Si Poncio Pilato (Sinaunang Griyego: Πόντιος Πιλᾶτος, Pontios Pīlātos) na kilala sa Ingles bilang Pontius Pilate (play /ˈpɒnəs ˈplət/ (US), play /ˈpɒnti.əs ˈplət/ (UK)[1]), ang ika-limang prepekto ng probinsiya ng Imperyo Romano na Judea mula 26–36 CE.[2][3] Siya ay kilala bilang hukom sa paglilitis ni Hesus at ang taong nagbigay ng autorisasyon upang ipako si Hesus sa krus. Bilang prepekto, siya ay nagsilbi sa ilalim ni Emperador Tiberius. Siya ay inilarawan ni Josephus na malupit at matigaas ang ulo na pinuno na gumalit sa mga Hudyo. Ninakawan niya ang Ikalawang Templo sa Herusalem upang magtayo ng isang aqueduct at naglagay ng mga Imahen ni Cesar sa Herusalem[4]. Sa Bagong Tipan, siya ay inilalarawan na sunud sunuran sa mga Hudyo. Ayon sa Kristiyanong si Eusebio ng Caesarea si Poncio ay napilitang magpatiwakal sa utos ni Caligula noong 36 CE.[5]

Ecce Homo ("Behold the Man", "Pagmasdan ang Taong Ito"), ang paglalarawan ni Antonio Ciseri kay Pilato habang inihaharap ang pinaharapang si Hesus sa mga tao ng Herusalem.

Ang mga pinagkunan para sa buhay ni Pilato ay mula sa apat na kanonikal na mga ebanghelyo, Philo ng Alexandria, Josephus, at isang maikling pagbanggit ni Tacitus at isang inskripsiyon na tinatawag na bato ni Pilato. Batay sa mga sangguniang ito, lumalabas na si Pilato ay isang equestrian ng pamilyang Pontii at humalili kay Valerius Gratus bilang prepekto ng Judaea noong  26 CE. Sa kanyang pamumuno, kanyang nasiphayo ang mga sensibilidad pang relihiyoso ng kanyang mga nasasakupan na nagdulot ng malupit na pagbatikos mula kay Philo at Josephus. Ayon kay Josephus,[6] si Pilato ay pinatawag pabalik sa Roma pagkatapos na malupit na supilin ang paghihimagsik na Samaritano at dumating pagkatapos ng kamatayan ni Tiberius na naganap noong 16 Marso ng 37 AD. Siya ay pinalitan ni Marcellus.

Matagal na pinagtatalunan ng mga skolar kung paanong papakahulugan ang paglalarawan kay Pilato sa mga sanggunian ito. Ang ilang mga skolar ng Bibliya ay nangatwirang ang mga salaysay tungkol kay Pilato at sa paglilitis ng Sanhedrin kay Hesus sa apat na ebanghelyo ay hindi tumpak at hindi tama sa historikal na mga paglalarawan nito.[7] Ang kahalagahan ng bato ni Pilato na artipaktong natuklasan noong 1961 na nagpangalan kay Poncio Pilato ay pinagdedebatihan pa rin ng ilang mga skolar.[8][9]

Mga ebanghelyo

baguhin

Sa lahat ng apat na kanonikal na ebanghelyo, naiwasan ni Pilato ang responsibilidad sa kamatayan ni Hesus. Sa Ebanghelyo ni Marcos, naghugas ng mga kamay si Pilato upang ipakita na hindi siya responsable sa eksekusyon ni Hesus at may pag-aatubili itong ipinadala si Hesus sa kamatayan nito.[10] Ang Ebanghelyo ni Marcos na naglalarawan kay Hesus na inosente sa pagpaplano ng paghihimagsik laban sa imperyo Romano at naglalarawan kay Pilato bilang may pag-aatubili na ipapatay si Hesus.[10] Sa Ebanghelyo ni Lucas, hindi lamang umayon si Pilato na si Hesus ay hindi nagplano ng paghihimagsik laban sa imperyo Romano ngunit sina Herod Antipas, na Tetrarch ng Galilea ay wala ring nakitang pagtataksil sa mga aksiyon ni Hesus.[10] Ayon sa Ebanghelyo ni Juan, sinaad ni Pilato na "Wala akong nakikitang kasalanan sa kanya" at kanyang tinanong ang mga Hudyo kung si Hesus ay dapat palayain sa kustodiya nito.[11]

