Si Bart D. Ehrman (ipinanganak noong 1955) ay isang Amerikanong skolar ng Bagong Tipan na kasalukuyang Natatanging Propesor na James A. Gray ng mga Pag-aaral Relihiyoso(Religious Studies) sa University of North Carolina at Chapel Hill. Si Ehrman ay isa sa mga pangunahing skolar ng Bagong Tipan at nagkamit rin ng papuri sa sikat na lebel na sumulat ng apat na mahusay na bumentang mga aklat ayon sa New York Times. Ang kanyang pinakakilalang mga aklat ang Misquoting Jesus at Jesus, Interrupted.[1] Ang trabaho ni Ehrman ay nakatuon sa tekstuwal na kritisismo(textual criticism) ng Bagong Tipan at sinaunang Kristiyanismo. Siya ay isang agnostiko.

Bart D. Ehrman
Kapanganakan (1955-10-05) 5 Oktubre 1955 (edad 69)
NasyonalidadAmerican
EdukasyonBA (1978), MDiv (1981), PhD (1985)
NagtaposMoody Bible Institute
Wheaton College
Princeton Theological Seminary
AmoThe Department of Religious Studies, University of North Carolina at Chapel Hill.
Kilala saNew Testament authentication, historical Jesus, lost gospels, early Christian writings, orthodox corruption of scripture.
AsawaSarah Beckwith
AnakKelly and Derek
Websitewww.bartdehrman.com

Education

baguhin

Si Ehrman ay lumaki sa Lawrence, Kansas, Estados Unidos at dumalo sa Lawrence High School kung saan siya kabilang sa pangkat na kampeon ng debate noong 1973. Siya ay nagsimulang mag-aral ng Bibliya at ang orihinal na mga wika nito sa Moody Bible Institute at nagtapos noong 1978 sa Wheaton College sa Illinois. Kanyang natanggap ang kanyang PhD at M.Div. mula sa Princeton Theological Seminary kung saan siya nag-aral sa ilalim ng skolar ng Bibliyang si Bruce Metzger. Siya ay nagkamit ng magna cum laude para sa parehong BA noong 1978 at PhD noong 1985.

Si Ehrman ay naging Kristiyanong Ebanghelikal noong tinedyer. Sa kanyang mga aklat, kanyang inalala ang kanyang kasigasigan bilang isang born again na pundamentalistang Kristiyano na tiyak na kinasihan ng diyos ang mga salita ng Bibliya at iningatan ang mga teksto nito mula sa lahat ng kamalian. Ang kanyang pagnanais na maunawaan ang orihinal na mga salita ng Bibliya ang nagtulak sa kanya na pag-aralan ang mga sinaunang wika ng Bibliya at tekstuwal na kritisismo. Gayunpaman, ang kanyang pag-aaral sa pagkatapos ng kolehiyo(graduate studies) ay kalaunang kumimbinsi sa kanya na kailangang makilala ang mga kontradiksiyon sa mga manuskrito ng Bibliya kesa sa pagtatangkang pagkasunduin ang mga salungatan. Siya ay nanatiling liberal na Kristiyano sa loob ng 15 taon ngunit kalaunang naging agnostiko pagkatapos na makipaglaban sa pilosopikal na problema ng kasamaan at mga pagdurusa sa mundo.

Siya ay dating Pangulo ng Southeast Region ng Society of Biblical Literature at malapit na nagtrabaho bilang editor sa ilang mga publikasyon ng Society. Sa kasalukuyan, siya ay kapwa-editor ng seryeng New Testament Tools and Studies. Ang karamihan sa mga aklat ni Ehrman ay nakatuon sa iba't ibang gma aspeto ng tesis ni Walter Bauer na ang Kristiyanismo ay palaging magkakaiba iba at magkakalaban sa sarili nito. Si Ehrman ay kalimitang itinuturing na pionero sa pag-uugnay ng kasaysayan ng sinaunang iglesia sa mga uring tekstuwal(textual variants) sa loob ng mga manuskrito ng Bibliya at inimbento ang terminong proto-orthodox Christianity upang ilarawan ang Kristiyanismo na umiiral bagong ang kasunduan o orthodoxy ay naitatag. Sa kanyang mga aklat, ipinakita ni Ehrman na mula sa panahon ng mga ama ng simbahan(church fathers), ang mga itinakwil bilang heretiko gaya halimbawa ni Marcion ang kinasuhan ng pagbabago ng mga manuskrito ng Bibliya. Iminungkahi ni Ehrman na aktuwal na mas kalimitang ang orthodox ang lumihis(corrupted) ng mga manuskrito at nabago ng mga teksto upang itaguyod ang kanilang mga partikular na pananaw.

Mga Aklat

baguhin

Mga sanggunian

baguhin