Ang hanapbuhay, hanap-buhay, pinagkakakitaan, paggawa o trabaho (Kastila: trabajo, Ingles: work, job, employment, labor, labour, occupation) ay ang gawain, gampanin, o tungkulin na isinasagawa o isinasakatuparan ng isang tao upang makatanggap ng kapalit na salapi, gana, o suweldo. Tinatawag ang taong naghahanapbuhay bilang manggagawa, empleyado, o trabahador.

Isang uri ng paghahanapbuhay.
Isang panday na nagtratrabaho

Isang intensyunal na aktibidad na ginagampanan ng tao ang trabaho upang suportahan ang mga pangangailangan at kagustuhan nila, ng iba, o isang mas malawak na pamayanan.[1] Sa konteksto ng ekonomika, maaring makita ang trabaho bilang isang aktibidad ng tao na nag-aambag (kasama ang mga kadahilanan ng produksyon) tungo sa mga kalakal at serbisyo sa loob ng isang ekonomiya.[2]

Pangunahing nagtratrabaho ang mga tao sa araw.[3] Prominenteng paksa naman ang paghahati ng trabaho sa mga agham panlipunan bilang parehong konseptong basal at isang katangian ng indibiduwal na kalinangan.[4]

May ilang tao ang pinpuna ang trabaho at inihahayag na buwagin ito. Halimbawa, ang aklat ni Paul Lafargue na The Right to Be Lazy.[5]

Kahalagahan

baguhin

Inilirawan ng Amerikanong si Henry Van Dyke ang hanapbuhay sa isang tula. Ganito ang kanyang sinaad ukol dito:

Sa orihinal na Ingles

baguhin
"Let me but do my work from day to day,
In field or forest, at the desk or loom,
In roaring market-place, or tranquil room
Let me find it in my heart to say,
When vagrant wishes beckon me astray  –
'This is my work  – my blessing, not my doom  –
Of all who live I am the one by whom
This work can best be done in my own way'."[6]
"Pabayaan mo akong gawin ang gawain ko sa araw-araw,
Sa kabukiran man o sa kagubatan, sa mesa o sa habian,
Sa maingay na pamilihan, o tahimik na silid,
Pahintulutan nawang hanapin sa puso ko ang masabing,
Kapag hinihikayat ako ng pagala-galang mga pagnanais na paglayo  –
Ito ang aking gawain  – aking biyaya, hindi kapariwaraan  –
Sa lahat ng mga nabubuhay, ako ang nag-iisang
Pinakamahusay na makagagawa ng gawaing ito sa sariling kong paraan'."

Mensahe ng tula

baguhin

Batay sa tulang ito ni Van Dyke, bawat tao ay mayroong gawaing dapat gawin na hindi pag-aari ng iba. At kailangang igalang ang sariling hanapbuhay, at bigyan ito ng pinakamataas na antas ng kahusayan o kagalingan.[6]

Batas paggawa

baguhin

Ang batas paggawa ay ang mga batas o alituntuning namamagitan sa ugnayan sa isa't isa ng mga manggagawa (empleyado), maypagawa (employer), unyon ng mga manggagawa, at pamahalaan.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Work". Merriam-Webster.com Dictionary (sa wikang Ingles). Merriam-Webster. 12 Hulyo 2020. Nakuha noong 19 Hulyo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Labor". Merriam-Webster.com Dictionary (sa wikang Ingles). Merriam-Webster. 12 Hulyo 2020. Nakuha noong 19 Hulyo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Blume, C; Garbazza, C; Spitschan, M (Setyembre 2019). "Effects of light on human circadian rhythms, sleep and mood". Somnologie (sa wikang Ingles). 23 (3): 147–156. doi:10.1007/s11818-019-00215-x. PMC 6751071. PMID 31534436.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Johnson, Paul M (2005). "Division of labor". A Glossary of Political Economy Terms (sa wikang Ingles). Auburn University, Dept. of Political Science. Nakuha noong 19 Hulyo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Work Definition" (sa wikang Ingles). Oxford English Dictionary. Nakuha noong 23 Nobyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 The Christophers (2004). "Henry Van Dyke, may-akda, propesor sa Pamantasan ng Princeton, Presbiterong ministro, Ministro ng Estados Unidos para sa Nederlandiya, The Worth of Work". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina para sa Setyembre 5. (sa Ingles)