Gusaling Calvo
gusali sa Escolta, Maynila sa Pilipinas
Calvo Building | |
---|---|
Pangkalahatang impormasyon | |
Estilong arkitektural | Beaux-Arts architecture |
Pahatiran | 266 Escolta Street corner Soda Street |
Bayan o lungsod | Binondo, Maynila |
Bansa | Pilipinas |
Mga koordinado | 14°35′50″N 120°58′42″E / 14.597141°N 120.978221°E |
Kasalukuyang gumagamit | Tropical hut |
Groundbreaking | 1938 |
Binuksan | 1938 |
May-ari | Angel Calvo |
Disenyo at konstruksiyon | |
Arkitekto | Fernando Ocampo, Sr. |
Kumpanya ng arkitektura | Arguille & Ocampo Architects |
Ang Gusaling Calvo (Ingles: Calvo Building) ay isang makasaysayang gusali sa kahabaan ng Kalye Escolta, Binondo, Maynila, Pilipinas. Ito ay itinayo noong 1938 at ito ay isang natatanging halimbawa ng arkitekturang beaux-arts. Nagsilbi itong istasyon ng radyong DZBB-AM bago lumipat sa kasalukuyang lokasyon nito sa Diliman, Lungsod ng Quezon . Dito matatagpuan ang Museong Escolta na naglalaman ng mga memorabilya mula sa nakaraan. Ang gusali ay dinisenyo ni Ar. Fernando H. Ocampo, Sr..[1]
Palatandaan
baguhinAng makasaysayang pananda na pinamagatang Gusaling Calvo ay inilagay noong Agosto 14, 2018 sa loob ng gusali. Ito ay itinalaga ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.
Orihinal na teksto sa Wikang Filipino | Isinaling teksto sa Ingles |
---|---|
ITINAYO AYON SA DISENYO NI FERNANDO OCAMPO SA LUPANG PAG-AARI NG MAG-ASAWANG ANGEL CALVO AT EMILIANA MORTERA, 1938. NAGING OPISINA NG MGA KUMPANYANG PANGNEGOSYO AT PANGKABUHAYAN, 1938 - 1944. PANSAMANATALANG GINAMIT NG JAPANESE IMPERIAL FORCES, NOBYEMBRE 1944. NASIRA NOONG LABANAN SA MAYNILA, 1945. IPINAAYOS, 1946. ITINATAG ANG MUSEO NG GUSALING CALVO SA IKALAWANG PALAPAG, 1994. ISA SA MGA NANANATILING GUSALING ITINAYO NOONG MGA UNANG BAHAGI NG SIGLO 20 SA DAANG ESCOLTA. | Built under the designs of Fernando Ocampo on the land owned by the couple Angel Calvo and Emiliana Mortera, 1938. Became offices of commercial companies, 1938 - 1944. Temporarily used by Japanese Imperial Forces, November 1944. Destroyed during the Battle of Manila, 1945. Restored, 1946 Calvo Building Museum was established on its second floor, 1994. One of the remaining buildings from the earlier part of the 20th century along Escolta Street. |
Mga sanggunian
baguhin
Mga kawingang panlabas
baguhinMay kaugnay na midya ang Calvo Building sa Wikimedia Commons