibig ninyong gawin ng mga tao sa inyo ay gayundin ang gawin ninyo sa kanila sapagkat ito ang kabuuan ng Kautusan at ng mga Propeta."

Tungkol sa Pagsunod

baguhin
  • Mateo 7:21, "Hindi ang bawat isa na nagsasabi sa akin: Panginoon, Panginoon, ay makakapasok sa paghahari ng langit, kundi ang gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa langit."
  • Mateo 8:21-22, "At isa sa kaniyang mga alagad ang nagsabi: Panginoon, pahintulutan mo muna akong makauwi upang ilibing ang aking ama. Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya: Sumunod ka sa akin. Bayaan mong ilibing ng patay ang kanilang patay."
  • Lucas 10:27, "Ang sinumang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko."

Tungkol sa diborsiyo

baguhin
  • Mateo 5:31-32, "Sinabi rin naman, Ang sinomang lalake na ihiwalay na ang kaniyang asawa, ay bigyan niya siya ng kasulatan ng paghihiwalay: Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil, ay siya ang sa kaniya'y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya. "
  • Mateo 19:3-9, At nagsilapit sa kaniya ang mga Fariseo, na siya'y tinutukso nila, at kanilang sinasabi, Naaayon baga sa kautusan na ihiwalay ng isang lalake ang kaniyang asawa sa bawa't kadahilanan? At siya'y sumagot at sinabi, Hindi baga ninyo nabasa, na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula, ay sila'y nilalang niya na lalake at babae, At sinabi, Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman? Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao. Sinabi nila sa kaniya, Bakit nga ipinagutos ni Moises na magbigay ng kasulatan sa paghihiwalay, at ihiwalay ang babae? Sinabi niya sa kanila, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay ipinaubaya sa inyo ni Moises na inyong hiwalayan ang inyong mga asawa: datapuwa't buhat sa pasimula ay hindi gayon. At sinasabi ko sa inyo, Sinomang ihiwalay ang kaniyang asawang babae, liban na kung sa pakikiapid, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang magasawa sa babaing yaon na hiniwalayan ay nagkakasala ng pangangalunya."

Hindi pwede

baguhin
  • Marcos 10:2-11, "At nagsilapit sa kaniya ang mga Fariseo, at siya'y tinanong, Matuwid baga sa lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa? na siya'y tinutukso. At sumagot siya at sa kanila'y sinabi, Ano ang iniutos sa inyo ni Moises? At sinabi nila, Ipinahintulot ni Moises na ilagda ang kasulatan sa paghihiwalay, at ihiwalay siya. Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay inilagda niya ang utos na ito. Nguni't buhat nang pasimula ng paglalang, Lalake at babaing ginawa niya sila. Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; At ang dalawa ay magiging isang laman; kaya hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao. At sa bahay ay muling tinanong siya ng mga alagad tungkol sa bagay na ito. At sinabi niya sa kanila, Ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya laban sa unang asawa:
  • Lucas 16:18, "Ang bawa't lalaki na inihihiwalay ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang magasawa sa babaing inihiwalay ng kaniyang asawa ay nagkakasala ng pangangalunya. "

Tungkol sa pamilya

baguhin
  • Mateo 10:34-37, "Huwag ninyong isiping naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa. Hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan kundi ng tabak. 35 Naparito ako upang paghimagsikin ang isang tao laban sa kaniyang ama. Papaghimagsikin ko ang anak na babae laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyenang babae. 36 Ang kaaway ng isang tao ay ang kaniyang sariling kasambahay.Ang umiibig sa kaniyang ama o ina ng higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang sinumamg umiibig sa kaniyang anak na lalaki, o anak na babae nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang sinumang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.
  • Lucas 10:26, "Ang sinumang pumarito sa akin na hindi napopoot sa kaniyang ama at ina, asawang babae at mga anak, mga kapatid na lalaki at babae, maging sa sarili niyang buhay ay hindi maaaring maging alagad ko."
  • Mateo 19:17-19, "Sinabi niya sa kaniya: Bakit tinatawag mo akong mabuti? Walang mabuti kundi isa lamang at iyon ay ang Diyos. Ngunit yamang ibig mong pumasok sa buhay, sundin mo ang mga utos. Sinabi niya sa kaniya: Alin sa mga kautusan? Sinabi ni Jesus: Huwag kang papatay. Huwag kang mangalunya. Huwag kang magnakaw at huwag kang sasaksi sa hindi totoo. Igalang mo ang iyong ama at ina. Ibigin mo ang iyong kapwa katulad ng iyong sarili.
  • Mateo 15:4, "Ito ay sapagkat iniutos ng Diyos na sinasabi: Igalang mo ang iyong ama at ina. Ang sinumang manungayaw sa kaniyang ama o sa kaniyang ina ay dapat mamatay."
  • Mateo 12:46-50, "Samantalang nagsasalita pa siya sa mga tao, narito, ang kaniyang ina at kaniyang mga nakakabatang kapatid na lalaki ay nakatayo sa labas. Ibig nila siyang makausap. At may nagsabi sa kaniya: Narito ang iyong ina at iyong mga nakakabatang kapatid na lalaki, na nakatayo sa labas. Ibig ka nilang makausap. Ngunit si Jesus ay sumagot sa kaniya: Sino ang aking ina at sino ang aking mga kapatid na lalaki? Iniunat niya ang kaniyang kamay at itinuro ang kaniyang mga alagad na sinabi: Narito ang aking ina at mga kapatid na lalaki. 50 Ito ay sapagkat ang sinumang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit ay siyang aking kapatid na lalaki at kapatid na babae at ina."

Tungkol sa espada

baguhin
  • Mateo 26:51-52, "At narito, isa sa mga kasama ni Jesus ay bumunot ng kaniyang tabak(espada). Inundayan niya ng taga ang alipin ng pinakapunong-saserdote at natanggal ang tainga nito. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ibalik mo ang iyong tabak sa lalagyan nito: Ito ay sapagkat ang sinumang gumagamit ng tabak ay sa tabak din mamamatay."
  • Lucas 22:36, "Sinabi nga niya sa kanila: Ngayon, siya na may kalupi ay hayaang magdala niyon. Ang may bayong ay gayundin. Siya na walang tabak ay ipagbili niya ang kaniyang damit at bumili ng tabak."
  • Mateo 10:34, "Huwag ninyong isiping naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa. Hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan kundi ng tabak."

