Gusaling El Hogar Filipino
Ang Gusaling El Hogar Filipino na kilala rin bilang ang El Hogar ay isang sinaunang tukodlangit sa Maynila, Pilipinas. Itinayo noong 1914 sa kanto ng Kalye Juan Luna at Muelle dela Industria sa distrito ng Binondo, dinisenyo ang El Hogar nina Ramon Irureta-Goyena at Francisco Perez-Muñoz sa Estilong Beaux-Arts. Sumasalamin din ang arkitektura nito sa mga elemento ng mga estilong Neoklasiko at Renasimyento. Ang El Hogar ay itinayo bilang isang regalong pangkasal sa pag-iisang dibdib ng isang anak na babae ng pamilyang Zobel de Ayala at isang Peruano noong 1914. Ito ay isa sa mga tanyag na gusali sa dating distritong komersiyo ng Maynila noong unang panahon na kung saan ang pangunahing kalye ay ang Escolta.
Gusaling El Hogar Filipino | |
---|---|
Iba pang pangalan | El Hogar |
Pangkalahatang impormasyon | |
Katayuan | Abandonado |
Estilong arkitektural | Neoklasiko at Renasimyento |
Pahatiran | Kanto ng Kalye Juan Luna at Muelle dela Industria, Binondo |
Bayan o lungsod | Maynila |
Bansa | Pilipinas |
Mga koordinado | 14°35′46″N 120°58′32″E / 14.59611°N 120.97556°E |
Binuksan | 1914 |
Disenyo at konstruksiyon | |
Arkitekto | Ramon Irureta-Goyena at Francisco Perez-Muñoz |