Ocozias ng Juda

Ikaanim na Hari ng Juda
(Idinirekta mula sa Amaziah ng Juda)

Si Ahazias ng Juda, Ochozias (Hebrew: אֲחַזְיָהוּ, Modern: ʼĂḥazyāhū, Tiberian: {{{3}}}; Griyego: Οχοζιας Okhozias; Latin: Ahazia) o Jehoahaz I ay hari ng Kaharian ng Juda at naghari ng isang taon(2 Kronika 22:2). Ayon sa 2 Hari 9:29, siya ay naghari noong ika-11 taon ni Jehoram ng Kaharian ng Israel ngunit ayon sa 2 Hari 8:23, siya ay naghari sa ika-12 taon ni Jehoram ng Israel. Siya ang unang hari ng Judah na mula sa sambahayan ni David at sambahayan ni Omri ng Israel. Ayon 2 Hari 8:26, si Ahazias ay 22 taong gulang nang maghari ngunit ayon sa 2 Kronika 22:2, siya ay 42 taong gulang nang maghari. Sa panig ng kanyang inang si Athaliah, siya ay apo sa tuhod ni Omri dahil si Athaliah ay anak ni haring Ahab (na ama ni Omri) at ng Reynang si Jezebel. Ang kanyang inang si Athalia ay asawa ni Jehoram ng Juda at kalaunan ay naging isang Reyna ng Juda. Si Reyna Jezebel kasama ng kanyang asawang si haring Ahab ng Israel ay nagtatag ng pagsamba kina Ba'al at Asherah sa buong bansa. Sa karagdagan, marahas na pinuksa ni Jezebel ang mga propeta ni Yahweh mula sa Israel na nagdulot sa pagkawasak ng sambahayang Omri. Si Ahazias ay inalalarawan sa Bibliya na isang napakasamang tao at pinatay ni Jehu(2 Kronika 22:5-9). Si Jehoram ay kasama ni Ahazias upang digmain ang mga Arameo sa Ramoth-Gilead(2 Hari 8:28) ngunit sa 2 Hari 8:29 si Jehoram lamang ang nakidigma sa mga Arameo sa Ramoth-Gilea(ang Ramoth-Gilead ay inalis sa 2 Hari 9:15 na isang pagtutuwid ng kalaunang editor ng 2 Hari) na parehong pangyayari sa 2 Hari 8:29. Ayon sa 2 Hari 9:27 si Ahazias ay tumakas kay Jehu mula sa Beth-Hagan hanggang sa Megiddo kung saan siya pinatay ni Jehu ngunit sa 2 Kronika 22:9,si Ahazias ay nagtago sa Samaria kung saan siya pinatay Jehu.[1]

  1. Ancient Israel and Historiography, Nadav Na'aman
Ahaziah o Ochozias
Paghaharic. 842 – 841 BCE
Buong pangalanAhaziah ben Jehoram
Hebrewאֲחַזְיָה
Lugar ng kapanganakanHerusalem, Kaharian ng Juda
Kamatayanc. 841 BCE
Lugar ng kamatayanMegiddo, Kaharia ng Israel (Samaria)
PinaglibinganSiyudad David, c. 841 BCE
SinundanJehoram
KahaliliAthaliah
Konsorte kayZibiah
SuplingJehoash ng Juda
Bahay MaharlikaSambahayan ni David
AmaJehoram
InaAthaliah