Tungkol sa pagbabayad ng buwis

baguhin
  • Mateo 22:15-21, "Umalis ang mga Fariseo at nagplano sila kung paano mahuhuli si Jesus sa kaniyang pananalita. Sinugo nila kay Jesus ang kanilang mga alagad kasama ang mga tauhan ni Herodes. Sinabi nila: Guro, alam naming ikaw ay totoo at itinuturo mo ang daan ng Diyos ayon sa katotohanan. Hindi ka nagtatangi sa kaninuman sapagkat hindi ka tumitingin sa panlabas na anyo ng tao. Sabihin mo nga sa amin: Ano ang iyong palagay? Naaayon ba sa kautusan na magbigay kay Cesar ng buwis-pandayuhan o hindi? Ngunit alam ni Jesus ang kanilang kasamaan. Kaniyang sinabi: Bakit ninyo ako sinusubukan, kayong mga mapagpakunwari? 19 Ipakita ninyo sa akin ang perang ginagamit na buwis-pandayuhan. Dinala nila sa kaniya ang isang denaryo. 20 Sinabi niya sa kanila: Kaninong anyo ang narito at patungkol kanino ang nakasulat dito? Sinabi nila sa kaniya: Kay Cesar. Sinabi niya sa kanila: Ibigay nga ninyo kay Cesar ang mga bagay na nauukol kay Cesar. Ibigay ninyo sa Diyos ang mga bagay na nauukol sa Diyos."
  • Marcos 12:13-17, "Isinugo nila kay Jesus ang ilan sa mga Fariseo at ilan sa mga Herodiano upang hulihin siya sa kaniyang salita. 14 Lumapit sila kay Jesus at sinabi: Guro, alam naming ang sinasabi mo ay totoo. Alam din namin na hindi ka nagtatangi ng sinuman sapagkat hindi ka tumitingin sa panlabas na anyo ng mga tao. Sa halip ay itinuturo mo ang daan ng Diyos ayon sa katotohanan. Naaayon ba sa kautusan na magbigay kami kay Cesar ng buwis-pandayuhan o hindi? Dapat ba tayong magbigay nito o hindi? Ngunit alam ni Jesus ang kanilang pagpapaimbabaw. Sinabi niya sa kanila: Bakit ninyo ako sinusubok? Dalhan ninyo ako ng isang denaryo upang makita ko. At dinalhan nila siya nito. Sinabi niya sa kanila: Kaninong anyo ang narito at patungkol kanino ang nakasulat dito? Sinabi nila: Kay Cesar. Sinabi sa kanila ni Jesus: Ibigay nga ninyo kay Cesar ang mga bagay na nauukol kay Cesar. Ibigay ninyo sa Diyos ang mga bagay na nauukol sa Diyos."

Tungkol sa kapangyarihan

baguhin
  • Mateo 10:42-44, "Tinawag sila ni Jesus at sinabi: Nalalaman ninyo na ang mga kinikilalang namumuno sa mga Gentil ay namumuno na may pagkapanginoon sa kanila. Ang mga dakila sa kanila ay gumagamit ng kapamahalaan sa kanila. 4Huwag maging gayon sa inyo. Ang sinuman sa inyo ang magnanais na maging dakila ay magiging tagapaglingkod ninyo. Ang sinuman sa inyo ang magnanais na maging una ay magiging alipin ng lahat."
  • Mateo 23:8-12, "Huwag kayong patawag sa mga tao na guro sapagkat iisa ang inyong pinuno, si Cristo, at kayong lahat ay magkakapatid. Huwag ninyong tawaging ama ang sinuman dito sa lupa sapagkat iisa ang inyong Ama na nasa langit. Huwag kayong patawag na mga pinuno sapagkat iisa ang inyong pinuno, si Cristo. Ngunit ang higit na dakila sa inyo ay magiging tagapaglingkod ninyo. Ang sinumang magtataas ng kaniyang sarili ay ibababa at ang sinumang magpapakumbaba sa kaniyang sarili ay itataas."

Pagkakasala

baguhin
  • Mateo 5:28-30, "Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso. At kung ang kanan mong mata ay nakapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mabulid sa Gehenna. At kung ang kanan mong kamay ay nakapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mapasa Gehenna. "
  • Mark 9:43-48, "At kung ang kamay mo ay makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw, kay sa may dalawang kamay kang mapasa impierno, sa apoy na hindi mapapatay. Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy. At kung ang paa mo'y makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok kang pilay sa buhay kay sa may dalawang paa kang mabulid sa Gehenna. Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy. At kung ang mata mo'y makapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa kaharian ng Dios na may isang mata, kay sa may dalawang mata kang mabulid sa Gehenna; Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy. "

Iba pa

baguhin
  • Juan 13:34, "Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo, kayo ay mag-ibigan sa isa't isa. Kung papaanong inibig ko kayo ay gayundin naman kayong mag-ibigan sa isa't isa."
  • Mateo 10:23, "Datapuwa't pagka kayo'y pinagusig nila sa isang bayang ito, ay magsitakas kayo tungo sa kasunod na bayan: sapagka't sa katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi ninyo matatapos libutin ang mga bayan ng Israel, hanggang sa pumarito ang Anak ng tao.

Tungkol sa kanyang sarili

baguhin
  • Mateo 15:24, "Sinabi niya: Sinugo lamang ako para sa mga naliligaw na tupa sa sambahayan ng Israel."
  • Lucas 18:18-19, "Isang pinuno ang nagtanong sa kaniya na sinasabi: Mabuting guro, ano ang dapat kong gawin upang magmana ako ng buhay na walang hanggan? Sinabi ni Jesus sa kaniya: Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang sinumang mabuti maliban sa isa, ang Diyos."

Historisidad ni Hesus

baguhin

Ayon sa iskolar na si L. Michael White, si Hesus ay hindi sumulat ng anumang mga kasulatan o ang sinumang may personal na kaalaman sa kanya. Walang ebidensiyang arkeolohikal na nagpapatunay ng kanyang pag-iral. Walang mga salaysay na kakontemporaryo o nabuhay noong panahon ni Hesus at walang mga salaysay ng saksi (eyewitnesses) o anumang direktang rekord ang umiiral tungkol kay Hesus. Ang lahat ng mga salaysay tungkol sa buhay ni Hesus ay nagmula sa mga sanggunian gaya ng nasa Bagong Tipan na tinatanggap ng mga skolar ng Bagong Tipan na isinulat pagkatapos ng mga dekada o siglo pagkatapos ng sinasabing panahon ni Hesus. Ang pinaniniwalaang pinakamaagang mga sanggunian tungkol kay Hesus ang mga sulat ni Pablo na isinulat mga 20-30 taon pagkatapos ng pinaniniwalaang kamatayan ni Hesus. Ayon kay White, si Pablo ay hindi kasama ni Hesus o nag-angkin na nakita si Hesus bago ang kamatayan nito.[111]

