Shalmaneser III
Si Shalmaneser III (Šulmānu-ašarēdu, "Ang Diyos na si Shulmanu ay Higit sa Lahat") ay hari ng Imperyong Neo-Asirya mula sa kamatayan ng kanyang amang si Ashurnasirpal II noong 859 BCE hanggang sa kanyang kamatayan noong 824 BCE.[1]
Shalmaneser III | |
---|---|
| |
Paghahari | 859–824 BCE |
Kapanganakan | 893-891 BCE |
Kamatayan | c. 824 BCE |
Sinundan | Ashurnasirpal II |
Kahalili | Shamshi-Adad V |
Ama | Ashurnasirpal II |
Ina | Mullissu-mukannishat-Ninua (?) |
Ang kanyang mahabang paghahari ay isang patuloy na pangangampanya laban sa mga silangang tribo na mga Babilonya, mga bansa ng Mesopotamiya at Syria gayundin ang Kizzuwadna at Urartu. Napasok ng kanyang hukbo ang Ilog Van at ang Kabundukang Taurus. Ang mga Neo-Hiteo ng Carcemish ay napilitang magbayad ng tributo] at ang mga kaharian ng Hamath at Aram-Damasco ay kanyang sinakop. Sa mga annal ni Shalmaneser III mula 850 BCE na ang mga taong Arabe at Kaldea ay unang lumitaw sa nakatalang kasaysayan.
Sinimulan ni Shalmaneser III ang digmaang kampanya laban sa kahariang Urartu at noong 858 BCE ay winasak niya ang lungsod ng Sugunia at noong 853 BCE ay ng Araškun. Ang parehong lungsod ay pinagpalagay ng mga kabisera ng kaharian bago ang oth cities arg Tushpa ay naging kabisera ng Urartu .[2] Noong 853 BC, ang isang koalisyon ay nabuo ng 11 estado na pinamunuan ni Hadadezer (Hadad-ezer) na hari ng Aram ng Damasco, Irhuleni na hari Hamath, Ahab na hari ng Kaharian ng Israel (Samaria), Gindibu na hari ng mga Arab at ilang mga pinuno na lumaban kay Shalmaneser III sa Labanan ng Qarqar. Inangkin ni Shalmaneser na tinalo niya ang mga pinunong ito sa tulong ng Diyos na si Ashur. Kalaunan, muling nilabanan ni Shalmaneser III ang kanyang mga kaaway sa mga sumunod na taon na humantong sa pananakop sa Levant ng Asirya.
Bahagi ng salin ng mga Monolitang Kurkh
baguhin- Sa mga puwersang suprema na binigay sa akin ni Ashur, ang aking Panginoon kasama ng mga makapangyarihang sandata na may makaDiyos na pamantayan na nauuna sa akin na ipinagkaloob sa akin, aking nilabanan sila. Aking tinalo sila mula sa siyudad ng Qarqar hanggang sa siyudad ng Gilzau. Aking pinutol ng espada ang 14,000 hukbo ng lumalaban na lalake. Gaya ni Hadad, pinaulan ko sila ng isang nakakawasak na delubyo. Aking pinalaganap ang kanilang mga bangkay at pinuno ang kapatagan. Aking pinutol ng espada ang kanilang mga hukbo. Aking pinadanak ang kanilang dugo sa mga wadi. Ang lupain ay sobrang liit sa pagpapatag ng kanilang mga katawan. Ang malawak na tabing nayon ay naubos sa paglibing sa kanila. Aking hinarang ang ilog Orontes ng kanilang mga bangkay gaya ng isang itinaas na daanan. Sa gitna ng laban, aking kinuha ang kanilang mga karro, kabalyero at mga pangkat ng mga kabayo.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Black Obelisk of Shalmaneser II". Mcadams.posc.mu.edu. Nakuha noong 26 Oktubre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Çiftçi, Ali (2017). The Socio-Economic Organisation of the Urartian Kingdom. Brill. p. 190. ISBN 9789004347588.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)