Treadmill
Ang treadmill (bigkas: /tred-mil/), literal na "hakbangang-kabyawan", ay isang katawagan sa Ingles para sa isang makinang pang-ehersisyo na ginagamit para sa pagtakbo o paglakad habang nananatili sa isang lugar. Ang salitang treadmill ay tradisyunal na tumutukoy sa isang uri ng kabyaw o kabyawan na pinapaandar ng isang tao o hayop na humakbang sa mga baytang ng isang gulong upang gumiling ng mga butil.
Nagbibigay ang makina ng isang umaandar na plataporma o batalan na may isang malapad na sinturong kumbeyor at isang dekuryenteng motor o isang bolante (flywheel). Gumagalaw ang sinturon papunta sa likod upang hayaan ang isang tao na lumakad o tumakbo ng isang katumbas, at talagang kailangang kabaligtad, na belosidad. Ang antas ng bilis ng andar ng sinturon ay ang antas ng paglakad o pagtakbo. Kaya't ang tulin ng pagtakbo ay maaaring kontrolin at sukatin. Ang mas mamahalin at may matitibay na mga bersyon ng hakbangan-kabyawan ay pinaaandar ng motor (karaniwan na ng isang dekuryenteng motor). Ang mas payak, mas magaan, at mas murang mga bersyon ay hindi pakontra ang galaw, sapagkat gumagalaw lamang ang makinang pang-ehersisyo kapag itinutulak ng naglalakad ang sinturon sa pamamagitan ng kanilang mga paa. Ang ganitong payak na mga makina ay tinatawag na mga "manual treadmill", sapagkat ang hakbangang-kabyawan ay ginagamitan ng lakas ng tao.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Manual treadmill". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-02-16. Nakuha noong 2011-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)