Ang tanging tinatanggap ng mga maraming mga Kristiyano na tamang sanggunian ng buhay ni Hesus ang ang apat kanonikal na Ebanghelyo ng Bagong Tipan na Mateo, Marcos, Lucas at Juan. Ang mga ito ay hindi maituturing na mga "walang kinikilingang" mga salaysay ng buhay ni Hesus dahil ang hangarin ng mga aklat na ito ay mang-akay sa relihiyong Kristiyanismo(Juan 20:30). Ang mga ebanghelyong ito ay isinulat ng mga hindi kilalang may akda at ang mga pangalan ng mga apostol gaya ng Ebanghelyo ayon kay Mateo ay ikinabit lamang sa mga manuskrito nito noong ika-2 siglo. Sa karagdagan, maraming mga ebanghelyo at mga kasulatan noong maagang siglo ng Kristiyanismo na nag-aangkin ring mula sa mga apostol ngunit ang mga ito ay hindi nakasama sa kanon ng Katoliko na nabuo lamang noong ika-4 siglo CE.

Ang mga salaysay na may "pagmimilagro" at mga ekstradordinaryong mga salaysay gaya ng pagkabuhay ng mga patay at pag-ahon nito sa mga libingan(Mateo 27:51-53) ay itinuturing ng mga historyan at skolar na hindi kapani-paniwala. Ang mga ibang iskolar ay nagsasabing ang mga apat na kanonikal na ebanghelyo ay hindi isinulat ng mga "saksi"(eyewitness) dahil ang mga ito ay naglalaman ng mga maling heograpiya ng Palestina(o Israel) gayundin ng mga maling paglalarawan ng mga kustombre ng mga Hudyo noong unang siglo CE.[112][113][114][115] Bukod dito, sinasabi din ng mga iskolar na ang mga kanonikal na ebanghelyo na Mateo, Marcos, Lucas Juan ay naglalaman ng mga magkakasalungat na mga salaysay gaya ng salaysay ng kapanganakan ni Hesus sa itaas.[116][117] Ayon din sa mga iskolar, ang Mateo at Lucas ay kumopya lamang sa Marcos at sa isang hindi na umiiral na dokumentong tinatawag na "Dokumentong Q".

Walang umiiral na kontemporaryong(nabuhay noong panahon ni Hesus) na mga salaysay tungkol kay Hesus mula sa mga pagano o "hindi" Kristiyanong manunulat. Ang mga hindi-Krisitiyanong salaysay sa buhay ni Hesus ay isinulat pagkatapos ng ilang mga dekada pagkatapos ng sinasabing "kamatayan ni Hesus"(ca. 30-33 CE). Halimbawa, ang Hudyong historyan na si Josephus sa kanyang Antiquities of the Jews ay sumulat ng ilang linya tungkol kay Hesus. Ito ay matatagpuan sa Antiquities of the Jews ni Josephus na isinulat noong circa 93 o 94 CE. Gayunpaman, si Josephus ay hindi kakontemporaryo o nabuhay sa panahon ni Hesus at maaaaring narinig(hearsay) lamang ni Josephus ang mga salaysay at hindi niya ito "mismong" nasaksikhan. Pinaniniwalaan ng ilan na ang mga talatang ito ay interpolasyon o dagdag dahil dahil walang isang manunulat na Kristiyano bago ang ikaapat na siglo CE na nagbanggit nito. Halimbawa, ang ikatlong siglo CE na ama ng simbahang si Origen ay malawak na sumipi mula kay Josephus sa kanyang masigasig na pagtatanggol sa Kristiyanismo ngunit hindi niya sinipi ang "talata ni Josephus tungkol kay Hesus". Ang katunayan, ayon Origen ay si Josephus ay hindi naniniwalang si Hesus ang Kristo.[118] Ang isa pang karaniwang ginagamit ng mga Kristiyano na ebidensiyang pagano kay Hesus ang sinasabing pahayag ni Tacitus(c.55-117 CE) sa kanyang Mga Annal ni Tacitus tungkol sa sektang Kristiyano at Christus. Gayunpaman, ito ay pinagdududahan ng ilan. Ang eksaminasyong ultra-violet ng manuskrito ng Mga Annal ni Tacitus ay konklusibong nagpapakita na may pagbabago ng orihinal na e ng chrestianos ("ang mabuti") sa i.[119][120] Ang talatang ito ay hindi rin sumasalamin sa tono o kakayahang linggwistiko ni Tacitus. Walang ring mga apolohistang Kristiyano ang sumipi ng talatang ito ni Tacitus at tila lumitaw lamang ng salita-sa-salita sa mga kasulatan ni Sulipicius Severus noong ika-5 siglo CE.[118]

May mga iskolar na nagmungkahi na si Hesus ay hindi talaga umiral at ang mga kwento ni Hesus sa ebanghelyo ay inimbento at kinopya lamang mula sa mga kwento ng mga tagapagligtas at mga diyos na paganong namatay at nabuhay sa iba't ibang mga mitolohiya gaya ng sa Sinaunang Ehipto at Sinaunang Gresya.[121] Sa kanyang pagtatanggol sa akusasyong inimbento ng mga Kristiyano si Hesus, ikinatwiran ng Kristiyanong si Justin Martyr(100 CE – ca.165 CE) na umabot sa mga tenga ng diablo na hinulaan ng mga propeta sa Lumang Tipan ang pagdating ni Hesus, at inudyokan ang mga paganong manunulat(bago pa ang paglitaw ng Kristiyanismo) na magsulong ng mga tatawaging mga anak ni Hupiter upang ipaniwala sa mga tao na ang Kristo ay katulad ng mga anak ni Hupiter. Isinaad ni Justin Martyr na:

"Nang aming sabihing si Hesu-Kristo ay nilikha nang walang pagsasamang seksuwal, ipinako at namatay at muling nabuhay at umakyat sa langit, wala kaming isinusulong na bago o iba mula sa pinaniniwalaan niyong tungkol sa mga ginagalang niyong mga anak na lalake ni Hupiter...Tungkol sa pagtutol na ipinako ang aming Hesus, aking sinasabi na ang pagdurusa ay karaniwan sa lahat ng mga binanggit na anak ni Hupiter...Tungkol sa kanyang pagkapanganak sa isang birhen, kayo ay mayroong Perseus upang balansihin ito...At nang isulong ng diablo si Asclepius bilang tagabuhay ng patay at tagpagpagaling ng lahat ng mga karamdaman, hindi ko ba maaaring sabihin na gayundin sa bagay na ito ay kanyang ginaya ang mga hula tungkol kay Kristo?"

