Kritisismong tekstuwal
Ang Tekstuwal na Krisitismo ay isang sangay ng kritisismong pampanitikan na nauukol sa pagtukoy at pag-aalis ng mga kamalian ng transkripsiyon sa mga teksto ng mga manuskrito. Ang mga sinaunang skriba ay nakagawa ng mga pagkakamali o pagbabago (intensiyonal man o hindi) nang ito kumopya ng mga kopya ng orihinal na dokumento sa pamamagitan ng pagsusulat sa kamay.[1] Sa ibinigay na isa o maraming mga kopya ng manuskrito (na kopya o mga kopya ng orihinal na dokumento), ang kritikong tekstuwal ay naghahangad na muling likhain ang orihinal na teksto (ang archetype o autograpo) mula sa mga kopyang ito sa posibleng pinakamalapit sa orihinal na dokumento. Ang parehong mga proseso ay maaaring gamitin upang tangkain ang muling paglilikha ng mga pagitang edisyon o mga recension ng kasaysayan ng transkripsiyon ng dokumento.[2] Ang huling layunin ng trabaho ng isang kritikong tekstuwal ay ang produksiyon ng isang "edisyong kritikal" na naglalaman ng teksto na pinakamalapit na pagtatantiya sa orihinal na hindi na umiiral na dokumento ng mga kopyang manuskrito. May tatlong mga pundamental na pakikitungo sa kritisismong tekstuwal: Eklektisismo, stemmatika, pag-eedit ng kopyang-teksto. Ang mga tekniko mula sa disiplinang biolohikal na cladistika ay kasalukuyang ginagamit rin upang tukuying ang mga relasyon sa pagitan ng mga manuskrito. Ang pariralang "mas mababang kristisismo" (lower criticism) ay ginagamit upang ilarawan ang salungatan sa pagitan ng kritisismong tekstuwal at mas mataas na kritisismo (higher cirticism) na isang paghahangad na matukoy ang tunay na may akda, petsa at lugar ng pagkakasulat ng orihinal na teksto.
Kasaysayan
baguhinAng kritisismong tekstuwal ay sinasanay sa loob ng dalawang libong mga taon. Ang mga sinaunang kritikong tekstuwal ay nababahala sa pag-iingat ng mga akda ng sinaunang kasaysayan at ito ay nagpatuloy hanggang sa yugtong mediebal hanggang sa panahong moderno hanggang sa pagkakaimbento ng palimbagan (printing press). Maraming mga sinaunang akda o kasulatan gaya ng Bibliya at mga trahedyang Griyego ay umiiral sa daang daang mga kopya at ang relasyon ng bawat kopyang ito sa orihinal na dokumento ay hindi maliwanag. Pinagdedebatihan ng mga iskolar ng tekstuwal na kritisismo sa loob ng mga siglo kung aling mga pinagkukunan ang pinakamalapit na hinango mula sa orihinal at kaya ay alin sa mga pagbasa ng mga pinagkukunang ito ang tama. Bagaman ang mga aklat ng Bibliya na mga sulat tulad ng mga larong Griyego, ay pinagpapalagay na may isang orihinal, ang tanong sa kung ang ilang mga aklat ng bibliya tulad ng mga ebanghelyo ay may isa lamang orihinal na pinagkopyahan ay tinatalakay ng mga iskolar.[3] Ang interes sa paglalapat ng kritisismong tekstuwal sa Quran ay nabuo rin pagkatapos ng pagkakatuklas ng mga manuskritong Sana'a noong 1972 na posibleng may petsang bumabalik sa ika-7 o 8 siglo CE. Sa wikang Ingles, ang mga akda ni Shakespeare ay naging isang partikular na mayabaong na lupa para sa kritisismong tekstuwal dahil ang mga kopya nito ay naglalaman ng labis na mga pagkakaiba (variations) at dahil ang paghahangad at gastos sa paglikha mga superior na edisyon ng mga akda ni Shakespeare ay malawak na nakikitang mahalaga.[4] Ang mga prinsipyo ng kritisismong tekstuwal bagaman orihinal na binuo at pinino para sa mga akda ng antikwidad gaya ng Bibliya at mga akda ni Shakespeare[5], ito ay inilapat sa maraming mga akda mula pa kasalukuyan pabalik sa pinakaunang mga isinulat na dokumento sa Mesopotamia at Ehipto na isang yugto na mga limang millenia.
