Si Gyanu Rana (Nepali : ज्ञानु राणा; ipinanganak noong Oktubre 3, 1949) ay isang mang-aawit at isang huwes ng palabas panrealidad, ipinanganak sa Thamel, Kathmandu, Nepal. Sumulat siya at kumanta ng mga duet tulad ng "Siri ma Siri ni Kanchha" at "Manchhe ko Maya Yaha" kasama si Narayan Gopal, isa pang Nepali na mang-aawit.[1]

Maagang buhay at edukasyon

baguhin

Si Rana ay anak ni Dharmaraj Thapa, isang kilalang makata at mang-aawit pambayan. Nagtrabaho ang kaniyang ama sa Radio Nepal at kalaunan ay hinirang na miyembro ng Nepal Academy, isang institusyon ng gobyerno ng Nepal na binuo para sa pagsulong at pagpapaunlad ng kulturang Nepali. Ang kaniyang ina, si Savitri Thapa, ang nagtatag ng Dharmaraj Savitri Thapa Lok Sahitya Guthi, isang forum upang i-promote ang mga katutubong kanta at kultura ng Nepal.[2]

Si Rana ay lumaki sa pagkakahating Batulechaur ng Pokhara, Nepal, at doon nag-aral hanggang elementarya. Lumipat siya kalaunan sa Kathmandu para sa mas mataas na pag-aaral. Natapos niya ang kanuyang pag-aaral noong 1965, habang naka-enroll sa Padma Kanya, Dillibazar. Nag-aral siya ng siyensiyang pang-agham sa Mga Kabahayang Bharateswori ng Mymensingh sa Bangladesh noong 1967–68 at naipasa ang kaniyang intermedyang antas na pagsusulit mula sa Pamantasang Tribhuvan ng Nepal noong 1970. Noong 1977, nagsanay siya sa Kolehiyo Pangmusika, Baroda sa ilalim ng MS University, Baroda, India. Noong 1982 nakatanggap siya ng degree ng Senior-level Diploma sa unang dibisyon mula sa Prayag Sngeet Samiti ng Allahabad, India.

Karera

baguhin

Si Rana ay aktibo sa musika mula pa noong kaniyang pagkabata. Ang kaniyang ama, ang kilalang mang-aawit na si Dharma Raj Thapa, ay lumahok sa iba't ibang programa sa Radio Nepal, ang tanging estasyon ng radyo ng gobyerno noong panahong iyon. Tulad ng kaniyang ama ay may tuon din siya sa mga katutubong awit bagaman dalubhasa rin siya sa pagkanta ng mga makabagong kanta at kantang pop. Sa ngayon ay nakapagtala na siya ng higit sa 2000 kanta sa mga wikang Nepali, Hindi, at Urdu gayundin sa mga lokal na wikang Bhojapuri, Maithali, at Newari ng Nepal. Kabilang sa mga naturang kanta ang moderno, klasikal, mga katutubong awit, bhajan, at gazal na may iba't ibang katangian.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "I AM NOT SATISFIED WITH THE SONGS OF THIS GENERATION; GYANU RANA". 3gsmusic.com. 3gsound Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 8, 2014. Nakuha noong Hunyo 9, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Legendary singer Gyanu Rana to be honoured with concert". kathmandupost.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-05-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Legendary singer Gyanu Rana to be honoured with concert". kathmandupost.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-05-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)