Maraming mga iskolar ang naniniwala sa posibilidad na ang Budismo ay nakaimpluwensiya sa simulang pag-unlad ng Kristiyanismo. Ayon sa mga iskolar, maraming pagkakatugma sa kapanganakan, buhay, mga doktrina at kamatayan nina Buddha at Hesus.[122]

Mga paniniwala tungkol kay Hesus

baguhin

Mga paniniwala sa tunay na kalikasan ni Hesus

baguhin
  • Subordinasyonismo: Ang paniniwalang si Hesus ay mas mababa sa Ama sa kalikasan. Ayon sa mga skolar, ito ang doktrinang tinatanggap ng maraming mga teologong Kristiyano bago ang pagkakabuo ng doktrinang Trinidad noong ika-4 siglo. Ang subordinasyonismong ontolohikal ay natatangi mula sa subordinasyong ekonomiko o subordinasyong relasyonal na tinatanggap ng ilang mga Trinitariano. Sa subordinasyonismo o subordinasyong ontolohikal, ang Anak at Ama ay hindi lamang hindi magkatumbas sa opisina kundi pati sa kanilang kalikasan. Sa subordinasyong ekonomiko, ang subordinasyon ng Anak ay nauukol lamang sa paraan ng subsistensiya at operasyon ngunit hindi sa kalikasan. Ang tagapagtaguyod ng doktrinang subordinasyonismo na si Origen ay nagturo na si Hesus ay isang ikalawang Diyos at may ibang substansiya sa Ama.
  • Arianismo: Ang paniniwalang si Hesus ay hindi diyos at nilikha lamang ng diyos. Ang tunay na diyos lamang ang ama at sa pamamagitan ng anak ay nilikha ang banal na espiritu na nagpapasakop sa anak kung paanong ang anak ay nagpapasakop sa ama.
  • Trinitarianismo: Ang paniniwala na nabuo noong ika-4 siglo[123] na si Hesus ang isa sa tatlong mga persona ng isang Diyos. Ang Diyos Ama, Diyos Anak(Hesus) at Diyos Espirito Santo ay mga personang natatangi sa bawat isa ngunit may iisang "substansiya, esensiya o kalikasan". Ito ay nabuo noong mga ika-4 na siglo bilang reaksiyon sa subordinasyonismo at Arianismo. Taliwas sa paniniwala ng Simbahang Katoliko Romano, ang Simbahang Silangang Ortodokso ay naniniwala sa monarkiya ng Ama na nagsasaad na ang Anak at Banal na Espirito ay hinango mula sa Ama at ang Ama ang natatanging walang pinagmulan o sanhi. Ayon sa Silangang Ortodokso, ang Ama ay walang hanggan at hindi nalikhang realidad. Si Kristo at Banal na Espirito ay walang hanggan rin at hindi nalikha sa dahilang ang kanilang pinagmulan ay hindi sa ousia ng Diyos kundi sa hypostasis ng Diyos na tinatawag na Ama. Sa Romano Katoliko, ang Banal na Espirito ay nagmula nang pantay mula sa parehong Ama at Anak.
  • Modalismo: Ang paniniwalang salungat sa Trinidad na ang Ama, Anak at Banal na Espirito ay mga iba ibang aspeto ng isang monadikong Diyos sa halip na tatlong mga natatanging persona sa isang PagkaDiyos.
  • Adopsiyonismo: Ang paniniwalang si Hesus ay naging "anak ng diyos" sa pamamagitan ng pag-aampon sa kanyang bautismo.
  • Psilantropismo: Ang paniniwalang si Hesus ay isa lamang tao at ang literal na anak ng mga taong magulang.
  • Socinianismo: Itinuro ni Photinus na si Hesus bagaman perpekto at walang kasalanan at isang mesiyas ay isa lamang perpektong Anak ng Diyos at walang pag-iral bago ang kanyang kapanganakan.
  • Gnostisismo: Si Kristo ay isang makalangit na Aeon ngunit hindi kaisa ng Ama.
  • Chalcedoniano: Ang paniniwalang si Hesus ay may dalawang kalikasan: isang tao at isang diyos pagkatapos ng kanyang pagkakatawang tao.
  • Eutychianismo: Ang paniniwalang ang kalikasang pagkatao at pagkadiyos ni Hesus ay pinagsama sa isang(mono) kalikasan. Ang kanyang pagkatao ay "natunaw gaya ng patak ng pulot sa dagat.
  • Miapisismo: Ang paniniwalang ang pagkaDiyos at pagkatao ni Kristo ay nagkakaisa sa isang kalikasan.
  • Monopisismo: Ang paniniwalang si Hesus ay may isa lamang kalikasan. Ang kanyang pagkatao ay sinisipsip ng kanyang pagka-diyos.
  • Apollinarismo: Ang paniniwalang si Hesus ay may katawang tao at may taong "buhay na prinsipyo" ngunit ang diyos na logos ay pumalit sa nous o "nag-iisip na prinsipyo", na maikukumpara ngunit hindi katulad ng tinatawag na isip sa kasalukuyang panahon.
  • Monothelitismo: Ang paniniwalang si Hesus ay may dalawang kalikasan sa isang persona ngunit siya ay may kaloobang(will) pagkadiyos ngunit walang kaloobang pangtao.
  • Docetismo: Ang paniniwalang ang pisikal na katawan ni Hesus ay isa lamang ilusyon gayundin ang kanyang krusipiksiyon. Samakatuwid, si Hesus ay para lamang may pisikal na katawan at parang pisikal na namatay ngunit sa realidad, si Hesus ay walang katawan, isang purong espiritu kaya hindi maaaring mamamatay ng pisikal.
  • Mandaeismo: Sila ay naniniwala na si Hesus ay isang "bulaang propeta" na nagliko ng mga katuruang ipinagkatiwala sa kanya ni Juan Bautista.
  • Marcionismo: Sila ay naniniwala na ang Kristo ay hindi ang mesiyas ng Hudaismo ngunit isang entidad na espiritwal na ipinadala ng Monad upang ihayag ang katotohanan tungkol sa pag-iral at kaya ay pumapayag sa sangkatauhan na makatakas sa bitag na pangmundo ng demiurge.
  • Mga Ebionita: Kanilang itinakwil ang pre-eksistensiya ni Hesus, kanyang pagkaDiyos, kanyang birheng kapanganakan, pagtitikang kamatayan at pisikal na pagkabuhay muli sa kamatayan. Sila ay naniwalang si Hesus ay isang biolohikal na anak nina Maria at Jose at pinili ng Diyos na maging propetang mesiyaniko nang siya ay pahiran ng Banal na Espirito sa kanyang bautismo. Sila ay tumatanggap lamang sa isang ebanghelyo na Ebanghelyo ng mga Ebionita bilang karagdagan sa Tanakh(Hebreong Lumang Tipan) at nagturo na ang mga Hudyo at Hentil ay dapat sumunod sa mga kautusan ni Moises.
  • Pablo ng Samosta: Kanyang itinuro na si Hesus say isa lamang tao na nilagyan ng Diyos na Logos. Dahil dito, si Hesus ay hindi isang Diyos na naging tao kundi Tao na naging Diyos.

