Katakawan
Ang katakawan o glutoniya ay ang kasibaan sa pagkain at inumin o labis na pagkonsumo ng pagkain, inumin, at mga bagay na nakalalasing o intoksikante na umaabot sa pag-aaksaya. Sa ilang mga Kristiyanong denominasyon, itinuturing ito bilang isa sa pitong nakamamatay na mga kasalanan sapagkat isa itong wala sa lugar o hindi tamang pagnanais ng pagkain o pagkakait sa mga maralita at nangangailangan, sapagkat kumakain ng labis ang isang tao o kaya gumagawa ang tao ng paraan upang hindi mapunta ang pagkain o inumin patungo sa mga may kailangan nito. Nagbuhat ang salitang glutoniya mula sa Ingles na gluttony, na nagmula naman sa Lating gluttire na nangangahulunang lununin, lulunin, o lunukin.[1][2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Gaboy, Luciano L. Gluttony - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Okholm, Dennis. Rx for Gluttony Naka-arkibo 2016-03-24 sa Wayback Machine., Christianity Today, Tomo 44, Bilang 10, Setyembre 4, 2000, pahina 62.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.