Ahmaddiya

(Idinirekta mula sa Ahmadi)

Ang Ahmaddiya (Arabe: أحمدية‎; Urdu: احمدِیہ‎) ay isang repormistang kilusang Islamiko [1][2] na itinatag sa Indiang Britaniko noong wakas ng ika-19 na siglo. Ito ay nagmula sa buhay at mga katuruan ni Mirza Ghulam Ahmad (1835–1908) na nag-angking tumupad sa mga hula ng repormer ng mundo sa mga wakas ng panahon na maghuhudyat ng eschaton o araw ng paghuhukom gaya ng hinula sa mga tradisyon ng iba't ibang mga relihiyon sa mundo at magdudulot ng huling pagwawagi ng Islam ayon sa hulang Islamiko. Kanyang inangkin na siya ang Mujaddid (tagapagbagong makaDiyos) ng ika-14 siglo ng Islam, ang ipinangakong mesiyas at mahdi na hinihintay ng mga Muslim.[3][4][5] Ang mga tagasunod ng kilusang Ahmadiyya ay tinutukoy bilang mga Ahmadi o mga Ahmadi Muslim. Ang paniniwalang Ahmadi ay nagbibigay diin sa paniniwalang ang Islam ang huling dispensasyon para sa sangkatauhan gaya ng inihayag kay Muhammad at ang pangangailangan ng pagpapanumbalik ng tunay nitong esensiya at walang dungis na anyo na nawala sa paglipasng mga siglo. Dahil dito, nakikita ng mga Ahmadi ang kanilang mga sarili bilang nangunguna sa muling pagbuhay at mapayapang pagpapalaganap ng Islam.[6] Ang mga Ahmadi ay kabilang sa mga pinakamaagang mga pamayanang Muslim na dumating sa Britanya at ibang mga bansang Kanluranin.

Ang mga tagasunod ng Ahmadiyya ay naniniwalang ang Diyos ay nagpadala kay Ahmad tulad ni Hesus upang wakasan ang mga digmaang panrelihiyon, kundenahin ang pagdanak ng dugo at muling ilagay ang moralidad, hustisya at kapayapaan. Naniniwala silang inalisan ni Ahmad ang Islam ng mga paniniwalang at kasanayang panatiko sa pamamagitan ng pagtataguyod ng kanilang pinaniniwalaang ang tunay at mga mahalagang katuruan ng Islam na sinanay ng propeta Muhammad.[7] Ang mga Ahmadi Muslims ay nahahati sa dalawang mga pangkat: Ang pamayanang Ahmaddiya Muslim at ang Kilusang Lahore Ahmadiyya.[8]

Itinatag ni Mirza Ghulam Ahmad ang kilusang ito noong 23 Marso 1889 at tinawag itong Ahmadiyya Muslim Jama'at pamayanan na naisip itong isang muling pagbuhay ng Islam. Itinuturing ng mga Ahmadi ang kanilang mga sarili na mga Muslim at nag-aangking nagsasanay ng Islam sa anyong walang dungis nito. Ang mga spesipikong paniniwala ng mga Ahmadi ay pinaniniwalaan ng iba na salungat sa kontemporaryogn nananaig na paniniwalang Islam simula ng kapanganakan ng kilusang ito at ang ilang mga Ahmadi ay kalaunang pinag-usig.[9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Valentine, Simon (2008). Islam and the Ahmadiyya jamaʻat: history, belief, practice. Columbia University Press. p. xv. ISBN 978-0-231-70094-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Morgan, Diane (2009). Essential Islam: a comprehensive guide to belief and practice. Greenwood Press. p. 242. ISBN 978-0-313-36025-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Naeem Osman Memon (1994). An Enemy a Disbeliever a Liar, Claims of Hadhrat Ahmad. Islam International Publications. ISBN 1-85372-552-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. B.A Rafiq (1978). Truth about Ahmadiyyat, Reflection of all the Prohets. London Mosque. ISBN 0-85525-013-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Mirza Tahir Ahmad (1998). Revelation Rationality Knowledge and Truth, Future of Revelation. Islam International Publications. ISBN 1-85372-640-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "The Ahmadi Muslim Community, Who are they?". The Times. 27 Mayo 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Oktubre 2011. Nakuha noong 21 Mayo 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "An Overview". Alislam.org. Nakuha noong 2012-11-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Historical Dictionary of Islamic Fundamentalism - Page 22, Mathieu Guidère - 2012
  9. "The Amman Message".