Ang Guiyang ay ang kabisera ng lalawigan ng Guizhou sa Timog-kanlurang Tsina. Matatagpuan ito sa gitnang bahagi ng lalawigan, sa silangan ng Talampas Yunnan–Guizhou, at sa hilagang pampang ng Ilog Nanming, isang sangay ng Ilog Wu. May elebasyon ito na humigit-kumulang 1,100 metro (3,600 talampakan). May lawak itong 8,034 kilometro kuwadrado (3,102 milya kuwadrado).[1] Ayon sa Senso 2010, ang populasyon nito ay 4,324,561 katao, 3,037,159 sa kanila ay nakatira sa 7 mga distritong urbano.[2]

Guiyang

贵阳市
Paikot sa kanan mula taas: Panoramang urbano ng Guiyang, Pabilyon ng Jiaxiu, Lumang Bayan ng Qingyan, Otel ng Sheraton sa Guiyang
Mga palayaw: 
Ang Kagubatang Lungsod, Ang Kabisera ng Tsina sa Tag-init, Ang Ikalawang Lungsod ng Tagsibol
Map
Kinaroroonan ng Lungsod ng Guiyang (dilaw) sa Guizhou at sa Tsina (PRC)
Kinaroroonan ng Lungsod ng Guiyang (dilaw) sa Guizhou at sa Tsina (PRC)
Guiyang is located in China
Guiyang
Guiyang
Kinaroroonan sa Tsina
Mga koordinado (pamahalaang munisipyo ng Guiyang): 26°38′49″N 106°37′48″E / 26.647°N 106.630°E / 26.647; 106.630
BansaRepublikang Bayan ng Tsina
LalawiganGuizhou
Pamahalaan
 • Kalihim ng PartidoLi Zaiyong
 • AlkaldeChen Yan
Lawak
 • Antas-prepektura na lungsod8,034 km2 (3,102 milya kuwadrado)
 • Urban
2,403.4 km2 (928.0 milya kuwadrado)
 • Metro
2,403.4 km2 (928.0 milya kuwadrado)
Taas
1,275 m (4,183 tal)
Populasyon
 (Pagtataya 2016)
 • Antas-prepektura na lungsod4,696,800
 • Kapal580/km2 (1,500/milya kuwadrado)
 • Urban
3,483,100
 • Densidad sa urban1,400/km2 (3,800/milya kuwadrado)
 • Metro
3,483,100
 • Densidad sa metro1,400/km2 (3,800/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+08:00 (Pamantayang Tsina)
Kodigong postal
550000
Kodigo ng lugar(0)851
Kodigo ng ISO 3166CN-GZ-01
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan贵A
Websaytgygov.gov.cn
Guiyang
"Guiyang" sa Pinapayak (sa taas) at Nakagisnang (sa baba) mga Tsinong panitik
Pinapayak na Tsino贵阳
Tradisyunal na Tsino貴陽
Hanyu PinyinGuìyáng
Kahulugang literal"Katimugang Dalisdis ng [Bundok] Guì"

Napalilibutan ang Guiyang ng mga bundok at gubat, at mayroon itong mahalumigmig na klimang subtropikal. Tinitirhan na ang pook mula pa noong panahon ng Tagsibol at Taglagas, at pormal itong naging kabisera ng lalawigan noong 1413, sa panahon ng dinastiyang Yuan. Tahanan ang lungsod ng malaking populasyon ng mga Miao at Bouyei na etnikong minorya. May samu't-saring ekonomiya ang Guiyang na kinagisnang sentro ng paggawa ng aluminyo, pagmina ng phosphate, at pagyari ng mga kagamitan sa paningin (optical instruments). Ngunit kasunod ng mga pagbabago, malaking bahagi ng benta (eocomic output) ng lungsod ay sa sektor ng paglilingkod. Mula noong 2015, naranasan nito ang nakapuntiryang mga pamumuhunan sa big data at mabilis na naging isang pusod ng lokal na inobasyon ang lungsod.

Mga paghahating pampangasiwaan

baguhin

Ang buong pamprepektura na teritoryo ng Guiyang ay kasalukuyang binubuo ng anim na mga distrito, isang antas-kondado na lungsod at tatlong mga kondado. Ang mga distrito ay Nanming, Yunyan, Huaxi, Wudang, Baiyun at Guanshanhu. Ang antas-kondado na lungsod ay Qingzhen at ang mga kondado ay Kaiyang, Xifeng at Xiuwen. Ang Bagong Distrito ng Gui'an, isang hindi pampangasiwaan na proyektong ekonomiko, ay matatagpuan sa timog-kanluran ng Guiyang. Umaabot ito sa mga lugar na nasa hurisdiksiyon ng kalapit na antas-prepektura na lungsod ng Anshun.

Map
Kodigo ng dibisyon[3] Ingles Tsino Pinyin Lawak sa
kilometro kuwadrado[4]
Luklukan Kodigong postal Mga paghahati[5]
Mga subdistrito Mga bayan Mga township Mga etnikong township Mga komunidad pamahayan Mga nayon
520100 Guiyang 贵阳市 Guìyáng Shì 8034[6] Distrito ng Guanshanhu 550000 49 29 48 18 460 1166
520102 Distrito ng Nanming 南明区 Nánmíng Qū 209 Subdistrito ng Daang Xinhua (新华路街道) 550000 15 4 1 139 29
520103 Distrito ng Yunyan 云岩区 Yúnyán Qū 94 Subdistrito ng Daang Guiwu (贵乌路街道) 550000 18 1 134 19
520111 Distrito ng Huaxi 花溪区 Huāxī Qū 958 Subdistrito ng Guizhu (贵筑街道) 550000 8 2 9 5 42 170
520112 Distrito ng Wudang 乌当区 Wūdāng Qū 686 Subdistrito ng Xintian (新天街道) 550000 2 3 5 2 19 74
520113 Distrito ng Baiyun 白云区 Báiyún Qū 260 Subdistrito ng Dashandong (大山洞街道) 550000 4 3 2 2 31 56
520115 Distrito ng Guanshanhu 观山湖区 Guānshānhú Qū 307 Subdistrito ng Jinyang (金阳街道) 550000 1 2 1 16 33
520121 Kondado ng Kaiyang 开阳县 Kāiyáng Xiàn 2026 Bayan ng Chengguan (城关镇) 550300 6 10 3 13 108
520122 Kondado ng Xifeng 息烽县 Xīfēng Xiàn 1037 Bayan ng Yongjing (永靖镇) 551100 4 6 1 13 161
520123 Kondado ng Xiuwen 修文县 Xiūwén Xiàn 1076 Bayan ng Longchang (龙场镇) 550200 4 6 1 12 217
520181 Qingzhen 清镇市 Qīngzhèn Shì 1381 Bayan ng Hongfenghu (红枫湖镇) 551400 1 4 5 3 41 299

Mga sanggunian

baguhin
  1. (sa Tsino) "Profile of Guiyang". www.xzqh.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Archived copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-28. Nakuha noong 2012-03-14.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Statistics of China 2010 Census
  3. 国家统计局统计用区划代码 Naka-arkibo 2013-04-05 sa Wayback Machine.
  4. 《贵阳统计年鉴2011》
  5. 《中国民政统计年鉴2011》
  6. 国土资源局数字为8046.67平方公里
baguhin