Mga paraan
baguhinEklektisismo
baguhinAng Eklektisismo ay tumutukoy sa pagsasanay ng pagkokonsulta ng malawak na uri ng mga saksi sa isang partikular na orihinal. Ang pagsasanay na ito ay batay sa prinisipyong kapag maraming independiyenteng kasaysayan ng transmisyon, mas hindi malamang na ang lumikha ng parehong mga pagkakamali. Ang inalis ng isang skriba ay pinanatili naman ng ibang skriba. Kung ang idinagdag ng isa, ang iba ay malamang na hindi ito idadagdag. Ang eklektisismo ay pumapayag sa mga inperensiya tungkol sa orihinal na teksto batay sa ebidensiya ng mga salungatan sa pagitan ng mga saksing manuskrito. Bagaman ang isang pagbasang sinusuportahan ng maraming mga saksing manuskrito ay kadalasang mas pinapaboran, ito ay hindi palaging ang kaso. Halimbaw, ang isang ikalawang edisyon ng dula ni Shakespeare ay maaaring maglaman ng isang karagdagan na tumutukoy sa isang pangyayaring alam na nangyari sa pagitan ng dalawang mga edisyon. Bagaman ang halos lahat ng mga kalaunang manuskrito ay maaaring nagsama ng karagdagang ito, ang mga kritikong tekstuwal ay maaaring muling likhain ang orihinal na pinagbatayan nang walang karagdagang ito. Ang resulta ng prosesong ito ay isang teksto na may mga pagbasang hinugot mula sa maraming mga saksing manuskrito. Ito ay hindi kopya ng anumang partikular na manuskrito at maaaring lumihis mula sa karamihan ng mga umiiral na manuskrito. Sa isang puring pakikitungong eklektiko, walang isang saksing manuskrito ay teoretikal na pinapaboran. Bagkus, ang kritiko ay bumubuo ng mga opinyon tungkol sa mga indibidwal na saksing manuskrito na umaasa sa parehong panlabas at panloob na ebidensiya.[6] Simula gitna ng ika-19 siglo, ang eklektisismo kung saan walang pagkiling na a priori sa isang manuskrito ang naging nananaig na paraan ng pageedit ng mga tekstong Griyego ng Bagong Tipan. Ang resulta nito ang mga edisyong Griyego ng Bagong Tipan na tinatawag na United Bible Society, 4th ed. at Nestle-Aland, 27th ed.. Gayunpaman, ang mga pinakamatandang tekstong-uri (text-type) na tekstong-uring Alexandrian ang pinapaboran ng mga kritikong tekstuwal kaya ang mga edisyong kritikal na ito ay may disposisyong Alexandrian.[7]
Panlabas na ebidensiya
baguhinAng panlabas na ebidensiya ang ebidensiya ng bawat pisikal na saksing manuskrito, ang petsa nito, pinagkunan, at relasyon sa ibang mga saksing manuskrito. Ang mga kritikong tekstuwal ay kadalasang mas pumapabor sa mga pagbasang sinusuportahan ng pinakamatandang mga saksing manuskrito. Dahil sa ang mga pagkakamali ay may kagawiang maipon, ang mga mas matandang manuskrito ay may mas kaunting mga pagkakamali. Ang mga pagbasang sinusuportahan ng karamihan ng mga saksi ay kadalasan ring mas pinapaboran dahil ang mga ito ay hindi malamang na magpakita ng mga aksidente o mga indbidwal na pagkiling. Sa parehong mga dahilan, ang malawak na heograpikong mga saksing manuskrito ang pinapaboran. Ang ilang mga manuskrito ay nagpapakita ng ebidensiya na ang isang partikular na pag-iingat ay isinagawa sa kanilang pagkakalikha halimbawa, sa pagsasama ng mga alternatibong pagbasa sa kanilang mga margin na nagpapakita na ang higit sa isang mas naunang kopya (exemplar) ay kinonsulta sa paglikha ng kasalukuyang manuskrito. Ang papel ng isang kritikong tekstuwal ay kinakailangan kapag ang basikong kriterya ay may alitan. Halimbawa, tipikal na may mas kaunting mas matandang mga kopya at may mas malaking bilang mga kalaunang kopya ng manuskrito. Ang kritikong tekstuwal ay nagtatangka na balansehin ang mga kriterya na ito upang tukuyin ang orihinal na teksto. Marami pang mga konsiderasyong sopistikado. Halimbawa, ang mga pagbasang lumilihis mula sa alam na pagsasanay ng isang skriba o isang ibinigay na panahon ay maaaring isaalang alang na mas maaasahan dahil ang isang skriba ay mas hindi malamang sa kanyang sarili na lumihis mula sa karaniwang pagsasanay.[8]
Panloob na ebidensiya
baguhinAng panloob na ebidensiya ang ebidensiya na nagmumula mula sa mismong teksto na independiyente sa mga katangiang pisikal ng dokumento. Ang iba't ibang mga konsiderasyon ay maaaring gamitin upang pagpasyahan kung aling pagbasa ang mas malamang na orihinal. Misan, ang mga konsiderasyong ito ay may alitan.[8] Ang dalawang karaniwang mga konsiderasyon ang lectio brevior (mas maikling pagbasa) at lectio difficilior (mas mahirap na pagbasa). Ang una ang pangkalahatang obserbasyon na ang mga skriba ay may kagawiang magdagdag ng mga salita para sa paglilinaw o dahil sa kagawian nito na mas madalas kesa sa pag-aalis nito. Ang ikalawa na lectio difficilior potior (ang mas mahirap na pagbasa ang mas malakas) ay kumikilala ng kagawian para sa harmonisasyon o paglutas ng mga maliwanag na salungatan sa teksto. Ang paglalapat ng prinsipyong ito ay tumutungo sa pagkuha ng mas mahirap o hindi magkaayon na pagbasa mas malamang na orihinal. Ang gayong mga kaso ay kinabibilangan rin ng pagsisimplika at pagkiknis ng mga skriba ng mga teksto na kanilang hindi lubos na nauunawaan.[9] Ang isa pang kagawian ng mga skriba ang homoioteleuton, (parehong dulo). Ang Homoioteleuton ay nangyayari kapag ang dalawang mga salita/parirala/linya ay nagwawakas sa parehong sekwensiya mga letra. Sa pagtatapos ng pagkokopya ng skriba ng una ay lumalaktaw sa ikalawa na nag-aalis ng mga pagitang salita. Ang Homeoarchy ay tumutkoy sa paglaktaw ng mata kapag ang mga panimula ng dalawang linya ay pareho.[10] Maaari ring siyasatin ng kritikong tekstuwal ang ibang mga kasulatan ng may akda upang pagpasyahan kung anong mga salita o mga konstruksiyong gramatikal ang tumutugma sa kanyang istilo. Ang ebalwasyon ng panloob na ebidensiya ay nagbibigay rin sa kritikong tekstuwal ng impormasyon na tumutulong sa pagsisiyasat ng pagiging maaasahan ng mga indibidwal na manuskrito. Kaya, ang konsiderasyon ng panloob at panlabas na ebidensiya ay magkaugnay. Pagkatapos ng pagsasaalang alan ng lahat ng mga mahalagang paktor, hinahangad ng kritikong tekstuwal ang pagbasa na pinakamahusay na nagpapaliwanag kung paanong ang ibang mga pagbasa ay lumilitaw. Ang pagbasang ito ay ang pinakamalamang na kandidato naman na isang orihinal.