Ayon sa mga ebanghelyo, si Hesus ay dinala kay Pilato ng Sanhedrin na nagpahuli kay Hesus at mismong kumwestiyon sa kanya. Isinaad na ang Sanhedrin ay binigyan lamang ni Hesus ng mga sagot na kanilang itinuring na mapamusong (Marcos 14:61-64) ayon sa batas ni Moises na hindi malamang na ituturing ni Pilato na isang parusang kapital na nagpakahulugan ng batas Romano.[12] Ayon sa Ebanghelyo ni Lucas[13], dinala ng mga kasapi ng Sanhedrin sa harapan ni Pilate kung saan nila siya inakusahan ng sedisyon laban sa Roma sa pamamagitan ng pagtutol sa pagbabayad ng mga buwis kay Caesar at tumatawag sa kanyang sarili na hari.[14][15] May ilang mga kahirapan at problema sa paglalarawan ng Ebanghelyo ni Marcos sa mga kustombre ng Sanhedrin na hindi umaayon sa ibang mga sanggunian sa panahong ito.[16][17] Halimbawa, inlalarawang nagpulong ang Sanhedrin sa bahay ng Dakilang Saserdote, agad na nagtipon pagkatapos na mahuli si Hesus, nagpulong sa paskuwa at agad na naghayag ng sentensiya ng kamatayan kay Hesus. Sa salaysay ng Ebanghelyo ni Lucas, ang paglilitis ng Sanhedrin sa Marcos ay tinanggal ngunit naglalarawan din ng mga kahirapan gaya ng pagsasagawa ng paglilitis sa paskuwa.

Ang pangunahing tanong ni Pilato kay Hesus ay kung itinuturing niya ang kanyang sarili na hari ng mga Hudyo bilang pagtatangkang na matukoy kung siya ay isang potensiyal na bantang pampolitika. Ayon sa saling NIV Marcos 15:2, Mat 26:64: "Ikaw ba ang hari ng mga Hudyo"? "Yes, It is as you say" (oo, gaya ng sinasabi mo).[18][19] Sa ilang mga salin gaya ng KJV, ang sagot ni Hesus ay: "Thou sayest it." (King James Version, Mark 15:2, Sinasabi mo);[19] Ang anumang digri ng kompirmasyon ang nahango ng mga tagasalin ng bibliya mula sa sagot ni Hesus, ayon sa Bagong tipan ay hindi sapat upang makita si Hesus bilang isang tunay na bantang pampolitika. Ayon sa Ebanghelyo ni Mateo, may pag-aatubili si Pilato na payagan ang pagpapako kay Hesus na walang nakitang kasalanan siya. Ayon sa Mateo, kustombre ng gobernador ng Roma na magpalaya ng isang bilanggo sa Paskuwa. Ang mga salaysay sa bagong tipan ay nagsasaad na inilabas ni Pilato si Barabbas at sa Mateo ay tinukoy siyang masamang bilanggo ngunit sa Ebanghelyo ni Marcos ay isang mamatay tao. Isinaad ni Pilato sa mga Hudyo na pumili sa pagitan ng pagpalaya kay Barabbas o Hesus na umaasang kanilang hihilinging palayain si Hesus. Gayunpaman, pinili ng mga tao si Barabbas at sinabi tungkol kay Hesus na "Ipako siya!". Sa Mateo, tumugon si Pilato, "Bakit? anong kasamaan ang nagawa niya". Ang mga tao ay nagpatuloy na nagsasabing "Ipako siya!". Walang kustombreng alam na pagpapalaya ng mga bilanggo sa Herusalem maliban sa mga salaysay na ito sa ebanghelyo. Ang salaysay na ito ay sinasabi ng ilan na elemento ng literaryong paglikha ng Ebanghelyo ni Marcos na nangailangang salungatin ang tunay na anak ng ama upang ilagay ang nagtuturong paligsahan sa anyo ng isang talinghaga. Ang kuwento ni Barabbas ay historikal na ginamit upang ilagay ang pagsisi ng pagpapako kay Hesus sa mga Hudyo at upang pangatwiranan ang antisemitismo na isang interpretasyong kilala bilang deisidyong Hudyo na itinakwil ni Papa Benedict XVI sa kanyang aklat noong 2011 na Jesus of Nazareth kung saan kanya ring kinuwestiyon ang historisidad ng talata sa Mateo.[20][21]

Ang Ebanghelyo ni Lucas ay naglalarawan sa mga saserdote na paulit ulit na nag-aakusa sa kanya bagaman ayon dito ay nanatiling tahimik si Hesus. Pumayag si Pilato na kondenahin si Hesus sa pagpapako sa krus pagkatapos na ipaliwanag ng mga pinunong Hudyo na siya ay isang banta sa Roma sa pamamagitan ng pag-aangking hari ng Israel. Ayon sa mga sinoptiko, ang mga tao ay tinutruan ng mga pariseo at saduceo na sumigaw laban kay Hesus. Idinagdag ng Mateo na bago ang pagkukundena kay Hesus si kamatayan, si Pilato ay naghugas sa tubig ng kanyang mga kamay sa harapan ng mga tao na nagsasabing "ako ay inosente sa dugo ng taong ito; makikita ninyo".

