Trajan (tipo ng titik)
Ang Trajan ay isang serif na pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo ni Carol Twombly noong 1989 para sa Adobe.[2][1]
Kategorya | Serif |
---|---|
Klasipikasyon | Nakaukit |
Mga nagdisenyo | Carol Twombly[1] |
Foundry | Adobe Type |
Ang disenyo ay batay sa pormang-titik ng capitalis monumentalis o mga kapital ng kuwadradong Romano, na ginamit bilang inskripsyon sa pundasyon ng Haligi ni Trajan na dito hinango ang pangalan ng pamilya ng tipo ng titik. Puro-kapital na pamilya ng tipo ng titik ang Trajan, sapagkat hindi gumagamit ang mga Romano ng maliit na titik. Nilikha ni Twombly ang disenyo sa pagkukuha ng inspirasyon mula sa buong litrato ng isang gasgas ng inskripsyon.[3] Kilala din ito na lumalabas sa mga paskil para sa mga pelikula.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 McNeil, Paul (2017). The Visual History of Type (sa wikang Ingles). London: Laurence King. pp. 478–479. ISBN 978-1-78067-976-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Berry, John. "Trajan 3 Pro specimen" (PDF) (sa wikang Ingles). Adobe Systems. Nakuha noong 18 Oktubre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Riggs, Tamye (12 Hunyo 2014). "The Adobe Originals Silver Anniversary Story: Stone, Slimbach, and Twombly launch the first Originals" (sa wikang Ingles).
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "typotalks.com (sa Ingles)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-07-06. Nakuha noong 2019-03-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)