Paniniwala ng pagiging mesiyas ni Hesus

baguhin

Sa teolohiya ng Hudaismo, ang mashiah o mesiyas ay tumutukoy sa isang hari ng Israel mula sa angkan ni David, na mamamahala sa mga pinagkaisang tribu ng Israel[124], at maglulunsad ng Panahong Mesiyaniko[125][126] ng pandaigdigang kapayapaan. Kabilang sa mga pangyayaring magaganap sa pagdating ng Hudyong mesiyas ayon sa mga skolar ng Hudaismo ang muling pagkakabuo ng sanhedrin at muling pagkakatipon ng mga Hudyo sa Israel na nagkalat sa buong mundo. Ang mga natipon ay muling magbabalik sa pagsunod sa Torah at kautusan ni Moises. Ayon din sa Hudaismo, ang mesiyas na Hudyo rin ang tanging binibigyan ng kapangyarihan na magtayong muli ng isang "pisikal"(literal) na Templo sa Herusalem na tinatawag na Ikatlong Templo. Sa muling pagtatayong ito ng Templo sa Israel, ang mga paghahandog ng mga hayop ng Hudyo kay Yahweh ay muling mapapanumbalik. Sa Hudaismo, ang mesiyas ay isa lamang ordinaryong tao na sumusunod sa Torah at hindi isang Diyos o isang Diyos na Anak ng Diyos.

Pananaw ng mga Kristiyano

baguhin

Sa apat na ebanghelyo, si Hesus ay inaangkin na ang mesiyas na ipinadala ng Diyos upang iligtas ang kanyang mga alagad sa malapit na paghuhukom na magaganap noong unang siglo CE(Mateo 19:28, Mateo 10:23). Ang salitang hebreong mesiyas ay isinalin sa Griyegong "kristo" kaya karaniwang tinatawag si Hesus na "Hesu-Kristo"(Jesus Christ) dahil sa paniniwalang si Hesus ang mesiyas o kristo. Upang patunayan ang pag-aangking ito ng pagiging mesiyas o kristo ni Hesus, ang mga may akda ng 4 na kanonikal na ebanghelyo (Mateo, Marcos, Lucas, Juan) ay humanap ng mga "hula" sa Tanakh(Lumang Tipan) at inangking ang mga ito na katuparan ni Hesus. Ang salin ng Hebreong Tanakh na pinagsanggunian o sinipi ng mga may akda ng 4 na ebanghelyo ang saling Griyego na Septuagint. Ayon din sa mga skolar, ang Bagong Tipan ay orihinal na isinulat sa wikang Griyego. Hindi tinatanggap ng mga skolar na Hudyo ang Septuagint dahil sa naglalaman ito ng mga korupsiyon. Ayon sa apat na kanonikal na ebanghelyo(Mateo, Marcos, Lucas, Juan), dahil sa pagtuturo ni Hesus ng mga utos na iba sa mga kautusan ni Moises, si Hesus ay itinakwil ng mga Hudyo. Bukod dito, ayon din sa Bagong Tipan, si Hesus ay nag-angking diyos(Juan 10:33) na itinuturing ng mga Hudyo na isang malaking kapusungan dahil sa kanilang paniniwala lamang sa isang diyos na si Yahweh.

Ayon sa Ebanghelyo ni Juan(ca. 90-100 CE) na pinakahuling kanonikal na ebanghelyo na isinulat, si Hesus ay naging isa nang preeksistenteng Logos (Juan 1:1-14) na isang Diyos na nagkatawang tao na umiral na bago pa umiral si Abraham(Juan 8:58). Ang Logos ay isang konsepto sa Pilosopiyang Griyego na pinalawig ng Hudyong-Helenistikong si Philo ng Alehandriya(20 BCE-50 CE). Gayunpaman, tila ito ay sinsalungat sa Juan 10:33-35 nang sabihin ni Hesus na "Sinagot siya ng mga Hudyo, Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa pamumusong; at sapagka't ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunwari kang Diyos. Sinagot sila ni Hesus, Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo'y mga Diyos? Kung tinawag niyang mga Diyos, yaong mga dinatnan ng salita ng Diyos (at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan)". Ito sy hinango mula sa Aklat ng mga Awit 82:1-6:

Ang Diyos (El (diyos) ay tumatayo sa kapisanan ng mga Diyos(Elohim) Siya'y humahatol sa gitna ng mga Diyos.Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan, At magsisigalang sa mga pagkatao ng masama? (Selah)Hatulan mo ang dukha at ulila: Gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili.Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan: Iligtas ninyo sila sa kamay ng masama,Hindi nila nalalaman, ni nauunawa man;Sila'y nagsisilakad na paroo't parito sa kadiliman: Lahat ng patibayan ng lupa ay nangakilos.Aking sinabi, Kayo'y mga Diyos(Elohim,At kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan.

