Si Gregory Ligot Tangonan (1947 - ) ay isang Pilipinong imbentor ng antenang analog sa pagpapadala ng mensahe gamit ang Fiber Optics at Digitalization para pagpa-proseso nito. Ang kanyang patent ay tinatawag na Stress bimorph mems switches and methods of making same.

Ipinganak man sa Springfield, Massachusetts, Estados Unidos noong Oktubre 26, 1947 alam ni Gregory o Greg na siya ay Pilipino. Ang kanyang inang si Aurea ay tubong Laoag, Ilocos Norte. Nakapagaral siya sa Cathedral School sa Hawaii, nagpatuloy sa California at nagtapos ng High School sa La Fuente High School taong 1965. Ang kanyang tiyahin na si Gloria Ligot Escano ang nagalok sa kanya ng pag-aaral sa Unibersidad ng San Carlos sa Cebu ng kursong Physics. Makalipas ang dalawang taon, lumipat siya sa Pamantasang Ateneo de Manila upang ipagpatuloy ang nasabing kurso at natapos ito taong 1969. Sa taon ding ito namatay ang kanyang ina sa sakit na kanser.

Nagbalik siya ng Honolulu, Hawaii at doon nagtapos ng kanyang Master's Degree in Physics sa Unibersidad ng California (California State University, CSU, 1971). Sa CSU nakita ni Greg ang tungkol sa Howard Hughes Foundation na kasama ng Hughes Research Laboratories (HRL) na nagbibigay ng scholarship. Siya ay mapalad na napagkalooban ng nasabing fellowship. Nag-aral siya sa California Institute of Technology (Caltech) para sa kanyang Doctoral Degree.

Sa Caltech niya narinig at naging guro si Richard Feynman, isang kilalang Physicist. Pinag-aralan ni Greg ang mga metal (amorphous) at mga katangian (properties) nito, kapag mainit man o malamig. Naging adviser niya si Dr. Fol Duwez (isang Belgiano), na nang mga panahong iyon ay kabilang sa Atomic Energy Commission. Sa mga panahong iyon ay nagtatrabaho si Greg ng part time sa HRL. Natamo niya ang kanyang Doctorate Degree in Applied Physics taong 1975, mula sa Caltech.

Nahasa ang kanyang kaalaman tungkol sa fiber optics nang siya ay mag-fulltime na ng pagtratrabaho sa Caltech. Ang paggamit ng fiber optics ay isang teknolohiya na ginagamit para makapag-transmit ng datus. Ang fiber optics ay sinulid na gabuhok ang nipis na kayang pagdaanan ng sinag ng ilaw o liwanag kahit na nakabaluktot o nakatupi man ito.

Bago pa man napabilang si Greg sa Kompanyang HRL, kilala na ito sa pangunguna sa pag-aaral ng tungkol sa teknolohiyang ginagamitan ng laser. Sa HRL, si Greg at kanyang mga kasama ay nag-eksperimento sa iba't ibang ayos ng circuit at ibat ibang signal, hanggang madiskubre nila ang opto-electronic switches-isang teknolohiyang pinagsasama ang liwanag at elektrisidad para sa pagdaloy ng mensahe. Hindi naging madali para kay Greg at sa kanyang grupo ang pag-aaral ng pagpapadala ng signal gamit ang digital na paraan mula sa sistemang analog. Sa ngayon, ang kumbinasyong digital at analog transmission gamit ang fiber optics ang ginagamit ng cable-TV.

Bahagi rin ng mga pag-aaral ni Greg ang pag-imbento ng antenna sa paraang pagsasama-sama sa isang malaking kable ng lahat ng analog signals at pagpapadaloy nita sa mga fiber optics gamit ang digitalization. Ito ay malaking katipiran sa oras at gastusin. Ito ang nagpasimula sa lalo pang pagganda ng teknolohiya ng komunikasyon. Nakikita ni Greg ang paggamit ng fiber optics sa halos lahat ng pakikipag-ugnayan (networkings) sa darating na panahon.

Sanggunian

baguhin