Haligi ni Trajano
Ang Haligi ni Trajano (Italyano: Colonna Traiana, Latin: COLVMNA·TRAIANI) ay isang Romanong haligi ng tagumpay sa Roma, Italya, na ginugunita ang tagumpay ng Romanong emperador na si Trajano sa mga Digmaang Dacia. Marahil ay itinayo ito sa ilalim ng pangangasiwa ng arkitektong si Apollodorus ng Damasco alinsunod sa utos ng Senado ng Roma. Matatagpuan ito sa Foro ni Trajano, na itinayo malapit sa Burol Quirinal, hilaga ng Foro ng Roma. Nakumpleto noong AD 113, ang malayang nakatayong haligi ay pinakatanyag sa paikot na bas relief, na masining na kumakatawan sa mga mga digmaan sa pagitan ng mga Romano at Dacia (101-102 at 105-106). Ang disenyo nito ay nagbigay inspirasyon sa maraming mga haligi ng tagumpay, kapuwa luma at moderno.
Haligi ni Trajano | |
---|---|
Lokasyon | Foro ni Trajano |
Itinayo noong | AD 107~113 |
Itinayo ni/para kay | Emperador Trajano |
Uri ng estruktura | Romanong haligi ng tagumpay |
Nauugnay | Foro ni Trajano |