Pananaw ng mga Hudyo tungkol kay Hesus

baguhin

Ayon sa mga skolar ng Hudaismo, ang mga sinasabing hula na katuparan ni Hesus sa Bagong Tipan ay binatay mula sa maling saling Griyego na Septuagint ng Bibliya gayundin ay mga misinterpretasyon ng mga talata sa Tanakh.[127][128][129][130][131] Ang opisyal na Bibliyang ginagamit ng mga Hudyo ay ang Hebreong Masoretiko at hindi ang Griyegong Septuagint. Ang isa sa maraming halimbawa ng mga pinaniniwalaang korupsiyon sa Septuagint ang Isaias 7:14 na pinagkopyan ng manunulat ng Ebanghelyo ni Mateo(Mateo 1:23). Ayon sa Isaias 7:14 ng Septuagint, "ang partenos(birhen) ay manganganak...". Ayon sa Masoretiko, ang Isaias 7:14 ay "ang almah(babae) ay buntis at malapit ng manganak...".[132]

Sa Islam

baguhin

Ayon sa Islam, si Hesus (Issa sa Qur'an) ay kinikilala bilang sugo at masih(mesiyas sa Islam) ng diyos na si Allah na ipinadala upang gabayan ang mga Anak ng Israel (bani isra'il) sa pamamagitan ng isang bagong kasulatan, ang Ebanghelyo(Injil sa Qur'an)[133] . Gayumpaman, itinatakwil ng Islam ang mga paniniwala sa Kristiyanismo na si Hesus ay ipinako sa krus, sa halip siya ay sinasabi sa Qur'an na iniakyat ng buhay sa langit. Isinasalaysay ng Islamikong tradisyon na siya ay magbabalik sa lupa kapag sa Araw ng Paghahatol upang ibalik muli ang katarungan at talunin ang "Maling Mesiyas" (al-Masih al-Dajjal, kilala rin bilang Antikristo) at ang mga kalaban ng Islam. Dahil isa siyang makatarungang pinuno, si Hesus sa huli ay yayao.[134]

