Paghuhugas ng kamay
Ang paghuhugas ng kamay ay ang kilos ng paglilinis ng kamay upang alisin ang lupa, grasa, mikroorganismo, o iba pang di-kanais-nais na sangkap. Ang palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon tuwing mga tiyak na "kritikal na sandali" sa araw ay humahadlang sa pagkalat ng mararaming sakit, bilang halimbawa ang pagtatae at kolera na nalilipat sa pamamagitan ng rutang pandumi-pambibig. Maaari ring mahawa ang mga tao ng mga sakit sa palahingahan tulad ng trangkaso o karaniwang sipon, bilang halimbawa, kung hindi sila maghuhugas ng kamay bago maghawak ng kanilang mata, ilong, o bibig (yaon ay, lamad ng uhog). Kabilang sa limang kritikal na sandali sa isang araw kung kailan mahalagang maghugas ng kamay gamit ang sabon ang: bago at pagkatapos tumae, pagkatapos maglinis ng puwit o magpalit ng diaper, bago magpakain sa bata, bago kumain at bago at pagkatapos maghanda ng pagkain o maghawak ng hilaw na karne, isda, o manok.[1] Kung walang tubig at sabon, maaaring linisin ang mga kamay gamit ang abo.[2]
Paghuhugas ng kamay | |
---|---|
Tumutukoy ang medikal na palalusugan ng kamay sa mga gawaing pangkalinisan na may kaugnayan sa mga prosesong medikal. Makakapagpigil o makakapagbawas ang paghuhugas ng kamay bago magbigay ng gamot sa pagkakalat ng sakit. Ang pangunahing layuning pangmedisina ng paghuhugas ng kamay ay upang malinis ang mga kamay buhat sa mga mulsakit (mga baktirya, birus, o iba pang mikroorganismo na nagdudulot ng sakit) at kemikal na nakapipinsala o nagdudulot ng mga sakit. Ito ay lalo nang mahalaga sa mga taong humahawak ng pagkain at nagtatrabaho sa larangan ng medisina, ngunit mahalgang kaugalian para sa pangkalahatang publiko.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "UNICEF Malawi". www.unicef.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-01-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Hygiene Improvement Project (HIP) – Tippy-Tap: A simple low-cost technology for handwashing when water is scarce". USAID. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Oktubre 2014. Nakuha noong 30 Setyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 25 October 2014[Date mismatch] sa Wayback Machine.