Jehu
Si Jehu (Hebreo: יֵהוּא Yēhū’, Siya ay si "Yahweh "; Acadio: 𒅀𒌑𒀀 Ya'úa [ia-ú-a]; Latin: Iehu) ay isang hari ng Kaharian ng Israel (Samaria) na ayon sa Tanakh ay kilala sa pagpatay sa sambahayan ni Omri kabilang si Ahab at asawa nitong si Jezebel. Siya ang komandante sa mga karro ni Ahab at Jehoram sa hannganan ng Israel na nahaharap sa Damasco at Asirya. Si Ahab ay napatay sa digmaan sa Asirya at tinanggap ni Jehu ang imbitasyon ni propetang Eliseo na kahalili ni Elias ng paksiyon ng maka-Yahweh laban sa paksiyon na maka-Ba'al upang patalsikin ang dinastiya ni Omri (2 Hari 9-10). Sa isang propetikong kautusan, pinatay ni Jehu sina Ahazias ng Juda, Jehoram ng Israel(2 Hari 9:24-27) at 70 anak na lalake ni Jehoram(2 Hari 10:11) gayundin din si Jezebel(2 Hari 9:7). Ito ay salungat sa Tel Dan Stele na ang pumatay kina Ahazias at Jehoram ay si Hazael ng Aram. Ang ilang apolohistang Kristiyano ay nagmungkahing walang salungatan dahil si Hazael at Jehu ay may alyansa ngunit ayon sa 2 Hari 10:31-33, si Hazael at Jehu ay magkalaban. Ayon sa 2 Hari 9:27 si Ahazias ng Juda ay tumakas kay Jehu mula sa Beth-Hagan hanggang sa Megiddo kung saan siya pinatay ni Jehu ngunit sa 2 Kronika 22:9,si Ahazias ay nagtago sa Samaria kung saan siya pinatay Jehu. Sa isang pandaraya ni Jehu, tinipon niya ang mga propeta, mga saserdote at mga mananampalataya ni Ba'al at pinatay ang lahat ng ito at winasak ang templo ni Ba'al(2 Hari 10:23-27). Iminungkahi ni Astour na sinuportahan ng Asirya ang paghihimagsik ni Jehu upang puksain ang paghihimagsik laban sa Asirya at pahupain si Shalmaneser III. Gayunpaman, ang ebidensiya ay nagpapatunay na ang pangunahing interes ni Shalameneser III pagkatapos ng pagkawasak ng koalisyon sa Damasco ay si Hazael ng Aram at hindi ang Israel.[1] Wala ring saysay na kung sinuportahan ng Asirya si Jehu ay bakit humingi ang Asirya ng tributo kay Jehu gaya ng makikita sa Itim na Obelisko ni Shalmaneser III kung saan tinawag si "Jehu na anak na lalake ni Omri". Dahil sa kalupitang ito ni Jehu ayon sa Aklat ni Hosea 1:4,"' At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Jezreel; sapagka't sangdali pa at aking igaganti ang dugo ng Jezreel sa sangbahayan ni Jehu, at aking wawakasan ang kaharian ng sangbahayan ni Israel."
Jehu | |
---|---|
Koronasyon | Ramoth-Gilead, Kaharia ng Israel (Samaria) |
Pinaglibingan | Samaria, Kaharia ng Israel (Samaria) |
Sinundan | Jehoram ng Israel |
Kahalili | Jehoahaz ng Israel, anak |
Supling | Jehoahaz ng Israel |
Ama | Jehoshaphat |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Ancient Israel's History and Historiography, Nadav Na'aman