Panitikang Hudyo

baguhin

Sina Josephus at Philo ay naglalarawan ng ilang mga pangyayari na nagyari sa panahon ng panahon ng panunungkulan ni Pilato. Ang parehong mga panitikan ay naglalarawan ng mas malupit na karakter kesa sa inilalarawan sa mga ebanghelyo at paulit ulit na pagsasanhi ni Pilato ng halos paghihimagsik sa mga Hudyo dahil sa kanyang kawalang sensitibidad sa mga kustombre ng Hudyo. Ayon kay Josephus, bagaman ang mga nauna kay Pilato ay rumispeto sa mga kustombre ng Hudyo sa pamamagitan ng mga larawan at wangis ng kanilang mga simbolo kapag pumapasok sa Herusalem, pinayagan ni Pilato ang kanyang mga sundalong dalhin ang mga ito sa Herusalem sa gabi. Nang matuklasan ng mga Hudyo ito ng sumunod na araw, sila ay sumamo kay Pilato na alisin ang mga simbolo ni Caesar sa siyudad. Pagkatapos na limang araw ng deliberasyon, pinag-utos ni Pilato sa kanyang mga sundalo na palibutan ang mga nagpoprotesta na nagbabanta sa mga ito ng kamatayan na handang tanggapin ng mga Hudyo kesa sa paglalapastangan sa batas ni Moises.[22][23] Kalaunang inilarawan ni Philo ang isang katulad na insidente kung saan si Pilato ay kinastigo ni emperador Tiberius pagkatapos galitin ang mga Hudyo sa pamamagitan ng paglalagay ng mga may gintong kalasag sa palasyo ni Herodes sa Herusalem. Ang mga ito ay bilang parangal kay Tiberius at sa pagkakataong ito ay hindi naglalaman ng mga inukit na larawan. Ang mga Hudyo ay nagprotesta sa paglalagay ng mga kalasag una kay Pilato at nang ito ay tumanggi ay kay Tiberius. Sa pagbasa ni Tiberius ng mga liham ay sumulat si Tiberius kay Pilato na may mga pagsuway at batikos sa kanyang mapangahas na paglabag at inutusan siyang tanggalin ang mga kalasag at ilipat ang mga ito mula sa Herusalem tungo sa Caesarea.[24]

Isinalaysay din Josephus ang isang insidente nang gugulin ni Pilato ang salapi mula sa templo upang magtayo ng aqueduct. Muling nagprotesta ang mga Hudyo. Pinatago ni Pilato ang kanyang mga sundalo mula sa mga tao habang tinutugunan ang mga ito. Pagkatapos magbigay ng hudyat, ang mga sundalo ay umatake sa mga Hudyo at binugbog at pinatay ang mga ito upang patahimikin ang mga pagsusumamo nito.[25]

Ang personalidad ni Pilato ayon kay Philo ay mapaghiganti at magagalitin at natural na hindi mababago na isang halo ng katigasan ng ulo at pagiging hindi matitinag. Ayon din kay Philo, si Pilato ay hindi gumawa ng anumang bagay na ikinalugod ng kanyang mga nasasakupan. Isinaad ni Philo na natakot si Pilato sa isang delagasyong maaaring ipadala ng mga Hudyo kay Tiberius na nagpoprotesta sa mga kalasag dahil "kung aktuwal silang magpapadala ng embahada, kanila ring ilalantad ang iba pa niyang mga pag-aasal bilang gobernador na buong nagsasaad ng mga panunuhol, mga insulto, mga pagnanakaw, mga kalupitan at walang habas na mga pamiminsala, patuloy na inuulit na mga pagpatay ng walang paglilitis, ang walang tigil at ang nakasisiphayong kalupitan.[24] Ang termino ni Pilato sa Judaea ay nagwakas pagkatapos ng isang insidenteng isinalaysay ni Josephus. Ang isang malaking pangkat ng mga Samaritano ay nahikayat ng isang hindi kilalang lalake na tumungo sa Bundok Gerizim upang makita ang mga sagradong artipaktong sinasabing inilibing ni Moises. Ngunit sa isang bayan na Tirathana, bago makaakyat sa bundok ang mga tao, nagpadala si Pilato ng kabalyero at nasasandatahang impantriya na sa isang enkwentro sa mga unang dumating sa bayan ay pumaslang ng ilan sa isang labanan at nagpatakas sa iba. Ang maraming mga bilango ay binihag kung saan ipinapatay ni Pilato ang mga pangunahing pinuno at ang mga pinakamaimpluwensiyal.[26] Ang mga Samaritano ay nagreklamo naman kay Vitellius na gobernador Romano ng Syria na nagpadala kay Pilato sa Roma upang ipaliwanag ang insidente kay Tiberius. Gayunpaman, sa pagdating ni Pilato sa Roma, si Tiberius ay namatay.[27]