Mga kanon ng kritisismong tekstuwal
baguhinAng iba't ibang mga iskolar ay bumuo ng mga gabay o kanon ng kritisismong tekstuwal upang gabayan ang pagsasanay ng paghatol ng isang kritikong tekstuwal sa pagtukoy ng pinakamahusay na pagbasa ng teksto. Ang pinakauna ang si Johann Albrecht Bengel (1687–1752), na noong 1734 ay lumikha ng isang edisyon ng Textus Receptus. Sa kanyang komentaryo, kanyang itinatag ang patakarang Proclivi scriptioni praestat ardua, ("ang mas mahirap na pagbasa ang mas papaboran").[11] Si Johann Jakob Griesbach (1745–1812) ay naglimbag ng ilang mga edisyon ng Bagong Tipan. Sa kanyang 1796 edisyon,[12] kanyang itinatag ang labinlimang mga patakarang kritikal. Kabilang sa mga ito ang uri ng patakaran ni Bengel na Lectio difficilior potior na "ang mas mahirap na pagbasa ang mas mabuti". Ang isa pa ang Lectio brevior praeferenda na "ang mas maikling pagbasa ang mas mabuti" batay sa ideyang ang mga skriba ay mas malamang na magdagdag kesa magbawas.[13] Ang patakrang ito ay hindi maaaring ilapat ng hindi kritikal dahil ang mga skriba ay maaaring mag-alis ng materyal nang hindi sinasadya. Sina Brooke Foss Westcott (1825–1901) at Fenton J. A. Hort (1828–1892) ay naglimbag ng edisyon ng Bagong Tipan sa Griyego na Ang Bagong Tipan sa Orihinal na Griyego. Sila ay nagmungkhai ng siyam na mga patakarang kritikal kabilang ang patakaran ni Benghel na "ang pagbasa ay mas hindi malamang na orihinal na nagpapakita ng disposisyon sa pagkikinis ng mga kahirapan". Kanila ring ikinatwiran na "ang mga pagbasa ay inaprubahan o itinakwil sa dahilan ng kalidad at hindi sa bilang ng kanilang mga sumusuportang saksi" at ang "ang pagbasa ay mas papaboran na pinaka angkop na nagpapaliwanag sa eksistensiya ng iba pa." [14] Bagaman ang karamihan sa mga patakarang ito ay orihinal na binuo para sa kritisismong tekstuwal na Bibliya ay may malawak na aplikabilidad sa anumang tekstong naapektuhan ng mga pagkakamali sa transmisyon nito.
Mga limitasyon ng eklektisismo
baguhinDahil sa ang mga kanon ng kritisismong tekstuwal ay mataas na naapektuhan ng interpretasyon at sa ibang panahon ay sumasalungat sa bawat isa, ang mga ito ay maaaring ilapat upang ipangatwiran ang resulta na umaangkop sa pakay na estetiko o teolohikal ng kritikong tekstuwal. Simula ika-19 siglo, ang mga iskolar ay naghangad ng mas mahigpit na mga paraan upang gabayan ang paghatol editoryal. Ang pageedit ng pinakamahusay na teksto (na isang kumpletong pagtakwil ng eklektisismo) ay naging sukdulan. Ang Stemmatiko at pag-eedit ng kopyang teksto bagaman parehong eklektiko dahil sa ang mga ito ay pumapayag sa editor na pumili ng mga pagbasa mula sa maraming mga pinagkuna ay naghahangad na bawasan ang subhektibidad sa pamamagitan ng pagtatatag ng isa o ilang mga saksing manuskrito na pinagpapalagay na pinapaboran ng obhektibong kriterya. Ang pagbanggit ng mga ginamit na pinagkunan at mga alternatibong pagbasa at ang paggamit ng orihinal na teksto at mga larawan ay tumutulong sa mga mambabasa at ibang mga kritiko na tukuyin ang lawak ng lalim ng pagsasaliksik ng kritiko at upang independiyenteng patunayan ang kanilang akda.
