Si Marco Ulpio Trajano (Latin: Marcus Ulpius Nerva Traianus) na kilala bilang Trajano (Setyembre 18, 53Agosto 9, 117), ay ang emperador ng Roma na naghari mula 98 hanggang sa kanyang kamatayan noong 117. Idineklara ng Senadong Romano bilang ''optimus princeps'' ("ang pinakamagaling na pinuno"), si Trajan ay kilala bilang isang matagumpay na sundalo-emperador na nagpalawak sa sakop ng Imperyong Romano, anupat naabot ng imperyo ang pinakamalayong hangganan nito sa panahon ng kamatayan ni Trajan. Kilala din siya sa kanyang pilantropong pamamahala, na nagpasinaya sa pagpapatayo ng maraming pampublikong gusali at mga programa para sa kapakanang pampubliko, na nagbigay sa kanya ng pangalan bilang pangalawa sa Limang Mabubuting Emperador na namahala sa panahon ng kapayapaan at kasaganaan sa Dagat Mediterraneo.

Trajano
Ikalabingtatlong Emperador ng Imperyo Romano
Bustong marmol ni Trajan.
Paghahari28 Enero 98 CE – 9 Agosto 117 CE
Buong pangalanMarcus Ulpius Traianus
(mula kapanganakan hanggang sa pag-ampon);
Caesar Marcus Ulpius Nerva Traianus (mula pag-ampon hanggang sa pag-akyat sa trono);
Imperator Caesar Divi Nervae filius Nerva Traianus Optimus Augustus Germanicus Dacicus Parthicus (bilang emperador)
Kapanganakan18 Setyembre 53(53-09-18)
Lugar ng kapanganakanItalica, sinaunang Hispania
Kamatayan9 Agosto 117(117-08-09) (edad 63)
Lugar ng kamatayanSelinus, Cilicia
PinaglibinganRoma (mga abo sa paanan
ng Kolumn ni Trajan, wala na ngayon)
SinundanNerva
KahaliliHadrian
AsawaPompeia Plotina
SuplingHadrian (ampon)
DinastiyaNervan-Antonine
AmaMarcus Ulpius Traianus
InaMarcia


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.