Hamog
Ang hamog ay ang tubig na nasa anyo ng maliliit na patak na nakikita sa mga manipis at naka-expose na mga bagay tuwing umaga o gabí dahil sa kondensasyon. Habang ang naka-expose na rabaw ay lumalamig sa pamamagitan ng pagre-radiate ng init nitó, kino-condense ito ng atmospheric moisture sa mas mataas na rate kung saan puwede itong sumingaw, na nagreresulta sa pagkabuo ng maliliit na patak ng tubig.
Kapag ang temperatura ay mababa, ang hamog ay nasa anyo ng yelo; ang anyong ito ay tinatawag na "andap" (frost).
Dahil ang hamog ay may kinalaman sa temperatura ng mga rabaw, sa hulíng bahagi ng tag-init mas madalî itong mabuto sa mga rabaw na hindi naiinitan ng pindaloy na init mula sa ilalim ng lupa, tulad ng damo, mga dahon, mga rehas, bubong ng mga kotse, at sa mga tulay.
Pagkabuo
baguhinAng singaw ng tubig ay lumalapot upang maging maliliit na patak ng tubig depende sa temperatura. Ang temperatura kung saan nabubuo ang mga patak ng tubig ay tinatawag na dew point o punto ng hamog. Kapag ang temperatura ay bumabà, hanggang sa umabot sa dew point, ang atmosperikong singaw ng tubig vapor ay lumalapot upang maging maliliit na patak sa rabaw. Ang prosesong ito ang naghihiwalay sa mga hydrometeor (meteorolohikal na paglitaw ng tubig), na nabubuo nang direkta sa hangin na lumamig hanggang sa dew point nito, tulad ng mga ulop at ulap. Gayumpaman ang mga termodinamikang prinsipyo ng pagbuo ay parehas lang. Ang hamog ay kadalasang nabubuo sa gabí.