Maaaring ilagay sa paso at gawing halamang pambahay ang isang Yucca gloriosa.

Ang isang halamang pambahay ay isang halaman na pinatutubo, pinalalaki, at inaalagaan sa loob ng bahay o iba pang mga lugar na tinitirhan o pinamamalagian ng mga tao katulad ng mga tindahan at opisina. Ginagamit silang pandekorasyon at mga kadahilanang pangkalusugan katulad ng puripikasyon o paglilinis ng hanging nalalanghap. Madalas na ginagamit panloob ng bahay ang mga tropikal o semitropikal na halaman, bagaman hindi palagian.[1]

PinagmulanBaguhin

Mga halamang namumuhay sa mga disyerto, mga kabundukan at mga kagubatan ang mga ninuno ng mga ito.[2]

SanggunianBaguhin

  1. EDIS Publication (hindi na mapupuntahan - naka-arkibo)
  2. "Houseplants". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.