Marcion ng Sinope

(Idinirekta mula sa Marcion)

Si Marcion ng Sinope (Griyego: Μαρκίων[1] Σινώπης, ca. 85-160 CE) ay isang obispo ng sinaunang Kristiyanismo. Ang kanyang teolohiya ay tumatakwil sa diyos na inilalarawan sa Tanakh at inilalarawan ito bilang isang mababang diyos kumpara sa diyos ng Bagong Tipan. Dahil sa pananaw na ito, si Marcion ay binatikos at itiniwalag ng mga ama ng simbahan. Ang kanyang pagtakwil sa maraming mga aklat na sa panahong ito ay itinuturing na Kasulatan sa sektang katoliko o proto-orthodox ng Iglesia ay nagtulak sa proto-orthodox na bumuo ng kanon na katoliko ng mga kasulatan.

Itinala ni Hippolytus na si Marcion ay anak ng obispo ng Sinope sa Pontus. Ang kanyang mga ka-kontemporaryong sina Rhodon at Tertullian ay naglarawan sa kanya bilang may-ari ng barko.[1] Si Marcion ay malamang isang konsegradong obispo at malamang katulong o suffragan ng kanyang ama sa Sinope.[1]

Isinaad ni Epiphanius na pagkatapos ng mga pagsisimula ni Marcion bilang isang asetiko, inakit nito ang isang birhen at itiniwalag ng ama nito na nagtulak kay Marcion upang lisanin ang kanyang bayan. [2] Ang salaysay na ito ay pinagdududahan ng maraming mga skolar ng na tumuturing dito na isang "malisyosong tsismis". Isinaad ng skolar ng Bagong Tipan na si Bart D. Ehrman na ang "pang-aakit ng isang birhen" na ito ay isang talinghaga(metaphor) ng Iglesiang Kristiyano na inilalarwan bilang hindi nadungisang birhen.[3]

Si Marcion ay naglakbay sa Roma noong mga 142/143 CE.[4]. Ngunit dahil ang iglesiang Marcionismo ay malawak na sa panahong ng kanyang pagkakatiwalag, mas malamang na ang kanyang pagtatatag ng sektang Marcionismo ay mas nauna pa rito. Si Marcion ay nagbigay ng isang kilalang donasyon na 200,000 sesterces sa iglesia. Ang mga alitan sa mga obispo ng Roma ay lumitaw at kalaunan ay itiniwalag si Marcion ng Diocese ng Roma at ang kanyang donasyon ay ibinalik sa kanya. Pagkatapos ng kanyang pagkakatiwalag, siya ay bumalik sa Asya menor kung saan kanyang ipinagpatuloy na mangasiwa sa mga kongregasyon ng iglesia at ituro ang ebanghelyo Kristiyano sa bersiyong Marcionismo o ni Apostol Pablo

Mga katuruan

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Catholic Encyclopedia, "Marcionites" (1911).
  2. Haeresies, XLII, ii.
  3. Bart D. Ehrman,Lost Christianities
  4. Tertullian dates the beginning of Marcion's teachings 115 years after the crucifixion of Jesus, which he placed in AD 26/27 (Adversus Marcionem, xix).