Knock Out

(Idinirekta mula sa Hajime No Ippo)

Ang Knock Out, o mas kilala sa bansang Japan bilang Hajime No Ippo, ay isang anime and manga na pang-isports. Ito ay ginawa ni Jyogi "George" Morikawa at na-serialize ng Kodansha sa Shonen Weekly.

Knock Out
Fighting Spirit
Hajime no Ippo
Pabalat ng manga
はじめの一歩
DyanraBoxing, Sports
Manga
KuwentoGeorge Morikawa
NaglathalaKodansha
MagasinWeekly Shōnen Magazine
DemograpikoShōnen
Takbo17 Pebrero 1990 (1990-02-17)[1] – kasalukuyan
Bolyum141
Teleseryeng anime
DirektorSatoshi Nishimura
EstudyoMadhouse
Inere saNippon Television
 Portada ng Anime at Manga

Isang bersyong anime ang naisagawa ng Madhouse Production. Nagkaroon ito ng 76 episodes at ipinalabas sa Japan sa estasyong Nippon TV Network mula Oktubre 2000 hanggang Marso 2002.

Istorya

baguhin

Si Ippo Makunochi ay isang mahiyaing estudyante sa hayskul na hindi nagkaroon ng panahon na makipagkaibigan sa iba dahil abala siya sa pagtulong ng kanyang ina sa pangingisda. Dahil dito, may isang grupo ng mga hambog ang nasanayang tuksuin siya.

Isang araw, sinaktan siya ng labis sa mga hambog na ito. Dumaan ang isang propesyonal na boksingero at, nang makita ang pang-aapi na ginawa kay Ippo, tinigilan ang mga hambog sa kanilang ginagawa at dinala si Ippo sa Kamogawa Gym, isang gym na pinagmamay-ari ng retiradong boksingero na si Genji Kamogawa, para maipagamot siya. Nang magising si Ippo sa mga tunog mula sa pag-eensayo ng mga boksingero, sinubukan ni Mamoru Takamura, ang boksingerong lumigtas sa kanya, na pasayahin si Ippo sa pamamagitan ng paglabas ng kanyang sama ng loob sa isang sandbag. Doon nakita nila ang potensiyal ni Ippo na maging boksingero.

Mula noon, palaging nag-eensayo si Ippo sa Kamogawa Gym at pinuntahan ang daan ng propesyonal na boksing sa Japan.

Mga karakter

baguhin

1. Kamogawa Boxing Gym (KBG)

1. 1. Ippo Makunochi — Si Ippo Makunochi ay nagsimulang mag-boksing nang makilala niya si Mamoru Takamura. Sinabi sa kanya na "Kung gusto mong maging malakas, gawin mong sampu ang mga dahon na ito." Ang kanyang boxing style ay ang Live blow, Gazelle punch, at Dempsy roll na ginamit nina Mike Tyson, Floyd Patterson at Jack Dempsey. Mayroon siyang isang talo kay Eiji Date at nabigo siyang kunin ito laban sa kanya. Pero sa Re-match nila ni Takeshi Sendo, nanalo siya via Knock out at siya ay naging kampeon sa Japanese Boxing. Ang hawak na record ni Ippo ay 26 fights, 24 K.O. wins at 2 defeats.

1. 2. Mamoru Takamura — Si Mamoru Takamura ay isang 2 Timed World Champion na walang talo sa Kamogawa gym. Tinulungan niya si Ippo laban sa mga nambubugbog sa kanya. Nang gusto daw ito maging malakas na boksingero, dinala niya ito sa isang puno at pinakuha niya kay Ippo ang sampung dahon mula sa puno. Ang hawak na record ni Takamura ay 22 K.O. wins at 0 defeat.

1. 3. Genji Kamogawa — Si Genji Kamogawa ay isang Head coach at may-ari ng Kamogawa gym. Nang makilala niya si Ippo, tinuruan niya ito kung paano ang tamang galaw, lakas, bilis, at porma ng suntok sa boxing.

2. Kawahara Boxing Gym (2nd KBG)

2. 1. Ichirō Miyata — Si Ichirō Miyata ang ini-idolo at karibal ni Ippo Makunochi sa boksing. Sa una nilang laban sa Kamogawa Gym, siya ang nanalo via knock out, pero sa ikalawa nilang laban sa gym, siya naman ang natalo via 10 counts of knock out. Marami na siyang laban na napanalunan, pero sa iba pa niyang laban natalo din si Miyata. Para sa kanyang pagsasanay, nagpunta siya ng Pilipinas, South Korea, at Thailand. Nang makabalik sa Japan, nakalaban niya ang isang Australianong si Arnie "Crocodile" Gregory para sa OPBF Featherweight Champion. Ang hawak na record ni Miyata ay 23-1-1 na may 21 K.O.'s.

2. 2. Ama ni Miyata — Ang ama ni Ichirō Miyata ay isa ding coach mula sa Kawahara Boxing Gym. Siya palagi ang masusunod kapag mayroong pinagdadaang laban ang kanyang anak.

Pag-ere sa Pilipinas

baguhin

Unang ipinalabas ang anime series na ito sa GMA Network noong 2002. Binanggit din sa dalawang season ng Knock Out ang pangalan ng sikat na Boksingero at kasalukuyang Senador ng Republika ng Pilipinas na si Manny Pacquiao.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Tokyo Graph. "Fighting Spirit (manga) - Hajime no Ippo". Nakuha noong 2007-04-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)