Prokurador ng Judea at hindi Prepekto ayon kay Tacitus

baguhin

Ayon sa isang talata ni Tacitus, tungkol malaking sunog sa Roma sinisi ni Emperador Nero ang isang pamayananan "na tinawag na mga Kristiyano na nagmula sa pangalang Chrestus( o Christus) na dumanas ng malubhang kaparusahan sa paghahari ni Tiberio sa kamay ng isa sa ating mga prokurador na si Pontius Pilatus."

Sa mga apocrypha at alamat

baguhin

Ang isang katawan ng alamat ay lumago sa pigurang si Pilato. Si Eusebius (Historia Ecclesiae ii: 7) ay sumipi ng isang maagang mga salaysay apocryphal na nagsasalaysay na si Pilato ay nahulog sa mga kasawian sa ilalim ni Caligula at ipinatapon sa Gaul at kalaunang nagpatiwakal sa Vienne. May isang salaysay na ang katawan ni Pilato ay unang itinapon sa Tiber ngunit ang mga katubigan ay nagulo ng mga masamamang espirito na ang kanyang katawan ay dinala sa Vienna at pinalubog sa Rhône. Ang isang monumento sa Vienne na tinatawag na libingan ni Pilato ay makikita pa rin dito. Dahil sa itinakwil rin ng Rhone ang bangkay ni Pilato, ito ay muling inilipat at inilubog sa Ilog sa Lausanne. Ang sekwensiya ay isang simpleng paraan upang iayon ang mga magkakasalungat na tradisyong lokal. May ilang mga alamat tungkol kay Pilato sa Alemanya partikular na tungkol sa kanyang kapanganakan. Ayon dito, siya ay ipinanganak sa siyudad na Franconian na Forchheim o isang maliit na bayan ng Hausen mga 5 km lamang ang layo mula rito.

Ebanghelyo ni Pedro

baguhin

Ang apocryphal na Ebanghelyo ni Pedro ay nagpawalang sala kay Pilato sa responsibilidad ng pagpapako kay Hesus. Sa halip ay inilagay ang responsibilidad kay Herodes at sa mga Hudyo na hindi tulad ni Pilato ay tumangging "hugasan ang kanilang mga kamay". Pagkatapos makita ng mga sundalo ang tatlong mga lalake at isang krus na milagrosong naglalakad mula sa libingan, kanilang iniulat ito kay Pilato na muling inulit ang kanyang kawalang kasalanan: "Ako ay dalisay mula sa dugo ng Anak ng Diyos". Kanya namang inutos sa mga sundalo na huwag sabihin kaninuman ang kanilang nakita upang hindi "sila mahulog sa mga kamay ng mga Hudyo at batuhin".

Mga Gawa ni Pilato

baguhin

Ang ikaapat na siglong apocyrphal na tekstong tinatawag na Mga Gawa ni Pilato ay nagtatanghal ng sarili nito sa isang pauna (na wala sa ilang mga manuskrito) na hinango mula sa mga opisyal na gawang naingatan sa praetorium sa Herusalem. Bagman ang sinasabing orhinal na Hebreo ng dokumentong ito ay itinuturo kay Nicodemus, ang pamagat na Ebanghelyo ni Nicodemus para sa salaysay na ito ay lumitaw lamang sa mga panahong mediebal pagkatapos na malaking idetalye. Wala sa teksto na nagmumungkahing ito ay salin mula sa Hebreo o Aramaiko.

