Hadad
Si Hadad (Ugaritiko 𐎅𐎄𐎆 Haddu) ay isang Semitikong Panghilaga-kanlurang diyos ng bagyo at ng ulan, na may kaugnayan ang pangalan at ang pinagmulan ng salita sa Akkadianong (Asiryo-Babilonyano) diyos na si Adad. Madalas na tinatawag si Hadad bilang Baʿal (Panginoon), subalit ang pamagat na ito ay ginagamit din para sa ibang mga diyos. Ang toro ay ang pansagisag na hayop para kay Hadad. Lumilitaw siyang may balbas,[1][2] na kadalasang may hawak na pamalo at kidlat habang nakasuot ng isang palamuti sa ulo na mayroong sungay ng toro.[3][4] Ipinapantay si Hadad sa Anatolianong diyos ng bagyo na si Teshub; sa Ehipsiyong diyos na si Set; sa Griyegong diyos na si Zeus; at sa Romanong diyos na si Hupiter, bilang si Jupiter Dolichenus.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Sacred bull, holy cow: a cultural study of civilization's most important animal. Ni Donald K. Sharpes – Pahina 27
- ↑ Studies in Biblical and Semitic Symbolism - Pahina 63. Ni Maurice H. Farbridge
- ↑ Academic Dictionary Of Mythology - Pahina 126. Ni Ramesh Chopra
- ↑ The New Encyclopædia Britannica: Micropædia. Ng Encyclopaedia Britannica, Inc. – Pahina 605
Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.