Pag-eedit ng tekstong kopya
baguhinSa pag-eedit ng kopyang teksto, inaayon ng iskolar ang mga pagkakamali sa basehang teksto na kadalasan sa tulong ng ibang mga saksing manuskrito. Kadalasan, ang basehang teksto ay pinili mula sa pinakamatandang manuskrito ng teksto ngunit sa sinaunang mga panahon ng paglilimbag, ang kopyang teksto ay kadalasang isang manuskrito na makukuha. Sa paggamit ng paraang tekstong kopya, ang kritiko ay sumusuri sa basehang teksto at gumagawa ng mga koreksiyon (emendasyon) sa mga lugar kung saan ang basehang teksto ay lumalabas na mali sa kritiko. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagtingin sa mga lugar sa basehang teksto na walang saysay o sa pamamagitan ng pagtingin sa teksto ng ibang mga saksing manuskrito para sa superior na pagbasa. Ang mga malapit na pagpapasya ay karaniwang nalulutas ng pabor sa kopyang teksto. Ang unang nailimbag na edisyon ng Griyegong Bagong Tipan ay nilikha sa pamamagitan ng paraang ito. Ang editor na si Erasmus ay pumili ng isang manuskrito mula sa lokal na Dominikanong monasteryo sa Basle at tinuwid ang mga halatang pagkakamli sa pamamagitan ng pagkokonsulta sa ibang mga lokal na manuskrito. Ang tekstong Westcott atHort na basehan ng saling Revised Version ng Bibliyang Ingles ay gumamit rin ng paraang kopyang teksto gamit ang Codex Vaticanus bilang basehang manuskrito.[15]
Konsepto ng kopyang teksto ni McKerrow
baguhinAng bibliograpong si Ronald B. McKerrow ay nagpakilala ng terminong tekstong kopya sa kanyang 1904 edisyon ng mga akda ni Thomas Nashe na naglalarawan dito bilang "ang teksto na ginamit sa bawat partikular na kaso bilang basehan ko". May kamalayan si McKerrow sa mga limitasyon ng paraang stemmatiko at naniwalang mas maingat na piliin ang isang partiklular na teksto na inakala na partikular na maaasahan at pagkatapos ay emendahan lamang ito kung saan ang teksto ay halatang corrupt. Sa orihinal na paraan ni McKerrow, ang tekstong kopya ay hindi kinakailangang ang pinakamatandang teksto. Sa ilang mga kaso, si McKerrow ay pumili ng isang kalaunang saksing manuskrito na nagkomenta na "kung ang editor ay mas dahilan na ipagpalagay na ang isang teksto ay kumakatawan sa kalaunang mga koreksiyon kesa sa iba, at sa parehong panahon ay walang dahilan sa hindi paniniwala na ang mga koreksiyong ito o ilan sa mga ito kahit papaano, ay gawa ng may akda, wala siyang pagpipilian kundi gumawa ng teksto ng basehan ng kanyang muling paglilimbag."[16] Noong mga 1938, sa kanyang Prolegomena for the Oxford Shakespeare, binago ni McKerrow ang kanyang isip tungkol sa paraang ito dahil siya ay natakot na ang isang kalaunang edisyon kahit ito pa ay naglalaman ng mga koreksiyon ng may akda ay malilihis ng mas malawak kesa sa pinakamatandang limbag mula sa orihinal na manuksrito ng may akda". Siya ay nagbigay ng konklusyon na ang tamang paraan ay malilikha sa pamamagitan ng paggamit ng pinakamatandang mabuting limbag ng kopyang teksto at ikabit dito mula sa unang edisyon na naglalaman ng mga ito, ang gayong mga koreksiyon kung paanong lumalabas sa atin na hanguin mula sa may akda. Ngunit sa takot ng arbitaryong pagsasanay ng paghatol na editorial, isinaaad ni McKerrow na sa pagbibigay konklusyon na ang isang kalaunang edisyon ay may malaking mga rebisyon na matuturo sa may akda, "dapat nating tanggapin ang lahat ng mga pagbabago ng edisyong ito maliban sa anumang halatang pagkakamali o maling paglilimbag".[17]
Rationale ng kopyang teksto ni W. W. Greg
baguhinAng kritisismong tekstuwal na Anglo-Amerikano sa huli nang ika-20 siglo ay pinanaigan ng isang mahalagang sanaysay noong 1950 ni Sir Walter W. Greg na "The Rationale of Copy-Text". Iminungkahi ni Greg na:
Ang isang pagtatangi sa pagitan ng mahalaga o aking tatawaging substantibong mga pagbasa ng teksto, ang mga umaapekto sa kahulugan ng may akda o sa esensiya ng kanyang ekspresyon at iba pa gaya ng pangkalahatan gaya ng pagbabaybay, punktuwasyon, dibisyon ng salita at tulad nito na umaaketo ng pangunahin sa pormal na presentasyon nito na maaaring isaaalang alang na mga aksidente o aking tatawagin ang mga ito na mga akisidental ng teksto.[18]
Naobserbahan ni Greg na ang mga kompositor sa mga tindahan ng limbagan ay may kagawiang sumunod sa mga substantibong pagbasa ng kanilang kopya ng tapat maliban kapag sila ay lumihis ng hindi sinasadya ngunit "tungkol sa mga aksidental kanilang normal na susundin ang kanilang mga kagawian o inklinasyon bagaman sila sa iba't ibang mga dahilan at digri ay maimpluwensiyan ng kanilang kopya."[19]
