Gulat ng suplay
Sa ekonomika, ang gulat ng suplay(supply shock) ang pangyayari na biglaang nagbabago ng presyo ng kalaka o serbisyo. Ito ay maaaring sanhi ng biglaang pagtaas o pagbawas ng suplay ng isang partikular na kalakal. Ang biglaang pagbabagong ito ay umaapekto sa presyo ng ekwilibriyum. Ang isang negatibong gulat ng suplay na isang biglaang pagbawas ng suplay ay magtataas ng mga presyo at maglilipat ng kurba ng kabuuang suplay sa kaliwa. Ang isang negatibong gulat ng suplay ay maaaring magresulta ng stagplasyon sanhi ng pinagsamang pagtaas ng mga presyo at pagbagsak ng output(inilalabas). Ang isang positibong gulat ng suplay na isang pagdami ng suplay ay magbabagsak ng presyo ng isang kalakal at maglilipat ng kurba ng kabuuang suplay sa kanan. Ang isang positibong gulat ng suplay ay maaaring isang pagsulong sa teknolohiya na gumagawa sa paglikha ng kalakal sa mas maiging paraan kaya dumadami ang output(inilalabas). Ang isang halimbawa ng negatibong gulat ng suplay ang pagtaas ng presyo ng langis noong 1973 krisis ng enerhiya.