Gaya ng lahat ng propeta sa Islam, si Hesus ay itinuturing na isang Muslim. Itinatakwil ng Islam ang pananaw ng Kristiyanismo na si Hesus ay diyos na nagkatawang tao o anak ng diyos. Ang Qur'an ay nagsasaad na mismong si Hesus ay hindi nag-angkin ng mga gayong bagay. Ang Qur'an ay nagbibigay diin din na si Hesus ay isa lamang mortal(namamatay) na tao na gaya ng ibang propeta sa Islam ay hinirang ng diyos upang ipalaganap ang mensahe ng diyos.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Rahner (page 731) states that the consensus among historians is c. 4 BC/BCE. Sanders supports c. 4 BC/BCE. Vermes supports c. 6/5 BC/BCE. Finegan supports c. 3/2 BC/BCE. Sanders refers to the general consensus, Vermes a common 'early' date, Finegan defends comprehensively the date according to early Christian traditions.
  2. Brown (1999) p. 513
  3. The Cradle, the Cross, and the Crown: An Introduction to the New Testament by Andreas J. Köstenberger, L. Scott Kellum 2009 ISBN 978-0-8054-4365-3 pahina 114
  4. Jesus & the Rise of Early Christianity: A History of New Testament Times by Paul Barnett 2002 ISBN 0-8308-2699-8, pahina 19–21
  5. Paul L. Maier "The Date of the Nativity and Chronology of Jesus" in Chronos, kairos, Christos: nativity and chronological studies by Jerry Vardaman, Edwin M. Yamauchi 1989 ISBN 0-931464-50-1 pages 113–129
  6. Eerdmans Dictionary of the Bible 2000 Amsterdam University Press ISBN 90-5356-503-5 page 249
  7. Sanders, E. P. The historical figure of Jesus. Penguin, 1993.
  8. Vermes (2004)
  9. ''Jesus Remembered by James D. G. Dunn 2003 ISBN 0-8028-3931-2 page 339
  10. Amy-Jill Levine writes that the entire category of ethnicity is itself fraught with with difficulty. Beyond recognizing that “Jesus was Jewish,” rarely does the scholarship address what being “Jewish” means. In the New Testament, written in Koine Greek, Jesus was referred to as an Ioudaios on three occasions, although he did not refer to himself as such. These three occasions are (1) by the Biblical Magi in Matthew 2 who referred to Jesus as "basileus ton ioudaion"; (2) by the Samaritan woman at the well in John 4 when Jesus was travelling out of Judea; and (3) by the Romans in all four gospels during the Passion who also used the phrase "basileus ton ioudaion" (see John Elliott in the Journal for the Study of the Historical Jesus 2007; 5; 119). According to Amy-Jill Levine, in light of the Holocaust, the Jewishness of Jesus increasingly has been highlighted.
  11. Theissen (1998) p. 165 "Our conclusion must be that Jesus came from Nazareth."
  12. Bruce M. Metzger's Textual Commentary on the Greek New Testament: Luke 24:51 is missing in some important early witnesses, Acts 1 varies between the Alexandrian and Western versions.
  13. Who is Jesus? Answers to your questions about the historical Jesus, by John Dominic Crossan, Richard G. Watts (Westminster John Knox Press 1999), page 108
  14. 14.0 14.1 James G. D. Dunn, Jesus Remembered, (Eerdmans, 2003) page 779-781.
  15. Rev. John Edmunds, 1855 The seven sayings of Christ on the cross Thomas Hatchford Publishers, London, page 26
  16. Stagg, Evelyn and Frank. Woman in the World of Jesus. Philadelphia: Westminster Press, 1978 ISBN 0-664-24195-6
  17. Funk, Robert W. and the Jesus Seminar. The acts of Jesus: the search for the authentic deeds of Jesus. HarperSanFrancisco. 1998. "Empty Tomb, Appearances & Ascension" p. 449-495.
  18. Theodore, Antony (1 Disyembre 2019). Tapan Kumar Pradhan (pat.). Jesus Christ in Love. Kohinoor Books. ISBN 9788194283539. Nakuha noong Enero 6, 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Howard M. Teeple (1970). "The Oral Tradition That Never Existed". Journal of Biblical Literature. 89 (1): 56–68. doi:10.2307/3263638. ISSN 0021-9231. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "... O Jesus, Author of our faith,..." Prayer to St. Jude, isang polyetong dasalan, Tan Books and Publishers, Inc., Illinois, pahina 18.
  21. Sanders, E. P. The historical figure of Jesus. Penguin, 1993. Chapter 15, Jesus' view of his role in God's plan.
  22. http://www.pbs.org/wgbh/pages/frontline/shows/apocalypse/explanation/jesusjohnbaptist.html
  23. http://www.aish.com/jw/s/48892792.html
  24. 24.0 24.1 The Gnostic Gospels:PBS
  25. Lost Christianities: the battles for scripture and the faiths we never knew, Bart D. Ehrman
  26. Gnostic Visions: Uncovering the Greatest Secret of the Ancient World, p 218
  27. Barbara Aland, et al. Latin New Testament 1983, American Bible Society. ISBN 3-438-05401-9 page 3
  28. Raymond E. Brown: The Birth of the Messiah [ISBN 0-385-05405-X], p. 150
  29. Marcus J. Borg, Meeting Jesus for the First Time (Harper San Francisco, 1995) page 22-3.
  30. "most recent biographies of Herod the Great deny it entirely." Paul L. Maier, "Herod and the Infants of Bethlehem", in Chronos, Kairos, Christos II, Mercer University Press (1998), p.172
  31. Geza Vermes, The Nativity: History and Legend, London, Penguin, 2006, p22; E. P. Sanders, The Historical Figure of Jesus, Penguin, 1993, p.85
  32. Harris, Stephen L., Understanding the Bible. Palo Alto: Mayfield. 1985.
  33. Brown, Raymond E., The Birth of the Messiah. Doubleday & Company. 1977, Appendix V: The Charge of Illegitimacy, p. 537
  34. Köster, Helmut Ancient Christian gospels: their history and development Edition 7, Trinity Press, 2004, pg 306
  35. The Westminster handbook to patristic theology by John Anthony McGuckin 2004 ISBN 0-664-22396-6 page 286
  36. Angels and Principalities by A. Wesley Carr 2005 ISBN 0-521-01875-7 page 131
  37. Jews, Christians and Jewish Christians in Antiquity by James Carleton Paget 2010 ISBN 3-16-150312-0 page 360
  38. The creed: the apostolic faith in contemporary theology by Berard L. Marthaler 2007 ISBN 0-89622-537-2 page 129
  39. Contra Celsum by Origen, Henry Chadwick 1980 ISBN 0-521-29576-9 page 32
  40. Patrick, John The Apology of Origen in Reply to Celsus 2009 ISBN 1-110-13388-X pages 22–24
  41. 41.0 41.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-06-13. Nakuha noong 2012-12-06.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. http://bible.cc/matthew/1-17.htm
  43. White, L. Michael. From Jesus to Christianity. HarperCollins, 2004, pp. 12–13.
  44. e.g. R. E. Brown, The Birth of the Messiah (New York: Doubleday), p. 547.
  45. Emil Schürer (revised by Geza Vermes, Fergus Millar and Matthew Black), The History of the Jewish People in the Age of Jesus Christ, Continuum International, 1973, Volume I page 401.
  46. James Douglas Grant Dunn, Jesus Remembered, p. 344; E. P. Sanders, The Historical Figure of Jesus, Penguin, 1993, p86
  47. Marcus J. Borg, Meeting Jesus Again for the First Time: The Historical Jesus and the Heart of Contemporary Faith, (HarperCollins, 1993), page 24.
  48. Luke 1:5–36
  49. White 2004, pp. 4, 104.
  50. http://www.infidels.org/library/modern/richard_carrier/quirinius.html
  51. http://bible.cc/matthew/2-5.htm
  52. http://www.biblegateway.com/passage/?search=Matthew+2%3A22-23&version=NIV
  53. https://web.archive.org/web/20080415225523/http://ngm.nationalgeographic.com/geopedia/Bethlehem
  54. 54.0 54.1 54.2 54.3 Gardner
  55. Gruber, Elmar and Kersten, Holger. (1995). The Original Jesus. Shaftesbury: Element Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  56. Chandramouli, N. S. (Mayo 1, 1997). "Did Buddhism influence early Christianity?". The Times of India. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. The Gnostic Gospels and Beyond Belief: the Secret Gospel of Thomas by Elaine Pagels
  58. The Original Jesus by Gruber and Kersten
  59. L. Jacolliot (1869) La Bible dans l'Inde, Librairie Internationale, Paris (digitized by Google Books)
  60. Louis Jacolliot (1870) The Bible in India, Carleton, New York (digitized by Google Books)
  61. As an example of a different interpretation, note that a number of well-known philosophers and writers, whose lifework has revolved around East-West comparative religion, (Ramakrishna, Vivekananda, Sivananda among others), have written that the similarities in some of the events in the lives of two of the most important figures in Eastern and Western religion (Christ and Krishna), are proof of the divine harmony linking the great faiths of East and West.
  62. 4Q521, Dead Sea Scrolls
  63. Rudolf Bultmann, The Gospel of John, Westminster, Philadelphia 1971: p240 quoted in Helms, Gospel Fictions, 81
  64. Davies, William David, & Allison, Dale C., "Matthew 19-28" () p.147