Ang tunay na teoriya, aking ikinakatwiran, na ang kopyang teksto ay dapat mangasiwa ng pangkahalatan sa bagay ng mga aksidental ngunit ang pagpipilian sa pagitan ng mga substantibong pagbasa ay nabibilang sa pangkalahatang teoriya ng kritisismong tekstuwal at nasa lagpas na makitid na prinsipyo ng tekstong kopya. kaya maaaring mangyari na sa edisyong kritikal, ang tekstong angkop na napili bilang kopya ay maaaring hindi sa anumang paraan ang isa na nagsusuplay ng pinaka substantibong mga pagbasa sa mga kaso ng bariasyon. Ang pagkabigo sa paggawa ng distinksiyon na ito at sa paglapat ng prinsipyong ito ay natural na tumungo sa labis na malapit at labis na pangkahalatan na pag-asa sa tekstong pinili bilang basehan ng edisyon at may lumitaw na maaaring tawaging kalupitan ng tekstong kopya sa aking opinyon na nagpababa ng labis sa pinakamahuhsay sa akdang editoryal ng nakaraang henerasyon.[20]
Sa madaling sabi, sa pananaw ni Grego, ang kopyang teksto ay hindi maaaring payagan ng pananaig o kahit mas dakilang aurotidad kung nauukol sa substantibong mga pagbasa. Ayon kay McKerrow, ang pagpipilian sa pagitan ng makatwiran magkakatunggaling mga pagbasa ay:
Ay tutukuyin sa isang bahagi ng opinyon na bubuuin ng editor na rumirispeto sa kalikasan ng kopya kung saan ang bawat substantibong edisyon ay inilimbag na isang bagay ng panlabas na autoridad. sa isang bahagi ng likas na autoridad ng ilang mga teksto kung paanong hinahatulan ng relatibong prekwensiya ng mga hayagang pagkakamali dito; at sa isang bahagi sa paghatol ng editor sa likas na pag-aangkin ng mga indibiwal na pagbasa sa orihiniladidad, sa ibang salita ang kanilang likas na merito, basta sa merito, ang ating ibig sabihin ang pagiging malamang ng kung anong isinulat ng may akda kesa sa kanilang apela sa indibidwal na panlasa ng editor.[21]
Bagaman ikinatwiran ni Greg na ang editor ay dapat malaya na gumamit ng kanyang paghatol sa pagpili sa pagitan ng mga magkakatunggaling mga substantibong mga pagbasa, kanyang iminungkahi na ang editor ay dapat magtiwala sa kopyang teksto kapag ang mga pag-aangkin ng dalawang mga pagbasa ay lumalabas na eksaktong nakabalanse... Sa gayong kaso, bagaman walang lohikal na dahilan sa pagbibigay ng preperensiya sa kopyang teksto, sa kasanayan, kung walang dahilan sa pagbabago ng pagbasa nito, ang halatang bagay ay tila hayaan itong tumayo."[22] Ang eksaktong nakabalanseng mga barianto ay sinasabing walang kinikilingan. Ang mga editor na sumusunod sa rationale ni Greg ay lumilikha ng mga edisyong eklektiko sa paraang ang autoridad para sa aksidental ay hinango mula sa isang partikular na pinagkunan (na karaniwan ang pinakamatandang manuskrito) na itinuturing ng editor na autoritatibo ngunit ang autoridad para sa mga substantibong ito ay tinutukoy ng bawat indibidwal na kaso ayon sa paghatol ng editor. Ang nagreresultang teksto, maliban sa mga aksidental ay nilikha nang walang nananaig na pag-asa sa anumang isang saksi.
Greg–Bowers–Tanselle
baguhinSi W. W. Greg ay hindi sapat na nabuhay nang matagal upang ilapat ang kanyang rationale sa kopyang teksto sa anumang mga aktuwal na edisyon ng mga akda. Ang kanyang rationale ay kinuha at malaking pinalawig ni Fredson Bowers (1905–1991). Simula 1970, masiglang kinuha ni G. Thomas Tanselle (1934–) ang depensa ng paraan at nagdagdag ng mahalagang mga ambag sa sarili niya. Ang rationale ni Greg na sinanay nina Bowers at Tanselle ay nakilala bilang paraang "Greg–Bowers" o "Greg–Bowers–Tanselle".
Aplikasyon sa mga akda ng lahat ng panahon
baguhinSa kanyang sanaysay noong 1964 na "Some Principles for Scholarly Editions of Nineteenth-Century American Authors", isinaad ni Bowers na ang "teoriya ng kopyang teksto na iminungkahi ni Sir Walter Grego ay supremang namumuno".[23] Ang asersiyon ni Bower ng supremasya ay salungat sa mas katamtamang pang-aankin ni Grego na "ang aking pagnanais ay bagkus upang pumukaw ng talakayan kesa sa maglatag ng isang batas."[24] Bagaman nilimita ni Greg ang kanyang mga ilustratibong halimbawa sa dramang English Renaissance kung nasaan ang kanyang pagiging dalubhasa, ikinatwiran ni Bowers na ang rationale ang "pinakamagagawang prinsipyong editoryal na dinesenyo upang lumikha ng isang tekstong kritikal na autoritatibo sa maksimum ng mga detalye nito kahit pa ang may akda ay si Shakespeare, Dryden, Fielding, Nathaniel Hawthorne, o Stephen Crane. Ang prinsipyo ay matatag nang walang pagsaaalang alang sa panahong literaryo.[25] Para sa mga akda kung saan ang manuskrito ng may akda ay umiiral, na isang kaso na hindi isinaaalang alang ni Greg, nagkonklud si Bowers na ang manuskrito ay dapat pangkalahatang magsilbi bilang kopyang teksto.
Mga aplikasyon ng Kritisismong tekstuwal
baguhinAng lahat ng mga teksto ay sumasailalim sa imbestigasyon at sistematikong kritisismo kung ang orihinal na dokumento ay hindi na umiiral. Ang kritisismong tekstuwal ay nilalapat ng mga iskolar sa mga sinaunang panitikan sa kasaysayan kabilang ang mga aklat na relihiyoso ng iba't ibang mga relihiyon kabilang ang Bibliya, Quran, Aklat ni Mormon at iba pa.
Quran
baguhinItinuturing ng mga Muslim ang orihinal na tekstong Arabiko bilang huling pahayag na inihayag kay Muhammad ng diyos mula 610 CE hanggang sa kanyang kamatayan noong 632 CE. Sa tradisyong Islamiko, ang Quran ay isinaulo at isinulat ng mga kasama ni Muhammad at kinopya kung kinailangan. Gayunpaman, alam ng mga iskolar na""ang mga isinulat na bersiyon ay malaking iba iba sa mga materyal, pormat at aspeto."[26][27] Noong mga 1970, ang 14,000 mga pragmento ng Quran ay natuklasan sa isang lumang moske sa Sanaa na tinatawag na Mga manuskritong Sana'a. Ang mga 12,000 pragmento ay kabilang sa 926 mga kopya ng Quran, ang iba pang 2,000 ay mga maluwag na pragmento. Ang pinakamatandang alam na kopya sa kasalukuyan ng Quran ay kabilang sa koleksiyong ito. Ito ay pinepetsahan ng mga ika-7 hanggang ika-8 siglo CE. Ang mahalagang pagkakatuklas na ito ay naghayag ng maraming mga barianto (pagkakaibang) tekstuwal na hindi alam mula sa kanonikal na 7 o 10 o 14 na teksto.[28][29]
Tanakh o Bibliya ng Hudaismo
baguhinAng kritisismong tekstuwal ay nilalapat din sa Tanakh o Bibliya ng Hudaismo na tinatawag na Lumang Tipan sa Bibliyang Kristiyano. Dahil sa paniniwalang sagrado ng kalikasan ng Tanakh sa Hudaismo, ang mga walang kamalayan sa mga detalye ng kritisismong tekstuwal ay maaaring mag-akalang walang mga korupsiyong natagpuan sa Tanakh dahil sa paniniwalang ang mga tekstong ito ay maingat na kinopya at isinulat. Gayunpaman, tulad ng mga manuskrito ng Bagong Tipan, ang tekstong Masoretiko na batayan ng mga modernong salin ng Lumang Tipan ng Bibliya ay naglalaman ng mga pagbabago, korupsiyon at pagbura. Ito ay itinuro sa katotohanan na ang sinaunang mga soferim (skriba) ay hindi nagtrato sa mga pagkakamali ng kopya sa parehong paraan sa kalaunang panahon.[30] Ang mga sumusunod ang mga pinagkukunan at ikinukumparang mga sinaunang teksto at manuskrito ng Tanakh:
Manuskrito | Mga halimbawa | Wika | Petsa ng pagkakalikha | Pinakamatandang kopya |
---|---|---|---|---|
Mga skrolyo ng Patay na Dagat (Dead Sea Scrolls o DSS) na pinakamatandang manuskrito ng Tanakh. Ayon kay Emanuel Tov, na hepeng editor ng mga skrolyo ng Patay na Dagat, ang 60% ng mga skrolyo ng Patay ng Dagat ay umaayon sa Masoretiko, 5% ay umaayon sa Septuagint at 5% ay umaayon sa Samaritan Pentateuch. 10% naman ang hindi umaayon sa 3 manuskritong ito kabilang dito ang matatagpuan sa 4QDeut-b, 4QDeut-c, 4QDeut-h, 4QIsa-c, and 4QDan-a.[31][32][33] Ayon sa ibang iskolar, ang Dead Sea Scrolls ay umaayon lamang sa 40% ng Masoretiko.[34] | Tanakh at Qumran | Hebreo, Paleo Hebreo at Griyego | c. 150 BCE – 70 CE | c. 150 BCE – 70 CE |
Septuagint | Codex Vaticanus, Codex Sinaiticus at iba pang mga sinunang papyri | Greek | 300–100 BCE | ika-2 siglo BCE (mga pragmento) ika-4 siglo CE (kumpleto) |
Peshitta | Syriac | simula na ika-5 siglo CE | ||
Vulgate | Latin | simula ng ika-5 siglo CE | ||
Masoretiko. Ito ang batayan ng mga modernong salin ng Lumang Tipan ng Bibliya. | Aleppo Codex, Leningrad Codex at iba pang mga hindi kumpletong manuskrito | Hebreo | ca. 100 CE | ika-10 siglo CE |
Samaritan Pentateuch | Samaritan alphabet | 200–100 BCE | Pinakamatandang umiiral na manuskrito: c.ika-11 siglo CE, pinakamatandang umiiral na manuskrito magagamit ng mga iskolar ika-16 siglo CE | |
Targum | Aramaiko | 500–1000 CE | ika-5 siglo CE | |
Bagong Tipan
baguhinAng Bagong Tipan ay naingatan at naikopya sa higit sa 5,800 mga Griyegong manuskrito mula ika-2 siglo CE hanggang ika-16 siglo CE. Ang karamihan sa mga mga manuskritong ito ay isinulat pagkatapos nang ika-10 siglo CE. Ang distribusyon ng mga Griyegong manuskrito ng Bagong Tipan ang sumusunod:[35]
Mga Griyegong Manuskrito ng Bagong Tipan | Mga Leksiyonaryo | ||||
Siglo ng pagkakalikha | Bilang ng mga Papyri | Bilang ng mga Uncial | Bilang ng mga Minuscule | Bilang ng mga Uncial | Bilang ng mga Minuscule |
ika-2 CE | 2 | - | - | - | - |
ika-2/ika-3 | 5 | 1 | - | - | - |
ika-3 | 28 | 2 | - | - | - |
ika-3/ika-4 | 8 | 2 | - | - | - |
ika-4 | 14 | 14 | - | 1 | - |
ika-4 /ika-5 | 8 | 8 | - | - | - |
ika-5 | 2 | 36 | - | 1 | - |
ika-5 /ika-6 | 4 | 10 | - | - | - |
ika-6 | 7 | 51 | - | 3 | - |
ika-6 /ika-7 | 5 | 5 | - | 1 | - |
ika-7 | 8 | 28 | - | 4 | - |
ika-7 /ika-8 | 3 | 4 | - | - | - |
ika-8 | 2 | 29 | - | 22 | - |
ika-8/ika-9 | - | 4 | - | 5 | - |
ika-9 | - | 53 | 13 | 113 | 5 |
ika-9/ika-10 | - | 1 | 4 | - | 1 |
ika-10 | - | 17 | 124 | 108 | 38 |
ika-10/ika-11 | - | 3 | 8 | 3 | 4 |
ika-11 | - | 1 | 429 | 15 | 227 |
ika-11/ika-12 | - | - | 33 | - | 13 |
ika-12 | - | - | 555 | 6 | 486 |
ika-12/ ika-13 | - | - | 26 | - | 17 |
ika-13 | - | - | 547 | 4 | 394 |
ika-14/ika-14 | - | - | 28 | - | 17 |
ika-14 | - | - | 511 | - | 308 |
ika-14/ika-15 | - | - | 8 | - | 2 |
ika-15 | - | - | 241 | - | 171 |
ika-15/ika-16 siglo CE | - | - | 4 | - | 2 |
ika-16 | - | - | 136 | - | 194 |
Bukod pa sa mga manuskritong Griyego na orihinal na wika ng Bagong Tipan, ang iba pang mga manuskrito ay umiiral sa ibang mga wika. Ang malaking bilang ng mga manuskrito ng Bagong Tipan ay nagtatanghal ng mga kahirapan dahil sa ito ay gumagawa sa stemmatiko na impraktikal. Dahil dito, ang mga kritikong tekstuwal ng Bagong Tipan ay gumamit ng eklektisismo pagkatapos na isaayos ang mga saksing manuskrito sa tatlong mga pangunahing pangkat na tinatwag na tekstong uri (text-types). Ang mga ito ang sumusunod:
Tekstong-uri | Petsa | Mga katangian | Mga bersiyon na sumalig dito |
---|---|---|---|
Tekstong-uring Alexandrian (Tekstong Minoridad) |
ika-2 hanggang ika-4 CE | Ang pangkat na ito ng mga manuskrito ay binubuo ng mga sinauna at mahusay na isinasaalang alang na mga teksto. Kabilang dito ang mga manuskritong Codex Vaticanus at Codex Sinaiticus. Ang karamihan sa tradisyong ito ay lumalabas na nagmula sa Alexandria, Ehipto. Ito ay naglalaman ng mga pagbasang maikli, magaspang, hindi magkakaayon at mas mahirap. Ang pamilyang ito ay minsang inakala na isang maingat na inedit na ika-3 siglong recension ngunit sa kasalukuyan ay pinaniniwalaang resulta lamang ng maingat na kontrolado at pinangasiwaang proseso ng pagkopya at transmisyon. Ito ang pinagsasaligan ng mga modernong salin ng Bagong Tipan ng Bibliya. | NIV, NAB, TNIV, NASB, RSV, ESV, EBR, NWT, LB, ASV, NC, GNB |
Tekstong-uring Kanluranin | ika-3 siglo hanggang ika-9 siglo CE | Ito ay isa rin sa sinaunang mga teksto ng Bagong Tipan at nagmula sa malawak na sakop mula Hilagang Aprika hanggang Italya mula Gaul hanggang Syria. Ito ay matatagpuan sa mga manuskritong Griyego at mga saling Latin na ginamit ng Kanluraning simbahan sa Roma. Ito ay hindi mas kontrolado kesa sa pangkat na Alexandrian at nakikitang mas naapektuhan ng mga paraphrase (inibang salita) at mga korupsiyon. | Vetus Latina |
Tekstong-uring Byzantine (Tekstong Mayoridad) |
ika-5 hanggang ika-16 siglo CE | Ito ang pangkat ng mga 80% ng lahat ng mga Griyegong manuskrito na ang karamihan ay kalaunan sa tradisyon. Ito ay nanaig sa Silangan sa Constantinople mula ika-5 siglo at malawak na ginamit sa Simbahang Byzantine. Ang pangkat na ito ay naglalaman ng pinakaharmonistikong mga pagbasa, mga paraphrase at labis na mga karagdagan na karamihan ay pinaniniwalaang ikalawang mga pagbasa. Ito ang pinagsaligan ng Textus Receptus na basehan ng mga lumang salin ng Bagong Tipan na ginamit noong panahon ng Repormasyong Protestante. | KJV, NKJV, Tyndale, Coverdale, Geneva, Bishops' Bible, Douay-Rheims, JB, NJB, OSB |
Sa pagtatangka na tukuyin ang orihinal na teksto ng mga aklat ng Bagong Tipan, tinukoy ng mga iskolar ng kritisismong tekstuwal ang ilang mga seksiyon bilang mga interpolasyon o karagdgan. Sa mga modernong salin ng Bibliya gaya ng NIV, ang resulta ng kritisismong tekstuwal ay nagresulta sa pag-alis ng ilang mga talata, salita at parirala o pagmarka sa mga ito na hindi kabilang sa orihinal na manuskrito. Makikita ang mga pagkakaibang ito sa mga lumang salin gaya ng KJV at mga bagong salin gaya ng NIV dahil ang mga pinagsaligan ng mga bersiyong ito ay magkaiba. Ayon sa iskolar na si Bart D. Ehrman, "Ang mga karagdagan ng skribang ito ay kadalasang makikita sa mga kalaunang mediebal na manuskrito ng Bagong Tipan ngunit hindi sa mga manuskrito ng sinaunang manuskrito...at dahil ang KJV ay batay sa mga kalaunang manuskritong ito, ang gayong mga talata ay naging bahagi ng tradisyon ng Bibliya sa mga lupain na nagsasalita ng Ingles."[36] Ang karamihan sa mga modernong salin ng Bagong Tipan ay may mga footnote na nagpapakita ng mga talata na may tinutulang mga pinagkunang dokumento. Ang mga komentaryo ng Bibliya ay tumatalakay rin sa mga ito at minsan ay sa dakilang detalye. Kabilang sa mga kalaunang karagdagan sa manuskrito ng Bagong Tipan ang sumusunod: [37][38]
- ang wakas ng Ebanghelyo ni Marcos na Kapitulo 16:9-20.
