Jupiter Dolichenus

Si Jupiter Dolichenus ay isang diyos ng sinaunang mga Romano na nilikha mula sa sinkretisasyon ni Hupiter, ang Romanong 'Hari ng mga diyos', at ng isang kultong Baal ng Commagene sa Asya Menor. Ang mga diyos na Baal ay mga haring diyos din at ang kumbinasyon ay nilayon upang makabuo ng isang makapangyarihang kahaluan ng mga tradisyong malahari ng silangan at ng kanluran upang maging iisang diyos. Ang kulto ay isa sa mga Relihiyon ng Misteryo na nagkamit ng katanyagan sa Imperyo ng Roma bilang kapalit ng bukas na relihiyong 'publiko' ng pangunahing daloy ng lipunang Romano. Ang mga templo nito ay nakasara sa mga tagalabas at ang mga tagasunod ay sumasailalim sa mga rito ng inisyasyon bago tanggapin bilang mga deboto. Bilang resulta, napakakakaunti ng nalalaman hinggil sa talagang pagsamba sa diyos maliban na lamang sa mangilan-ngilang mga palatandaan na maaaring makuha magmula sa kalat-kalat na katibayang ikonograpiko, pang-arkeolohiya o epigrapiko. Nagkamit ng katanyagan ang kulto noong ika-2 daantaon AD at umabot sa katagintingan sa ilalim ng dinastiyang Severano noong kaagahan ng ika-3 daantaon AD. Hindi bababa sa labimpitong mga templo ang nalalamang naitatag sa Roma at sa mga lalawigan na, bagaman may sapat na dami, ay mas mababa ang bilang kaysa sa kabantugang tinanggap nina Mithras, Isis o Cybele. Hindi katulad ng mga Kulto ng Misteryong ito, ang pagsamba kay Jupiter Dolichenus ay talagang nakapirmi lamang sa mga pinagmulan nitong pansilangan at ang kulto ay kaagad na napawi pagkalipas ng pagbagsak ng lungsod ng Doliche dahil sa mga Sassanid noong kalagitnaan ng ika-3 daantaon AD.

Jupiter Dolichenus

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.