  65. "Lord's Supper, The" in New Bible Dictionary, 3rd edition; IVP, 1996; page 697
  66. Sanders, E. P. The historical figure of , 1993. p. 72
  67. Brown et al. page 626
  68. Liturgical year: the worship of God by Presbyterian Church (U.S.A.), 1992 ISBN 978-0-664-25350-9 page 37
  69. 69.0 69.1 69.2 Funk, Robert W. and the Jesus Seminar. The acts of Jesus: the search for the authentic deeds of Jesus. HarperSanFrancisco. 1998. "Mark," p. 51-161
  70. Powell, Barry B., Classical Myth Second ed. With new translations of ancient texts by Herbert M. Howe. Upper Saddle River, New Jersey: Prentice-Hall, Inc., 1998.
  71. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-11-16. Nakuha noong 2012-12-08.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  72. Pausanias, Description of Greece 6. 26. 1 - 2
  73. Athenaeus, Deipnosophistae 2. 34a
  74. Wick, Peter (2004). "Jesus gegen Dionysos? Ein Beitrag zur Kontextualisierung des Johannesevangeliums". Biblica. Rome: Pontifical Biblical Institute. 85 (2): 179–198. Nakuha noong 2007-10-10. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  75. Pagels, Elaine at Karen L. King. (...) "The Gospel of John suggests that Jesus himself was complicit in the betrayal, that moments before Judas went out, Jesus had told him, "Do quickly what you are going to do" (John 13:27)" (...), Reading Judas, The Gospel of Judas and the Shaping of Christianity, Penguin Books, New York, 2007, pages 3–4, ISBN 978-0-14-311316-4.
  76. http://www.infidels.org/library/modern/james_still/jesus_trial.html
  77. Morris Goldstein, Jesus in the Jewish Tradition, Macmillan, New York 1953 quoted in Wilson, Jesus: The Evidence: p 103
  78. http://bible.cc/matthew/26-64.htm
  79. 79.0 79.1 http://bible.cc/mark/15-2.htm
  80. Pope Benedict XVI (2011). Jesus of Nazareth. Nakuha noong 2011-04-18.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  81. "Pope Benedict XVI Points Fingers on Who Killed Jesus". Marso 2, 2011. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-03-07. Nakuha noong 2012-09-28. While the charge of collective Jewish guilt has been an important catalyst of anti-Semitic persecution throughout history, the Catholic Church has consistently repudiated this teaching since the Second Vatican Council.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  82. The Gospel of Mark, Volume 2 by John R. Donahue, Daniel J. Harrington 2002 ISBN 0-8146-5965-9 page 442
  83. Steven L. Cox, Kendell H Easley, 2007 Harmony of the Gospels ISBN 0-8054-9444-8 pages 323–323
  84. Death of the Messiah, Volume 2 by Raymond E. Brown 1999 ISBN 0-385-49449-1 pages 959–960
  85. Colin Humphreys, The Mystery of the Last Supper Cambridge University Press 2011 ISBN 978-0-521-73200-0, pages 188–190
  86. Caird, Saint Luke, p. 253
  87. Craveri, The Life of Jesus, p.399
  88. Carrier (1999).
  89. Davies, W. D, and Dale C. Allison, A Critical and Exegetical Commentary on the Gospel According to Saing Matthew, Volume III (Continuum International, 1997), page 623.
  90. Mack, Burton L. (1988). A Myth of Innocence: Mark and Christian origins. Fortress Press. p. 296. ISBN 0-8006-2549-8. This is the earliest account there is about the crucifixion of Jesus. It is a Markan fabrication{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  91. Funk, Robert W. and the Jesus Seminar. The acts of Jesus: the search for the authentic deeds of Jesus. HarperSanFrancisco. 1998. "Matthew," p. 129-270
  92. Schweizer, Eduard. The Good News According to Matthew. Atlanta: John Knox Press, 1975
  93. 93.0 93.1 Keener, Craig S. The Gospel of Matthew: A Socio-Rhetorical Commentary. Wm. B. Eerdmans Publishing, 2009. pg. 685
  94. Brown, Raymond. Death of the Messiah. Doubleday, 1999. Pennsylvania State University
  95. http://bible.cc/psalms/22-16.htm
  96. http://bible.cc/isaiah/38-13.htm
  97. http://www.outreachjudaism.org/articles/lutheran.html
  98. E. Goldin Hyman, The Case of the Nazarene Reopened
  99. http://www.infidels.org/library/modern/richard_carrier/resurrection/2.html
  100. Ancient Christian Gospels Koster, Helmut; Trinity Press, (1992) pg 237.
  101. http://www.pbs.org/wgbh/pages/frontline/shows/religion/symposium/historical.html
  102. Carrier. "The Plausibility of Theft", p. 351.
  103. Charles Freeman, A New History of Early Christianity , pp. 31-33(Yale University Press, 2009). ISBN 978-0-300-12581-8
  104. Carrier. "The Plausibility of Theft", p. 350.
  105. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-11-13. Nakuha noong 2012-12-10.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  106. Robert M. Price, "The Empty Tomb: Introduction; The Second Life of Jesus." In Price, Robert M.; Lowder, Jeffrey Jay, mga pat. (2005). The Empty Tomb: Jesus Beyond the Grave. Amherst: Prometheus Books. p. 14. ISBN 1-59102-286-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  107. Peter Kirby, "The Case Against the Empty Tomb", In Price, Robert M.; Lowder, Jeffrey Jay, mga pat. (2005). The Empty Tomb: Jesus Beyond the Grave. Amherst: Prometheus Books. p. 233. ISBN 1-59102-286-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  108. Helmut Koester, Introduction to the New Testament, Vol. 2: History and Literature of Early Christianity. Walter de Gruyter, 2000. p. 64-65.
  109. Dunderberg, Ismo, Christopher Mark Tuckett, Kari Syreeni (2002). Fair play: diversity and conflicts in early Christianity : essays in honour of Heikki Räisänen. Brill. p. 488. ISBN 90-04-12359-8. {{cite book}}: More than one of |pages= at |page= specified (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  110. Pagels, Elaine H. (2006). The Gnostic gospels. Phoenix. pp. 192. ISBN 0-7538-2114-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  111. White 2004, pp. 3–4.
  112. Lee Martin Mc Donald and Stanley E. Porter, Early Christianity and its Sacred Literature, (Nov 2000, Hendrickson Publishers, Inc.), p. 286
  113. Nineham, Saint Mark (Westminster John Knox Press, 1978), pp. 294-295
  114. Raymond E. Brown, S.S., An Introduction To The New Testament, The Anchor Bible Reference Library (Doubleday, 1997) pp. 159-160
  115. The Acts of Jesus: What Did Jesus Really Do?, Robert Funk, p79
  116. NT contradictions
  117. Jesus, Interrupted: Revealing the Hidden Contradictions in the Bible (And Why We Don't Know About Them). Bart Ehrman, HarperCollins, USA. 2009. ISBN 0-06-117393-2.
  118. 118.0 118.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-12-19. Nakuha noong 2012-12-19.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  119. J. Boman, Inpulsore Cherestro? Suetonius’ Divus Claudius 25.4 in Sources and Manuscripts Naka-arkibo 2013-01-04 at Archive.is, Liber Annuus 61 (2011), ISSN 0081-8933, Studium Biblicum Franciscanum, Jerusalem 2012, p. 355, n. 2.
  120. Georg Andresen in Wochenschrift fur klassische Philologie 19, 1902, col. 780f
  121. Jesus Never Existed
  122. Bentley, Jerry H. (1992). Cross-Cultural Contacts and Exchanges in Pre-Modern Times. Oxford University Press. p. 240. ISBN 978-0-19-507640-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  123. HarperCollins Bible Dictionary, "The formal doctrine of the Trinity as it was defined by the great church councils of the fourth and fifth centuries is not to be found in the NT [New Testament]" (Paul Achtemeier, editor, 1996, "Trinity").
  124. Megila 17b–18a, Ta'anit 8b
  125. E·ra me·siá·ni·ca sa Kastila
  126. Sota 9a
  127. Why did the majority of the Jewish world reject Jesus as the Messiah, and why did the first Christians accept Jesus as the Messiah? Naka-arkibo 2011-07-16 sa Wayback Machine. by Rabbi Shraga Simmons (about.com)
  128. Michoel Drazin (1990). Their Hollow Inheritance. A Comprehensive Refutation of Christian Missionaries. Gefen Publishing House, Ltd. ISBN 965-229-070-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  129. Troki, Isaac. "Faith Strengthened" Naka-arkibo 2007-09-29 sa Wayback Machine..
  130. "The Jewish Perspective on Isaiah 7:14". Messiahtruth.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2002-06-24. Nakuha noong 2009-04-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  131. http://www.outreachjudaism.org/FAQ
  132. http://www.outreachjudaism.org/articles/dual-virgin.html
  133. The Oxford Dictionary of Islam, p.158
  134. "Isa," Encyclopedia of Islam.

Bibliograpiya

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin

Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA