Joas ng Juda

Hari pagkatapos ni Reyna Atalia, Ikapitong Hari ng Juda o Walong Pinuno ng Juda
(Idinirekta mula sa Jehoash ng Juda)

Si Jehoash (Hebrew: יְהוֹאָשׁ, Modern: Yəhōʾāš, Tiberian: Jehovah-given”; Griyego: Ιωας; Latin: Joas) o Joash (sa King James Version), Joas (sa Douay–Rheims) o Joás (Hebrew: יוֹאָשׁ, Modern: Yōʾāš, Tiberian: {{{3}}}),[1] ay isang hari ng Kaharian ng Juda at anak ni Ahaziah ng Juda. Siya ay naghari sa edad na 35 noong ika-7 na taon ng paghahari ni Jehu na hari ng Kaharian ng Israel at naghari ng 40 taon sa Kaharian ng Juda(2 Hari 12:1-2). Ang kanyang ina ay si Zibia . Ayon sa 2 Hari 12:2-2, At gumawa si Jehoash ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, sa lahat ng kaniyang kaarawan na ipinagturo sa kaniya ni Jehoiada na saserdote. Gayunpaman, "ang mga mataas na dakol ay hindi inalis" at ang bayan ay nagpatuloy na naghahain, at nagsusunog ng kamangyan sa mga mataas na dako.(2 Hari 12:3) Ito ay salungat sa 2 Kronika 23:16-17 na sa panahon ni Jehoash, si Jehoiada ay nakipagtipan haring si Jehoash na sila'y magiging bayan ng Panginoon. At ang buong bayan ay naparoon sa bahay ni Baal, at ibinagsak, at pinagputolputol ang kaniyang mga dambana at ang kaniyang mga larawan, at pinatay si Mathan na saserdote ni Baal sa harap ng mga dambana."

Joas
Jehoash from Guillaume Rouillé's Promptuarii Iconum Insigniorum, 1553
hari ng Kaharian ng Juda
c. 836–796 BCE
Predecessor Athaliah, lola
Successor Amazias, anak
Consort Joaddan ng Herusalem
Anak Amazias
Sambahayan Sambahayan ni David
Ama Ahazias ng Juda
Ina Zibias ng Beersheba
Kapanganakan c. 843 BCE
Herusalem, Kaharian ng Juda
Kamatayan c. 796 BCE (edad 45 o 46)
Millo, Jerusalem
Libingan City ni David

Sa Ebanghelyo ni Mateo Kapitulo 1, sa heneaolohiya ni Hesus upang patunayang si Hesus ang mesiyas mula sa angkan ni David, si Jehoash kasama nina Ahaziah, Amaziah at Jehoiakim ay inalis bilang mga ninuno ni Hesus at sinabing ang ama ni Jeconias ay si Josias.

Mga sanggunian

baguhin