- (Luke 22:43–44).
- Ang kuwento ng babaeng nangalunya sa Ebanghelyo ni Juan na tinatawag na Pericope Adulterae.
- ang hayagang reperensiya sa Trinidad sa I Juan 5:7 na Comma Johanneum.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Ehrman 2005, p. 46
- ↑
Vincent. A History of the Textual Criticism of the New Testament
"... that process which it sought to determine the original text of a document or a collection of documents, and to exhibit, freed from all the errors, corruptions, and variations which may have been accumulated in the course of its transcription by successive copying." - ↑ Tanselle, (1989) A Rationale of Textual Criticism'
- ↑ Jarvis 1995, pp. 1–17
- ↑ Montgomery 1997
- ↑ Comfort, Comfort 2005, p. 383
- ↑ Aland, B. 1994, p. 138
- ↑ 8.0 8.1 Hartin, Petzer, Mannig 2001, pp. 47–53
- ↑ Aland K., Aland, B. 1987, p. 276
- ↑ http://www.ualberta.ca/~sreimer/ms-course/course/scbl-err.htm
- ↑ "Critical Rules of Johann Albrecht Bengel". Bible-researcher.com. Nakuha noong 2008-05-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ J.J. Griesbach, Novum Testamentum Graece
- ↑ "Critical Rules of Johann Albrecht Bengel". Bible-researcher.com. Nakuha noong 2008-05-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
"Brevior lectio, nisi testium vetustorum et gravium auctoritate penitus destituatur, praeferenda est verbosiori. Librarii enim multo proniores ad addendum fuerunt, quam ad omittendum." - ↑ "Theories of Westcott and Hort". Bible-researcher.com. Nakuha noong 2008-05-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
"The reading is to be preferred that makes the best sense, that is, that best conforms to the grammar and is most congruous with the purport of the rest of the sentence and of the larger context." (2.20) - ↑ Aland, Kurt; and Barbara Aland; Erroll F. Rhodes (trans.) (1995). The Text of the New Testament: An Introduction to the Critical Editions and to the Theory and Practice of Modern Textual Criticism. Grand Rapids: William B. Eerdmans Publishing Company. p. 236. ISBN [[Special:BookSources/978080284098L|978080284098[[Kategorya:Mga artikulong mayroong hindi katanggap-tanggap na mga ISBN]]L]].
{{cite book}}
: Check|isbn=
value: invalid character (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Quoted in Greg 1950, pp. 23–24
- ↑ McKerrow 1939. pp. 17–8, quoted in Greg 1950, p. 25
- ↑ Greg 1950, p. 21
- ↑ Greg 1950, p. 22
- ↑ Greg 1950, p. 26
- ↑ Greg 1950, p. 29
- ↑ Greg 1950, p. 31
- ↑ Bowers 1964, p. 224
- ↑ Greg 1950, p. 36
- ↑ Bowers 1973, p. 86
- ↑ Journal of Qur'anic Studies. Volume 10, Page 72–97 DOI 10.3366/E1465359109000242, e-ISSN 1465-3591
- ↑ Transcribing God's Word: Qur'an Codices in Context – Edinburgh University Press
- ↑ ^ a b Lester, Toby (1999) "What is the Koran?" Atlantic Monthly
- ↑ The Syro-Aramaic Reading of the Koran: A Contribution to the Decoding of the Language of the Koran by Christoph Luxenberg
- ↑ Tov 2001, p. 9
- ↑ Edwin Yamauchi, "Bastiaan Van Elderen, 1924– 2004," SBL Forum
- ↑ Tov, E. 2001. Textual Criticism of the Hebrew Bible (2nd ed.) Assen/Maastricht: Van Gocum; Philadelphia: Fortress Press. As cited in Flint, Peter W. 2002. The Bible and the Dead Sea Scrolls as presented in Bible and computer: the Stellenbosch AIBI-6 Conference: proceedings of the Association internationale Bible et informatique, "From alpha to byte", University of Stellenbosch, 17–21 July, 2000 Association internationale Bible et informatique. Conference, Johann Cook (ed.) Leiden/Boston BRILL, 2002
- ↑ Laurence Shiffman, Reclaiming the Dead Sea Scrolls, p. 172
- ↑ The Canon Debate, McDonald & Sanders editors, 2002, chapter 6: Questions of Canon through the Dead Sea Scrolls by James C. VanderKam, page 94, citing private communication with Emanuel Tov on biblical manuscripts: Qumran scribe type c.25%, proto-Masoretic Text c. 40%, pre-Samaritan texts c.5%, texts close to the Hebrew model for the Septuagint c.5% and nonaligned c.25%.
- ↑ Aland, p 81
- ↑ Ehrman, Bart D.. Misquoting Jesus: The Story Behind Who Changed the Bible and Why. HarperCollins, 2005, p. 265. ISBN 978-0-06-073817-4
- ↑ Ehrman 2006, p. 166
- ↑ Bruce Metzger "A Textual Commentary on the New Testament", Second Edition, 1994, German Bible Society