Iba pa

baguhin

Ang isang liham na pseudigrapha na nag-uulat tungkol sa pagpapako na sinasabing ipinadala ni Pilato kay emperador Claudius na isinama sa pseudipigrapha na kilala bilang Mga Gawa ni Pedro at Pablo na isinasaad ng Ensiklopedyang Katoliko na "maliwanag na apocryphal ngunit hindi inaasahang maikling at napipigilan". Ang Sulat o Ulat ni Pilato ay ipinasok rin sa Pseudo-Marcellus Passio sanctorum Petri et Pauli ("Passion of Saints Peter and Paul") na mayroong parehong mga bersiyong Griyego at Latin. Ang alamat na Mors Pilati ("Kamatayan ni Pilato") ay isang tradisyong Latin na tumuturing kay Pilato na halimaw at hindi isang santo. Ito ay karaniwang ikinakabit sa mas simpatetikong Ebanghelyo ni Nicodemus ng piangmulang Griyego. Ang ibang mga maalamat na bersiyon ng kamatayan ni Pilato ay umiiral. Ayon sa isang tradisyon sa Italya, pagkatapos ng kamatayan ni Pilato, ang kanyang katawan ay dinala sa isang ilog malapit sa Tukto Vettor at inihagis dito.

Benerasyon bilang Santo

baguhin

Ang Etiopianong Ortodoksong Simbahang Tewahedo ay kumikilala kay Pilato bilang isang santo batay sa salaysay sa Mga Gawa ni Pilato.[28] Ang asawa ni Pilato na si Claudia Procula ay kinikilala ring santo sa Etiopianong Ortodoksong Simbahang Tewahedo at Silangang Ortodokso.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Wells, John C. (1990). Longman pronunciation dictionary. Harlow, England: Longman. ISBN 0-582-05383-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) entry "Pontius Pilate"
  2. "Britannica Online: Pontius Pilate". Britannica.com. Nakuha noong 21 Marso 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Jona Lendering. "Judaea". Livius.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Mayo 2015. Nakuha noong 21 Marso 2012. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Antiquities 18.3.1; Wars 2.9.2-3
  5. Ecclesiastical History 2.7
  6. Flavius Josephus, Jewish Antiquities 18.89.
  7. The Origin of Satan, Elaine Pagels
  8. Jerry Vardaman, A New Inscription Which Mentions Pilate as 'Prefect' , Journal of Biblical Literature Vol. 81, 1962. pp 70–71.
  9. Craig A. Evans, Jesus and the ossuaries, Volume 44, Baylor University Press, 2003. pp 45–47
  10. 10.0 10.1 10.2 Harris, Stephen L., Understanding the Bible. Palo Alto: Mayfield. 1985.
  11. "John 18:38-39 ESV – My Kingdom is Not of This World". Bible Gateway. Nakuha noong 9 Hunyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. The trial of Jesus: illustrated from Talmud and Roman law – Septimus Buss. Google Books. Nakuha noong 21 Marso 2012.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Luke 23:1–2 NIV – Then the whole assembly rose and led". Bible Gateway. Nakuha noong 21 Marso 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "LacusCurtius • Roman Law – Majestas and Perduellio (Smith's Dictionary, 1875)". Penelope.uchicago.edu. Nakuha noong 21 Marso 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Luke 19:1–9 ; NIV; – Zacchaeus the Tax Collector – Jesus". Bible Gateway. Nakuha noong 21 Marso 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Craveri, Life of Jesus, p. 380
  17. Maccoby, Revolution in Judea: p. 202
  18. http://bible.cc/matthew/26-64.htm
  19. 19.0 19.1 http://bible.cc/mark/15-2.htm
  20. Pope Benedict XVI (2011). Jesus of Nazareth. Nakuha noong 2011-04-18.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Pope Benedict XVI Points Fingers on Who Killed Jesus". 2 Marso 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-07. Nakuha noong 2012-09-28. While the charge of collective Jewish guilt has been an important catalyst of anti-Semitic persecution throughout history, the Catholic Church has consistently repudiated this teaching since the Second Vatican Council.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Josephus, Jewish War 2.9.2–4
  23. Jewish Encyclopedia article on Pilate, retrieved 5 Mayo 2009
  24. 24.0 24.1 Philo, On The Embassy of Gauis Book XXXVIII 299–305
  25. Josephus, Antiquities of the Jews 18.3.2
  26. Josephus, Antiquities of the Jews 18.4.1
  27. Josephus, Antiquities of the Jews 18.4.2
  28. Herbermann, Charles, pat. (1913). "Pontius Pilate" . Catholic Encyclopedia (sa wikang Ingles). New York: Robert Appleton Company.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)